"SPICY tuna pasta sa akin."Nakakunot ang noo na tumingin sa kaniya ang kaharap. "Iyan lang ba ang kakainin mo?"
Now he's talking. "Kapag ba sinabi ko na gusto ko ang lahat ng nasa menu ay oorderin mo?"
He smirked. "Bakit kayong mga babae ang titipid ninyong kumain? Ang hilig ninyong magpanggap."
Now it's her turn to frown at him. "Bakit kayong mga lalaki ang hilig ninyong magtanong? Pakialamero."
"Ahm, excuse me Maam and Sir, kung wala na po kayong idadag-dag na order ay aalis na po ako. Tawagin niyo na lang po ako for any additional order."
Tumango siya at ngumiti sa waiter bilang tugon. Mukhang naingayan ito sa kanilang dalawa at halos takbuhin na nito paalis sa kanilang table.
Iginala niya ang mga mata sa paligid ng restau. May mangilan-ngilan siyang nakikita na kilalang personalidad sa loob, marami rin ang hindi. Karamihan sa mga ito ay mga grupo ng kababaihan na mahahalata mo ang pakay sa lugar. Nahuli niya ang ilan sa mga ito na masama ang tingin sa kaniya. Social climbers..
Ibinaling na lamang niyang muli ang mga mata sa labas ng salamin na bintana. Mas maganda ang tanawin dito kesa sa kabila.
Mabuti at maganda ang pwesto na nakuha nito. Mula sa pwesto nila ay tanaw niya ang magandang tubig ng dagat, ganoon narin ang mga buhangin na nagkikislapan dahil sa tumatama na sinag ng araw. Sinundan niya ang mabining pagsayaw-sayaw ng mga munting alon sa dalampasigan. Ahh, refreshing...
She heaves a sigh. Kakulay kasi ng tubig dagat ang lemonade juice na sine-serve nila sa shoppe. Speaking off, nami-miss na niya ang mag-bake at ang kaniyang shoppe kaya naman kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa para tawagan si Jane. Kay Jane at Lia niya ipinagkatiwala ang kaniyang pinakamamahal na shoppe. Tulad niya ay marunong rin itong mag-bake. Silang dalawa actually ang nagbe-bake ng mga paninda nila kung minsan, mas madalas nga lamang na siya ang gumagawa noon. Pinapatulong lang niya ang mga ito kapag may bulk orders sila o kaya ay kapag may lakad siya o kaya ay tinatamad siya.
"Huwag ka ng magtangka dahil mahina ang signal dito. Swerte mo kapag nagkaroon ka ng isang bar."
Nanlumo siya ng makitang wala nga siyang signal. Ibinalik niya na lamang ulit ang cellphone sa bulsa saka siya tumayo.
"Where are you going?"
Nang-aasar na nginitian niya ito. "Ang clingy mo naman Mister. Magba-banyo lang ako, sasama ka?"
Inirapan lang siya nito saka muling ibinalik sa hawak na diyaryo ang mga mata. "Misis, huwag mo ako masyadong ma-miss."
She rolled her eyes on him. Miss mo mukha mo.
Inilibot niya ang mga mata sa loob ng naturang restaurant sa pagbabakasakali na makita niya kung nasaan ang restroom. Hindi naman siya nabigo.
KASALUKUYAN siya noong naghuhugas ng kamay sa faucet ng may pumasok sa loob. Magandang babae ito at tulad niya ay balingkinitan rin ang pangangatawan at maganda ang tindig. Ngumiti ito sa kaniya kaya naman gumanti rin siya ng ngiti dito.
"Hi, this is the first time I saw here. But I'm sure I've seen you before.." bahagyang nakakunot ang noo nito habang inaalala kung saan siya nito nakita.
Napangiti siya. Wala rin kasi siyang ideya kung saan niya ito nakita dati. "Sorry, hindi ko rin matandaan eh."
"It's okay girl, anyway I'm Danny."
Mabuti at katatapos lamang niyang magpatuyo ng kamay kaya naman tinanggap niya ang pakikipagkamay nito."I'm Gab, nice to meet you Danny."
"Hmmm... Gab.. Gab.. Gab... I think I heard it before." nagkandahahaba na ang nguso nito sa pag-iisip.
BINABASA MO ANG
Marrying the Stranger (Stranger Series 2)
Romance(R-18) Note: This story contains scenes and explicit words that are not suitable for very young readers (18 below). Read at your own risk...😉 ====================== Could love be the only reason to do such thing?? Well, for Gab no. She was so vuln...