Kabanata 21 (Pangalawang Bahagi)

5.4K 145 50
                                    


Let me also dedicate this one to TheSundayPrince and yecarg14344
thank you dearest for the flood votes and comments 😍😍😍

Saranghe 😘😚

================================

"YOU'RE not taking her without me."
naramdaman niya ang mahigpit na hawak nito sa kaniyang kamay. Masama naman ang tingin nito sa kamay ni Artlou na nakahawak parin sa kamay niya. "And you better take your hand off my wife."

"Andrei..." nagsalubong ang kanilang mga mata. "Okay lang naman sa akin na si Artlou ang kasama ko." para siyang napapaso sa mga tingin nito. Kaunti na lamang ay manlalambot na ang mga tuhod niya.

"Well, sa akin ay hindi." Nagtatagisan na ng matatalim na tinginan ang dalawa niyang katabi. Para siya ngayong naiipit sa gitna ng dalawang boksingero na parehong desidido na lumaban anumang oras.

Nilingon niya ang ibang members para sana humingi ng saklolo pero, nadismaya siya sa nakita. Prenteng nakaupo lang ang mga ito sa kaniya kaniyang mga kabayo at iisa ang mga reaksiyon. Puro mga nakangisi ang mga ito habang akala mo ay nanunuod lamang ng pelikula. Kulang na lamang ay abutan niya ang mga ito ng popcorn.

These crazy billionaires!!!!!

"Andrei!" humahangos na lumapit dito si Janna. "Don't tell me, hindi na naman tayo matutuloy ngayon?! Hayaan mo na si Gab, Artlou can handle it. Maliit lang naman ang sugat niya."

Ngumiti si Artlou. "Yeah, tama si Janna. I can handle this, sumama ka na lamang sa kaniya."

Naramdaman niya ang paghigpit pa lalo ng  hawak nito sa kamay niya at ang bahagya nitong paghila sa kaniya palapit dito. "Ako na ang magdadala sa kaniya sa clinic."

"Andrei, you made a promise to this poor girl. You go with her and I'll go with Amethyste. Sige na, alis na." bale walang sabi ni Artlou. Hindi nito alintana ang pagsusungit at pagdilim ng mukha ni Andrei. Sa tingin niya ay hindi na maganda ang timpla ng huli.

"As far as I could remember, ako ang asawa kaya ako ang sasama sa kaniya." masama ang tingin na bumaling ito kay Janna. "And you, huwag mo akong kulitin kung ayaw mong palayasin kita dito sa isla."

Literal na nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi niya kasi akalain na masasabi nito iyon kay Janna. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ng muli na naman siya nitong hilahin palapit dito. Naramdaman din niya ang paghigpit ng hawak ni Artlou sa isa niyang kamay na hawak nito kaya naman hindi nagtagumpay ang una na mabawi ang kamay niya sa huli.

"Ako ang naunang nag-offer kay Amethyste." walang emosyon na sabi ni Artlou.

"At ako ang asawa." madiin na sabi ni Andrei.

"Hey guys chill. Ako ang unang nilapitan ni Gab kanina, remember?" si Dale ang nagsalita sa likuran.

Kahit kailan talaga Dale...

Napabuntong hininga siya. Seriously? "Kayong dalawa, bitawan niyo nga ako. I can walk alone, I can go to the clinic alone at malayo pa ito sa bituka." Inis na binawi niya ang magkabilang kamay sa dalawa at nagmartcha palayo sa mga ito. "Hindi kayo nakakatulong, mga bwisit!"

Kahit pipilay-pilay ay pinilit niyang maglakad para makalayo siya sa mga ito. Naiinis siya dahil para siyang manika na pinag-aagawan ng dalawa. Hinawakan niya ang nasaktang mga pulso. May bakas iyon ng kamay ng dalawa. Sumakit na ang magkabila niyang pulso dahil sa higpit ng hawak  ng mga ito. Lalo na ang kamay na hinawakan ni Andrei.

"Shit," nagkamali siya ng hakbang kaya naman kamuntikan na siyang matumba. Mabuti na lamang at may sumalo sa kaniya.

"Ang lakas ng loob mong mag-walk out, hindi mo naman kaya ang sarili mo." masungit na sabi nito.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon