Meet Sara Belle

2.8K 25 4
                                    

1.

Hindi lahat ng popular sa popular din naiinlove at hindi lahat ng guwapo kinahuhumalingan ng lahat ng babae. High school ako nun and I was the most popular girl in our school. Pano I have the looks and the wealth, hindi nila alam I have this thing called brain. Akala nila binabayaran ko lang mga teachers kaya I was able to top my class pero hindi nila alam, genius ang IQ ko.

I was a party girl and a shoppaholic. Yun ang naisip kong way para maconceal and abilities ko. Ayaw ko naman kasi malaman yun ng iba mamaya sabihin pa nila nerd ako. Hay nako.

Balik tayo dun sa sinasabi ko. Dati lagi nakapalibot samin ng best friend ko ang mga popular-slash-hot guys pero ang tingin ko wala sa kanila kung hindi nandun sa malayo.

Ilang beses ko na siya nahuhuli na nakatingin pero ang hindi niya alam nakatingin din ako sa kanya. May itsura siya kahit nakaglasses siya. Hindi yung nerdy glasses ah? Yung smart glasses. Talagang pati glasses may uri eh nuh?

So yun nga, hindi siya napapansin ng mga girls, which is in my favor, kasi siya yung mga type na medyo shy? Hindi kasi siya into sports, eh? Diba mga boys na nasa basketball or whatever ang napapansin lang ng mga babae? So yun nga feeling ko matalino siya pero syempre mas matalino ako ;) Pero feel ko parehas lang kami pinagbibigyan lang niya ako.

Gwapo naman siya, sa paningin ko nga hot siya with those glasses. Hindi ko alam kung nagggym ba siya or sadyang gifted lang siya pero maganda rin ang katawan niya. Buti nalang talaga wala masyado nakakapansin sa kanya kung hindi ewan ko na.

Crush ko at alam ko crush rin niya ako. Masyado ba conceited? Pero basta yun. Lagi ko kasi siya napapansin na nakatingin sa akin or sinusundan ako. Lalapit pero bigla lalayo, stalker lang ang peg niya.

At si ako being si ako. Weird ba? Eh? Ayaw ko na ako mauna maggawa ng move. I'm just waiting for him, eto yung mahirap kapag torpe yung guy eh?

Until dumating na yung valentine's, nasa may feild kami ni bess nun malayo sa kabihasnan, joke, malayo lang sa tao. Nakita ko siya palapit sa amin, napansin ko rin na naktingin siya sa akin. For the first time in my life na conscious ako sa itsura ko at kinabahan din ako pero syempre hindi ko masyado pinahalata yun.

May hawak siya na bouquet of red roses. Just the right one, hindi sobrang dami at hindi din konti. Isa pa hindi niya tinatago basta hawak lang niya. Ayos ba? No surprises?

Pero actually meron kasi nung few steps nalang siya sa amin, kung baga ba yung decision distance na siya, yung tipo ng yun na yung distance whether you're going to the other one or the other one, mas magula ba? O basta yun. Akala ko sa akin siya pupunta pero kay bess siya pumunta.

Gusto ko na tumakbo nun pero hindi ko ginawa kasi nakita ko yung emotions ko sa mata niya, feeling ko nahiya siya sa akin kaya kay bess nalang siya dumeretso.

Yun yung time na kinainis ko na popular ako. Gusto ko siya gusto rin niya ako pero dahil sa popular ako hindi niya naipagtapat yun. Sana magawa niya akong ipaglaban. Yun ang naisip ko nun.

The next weeks, months. Lagi na namin siya kasama ni bess. We got to know each other more, kaya hindi na rin siya masyado ilang sa akin at ako naman mas lalo ata nafall sa kanya kasi iba siya eh?

Hindi mahilig sa sports, hindi pervert, hindi rin puro kalokohan ang alam, practical, at higit sa lahat totoong tao.

Si bess yung dinidate niya pero ramdam ko ang pagkagusto niya sa akin. Ayaw niya na maiwan kay bess gusto niya lagi ako kasama, talagang sinasama niya ako sa mga lakad nila. Okay lang naman sa akin kasi nga diba I like him pero kay bess hindi okay.

Sabi ko naman nung una diba gwapo siya kaso hindi lang napapansin kaya yun as expected nagkagusto rin sa kanya si Bess. Pinagtapat sa akin ni bess na gusto niya rin yung guy kaya being si ako nanaman ginawa ko yung hiniling niya.

Ramdam ni bess nagusto ako nung guy pero pinaswear niya ako na hindi ko ito aagawin sa kanya. At dahil bess ko yun, ginawa ko naman. Inisip ko nalang na hindi niya ako kaya ipagtanggol so bakit ko rin siya ipagtatanggol.

Umalis ako patungong France nung summer. Nakakuha ako ng opportunity to model kaya kinuha ko na rin for three reasons. 1. To do what

I want; 2. Para makalimutan siya and 3. Para matakasan ang arrange marriage ko.

Full scholarship ang pag-aaral ko ng modeling dun. Tapos may mga pa extra extra din kami sa mga photoshoots kaya nabuhay ako kahit walang tulong from my parents hanggang sa...

One day isang araw. Hindi joke lang po. So yun nga one day nagextra nanaman ako sa isang photoshoot and kailangan ko magmodel sa isang ladder. Siguro na iisip niyo na kung ano nangyari nuh?

Huwag niyo ako pangunahan, story ko 'to :p. Ayun na nga naout balance ako at bongga nagkaamnesia ako. Partial amnesia ata nangyari sa akin kasi hindi naman lahat nalimutan ko, I still remember who my parents are and some things about myself pero most things nalimutan ko na. Nacoma pa nga daw ako for three days eh? Kaya paggising ko kasama ko na sila mommy pero nasa France pa rin kami. For 3 years pinasundan pala nila ako, kaya nalaman nila kung ano nangyari sa akin.

Nagkaheart attack pa nga daw si Mommy nung naglayas ako eh? Pero hindi nila ako kinontact kasi sainabi ko na galit ako sa kanila because ayaw nila icall-off yung wed kaya yun at inatake nanaman siya after malaman nangyari sa akin. Buti nalang nandito pa ang Mommy ko.

Pinapauwi na nila ako pero ayaw ko pa rin. Tuloy pa rin daw kasi ang kasal hanggang ngayon. Pero si Mommy pinilit si Daddy na icancel na daw makauwi lang ako. Sabi naman ni Daddy kung gusto ko daw icall-off yung wedding, kailangan ko daw magdoktor.

Pumayag ako okay na rin yun kasi at least matutulungan ko si Mommy diba. Bayad ko na rin sa 3 years na wala ako sa tabi niya. Only child na nga ako iniwan ko pa sila. Nauna sila umuwinkasi kailangan na daw si Daddy sa kumpanya. Sabi ko susunod nalang ako kasi syempre kailangan ko pa ayusin ang lahat dito sa France.

Babalik na ulit ako sa Pilipinas na fulfilled ang mga rason kung bakit ako una pumunta dito.

Nagkaamnesia ako pero kasama yun sa mga bagay na hindi ko nalimutan. Pero kung sino ang bess ko dati at ang guy na yun ay kasama sa mga nalimutan ko. Maliban sa mga sinabi ko kanina sa pinagdaanan naming tatlo ay wala na akong naalala.

Sabi naman ng doktor it will take time bago ulit bumalik ang mga lost memories ko pero for now okay na rin ang ganito.

Oo nga pala baka iniisit niyo pati pangalan ko nakalimutan ko na pero nagkakamali kayo kasi ang pangalan ko ay

Sara Belle Bouvier 

Second Chance by FateWhere stories live. Discover now