Meet Raphael

1.2K 10 0
                                    

2.

Hindi naman masama ang maging takot diba kahit isa kang lalake, kasi kahit nanaman lalake ka tao ka pa rin naman diba, may mga bagay nakinatatakutan? Pero bakit hindi iyon matanggap ng mga babae? Bakit lagi na lang sila and damsel in distress? Pero kung iisipin mo nga naman iyon na kasi ang nakasanayan at isa pa gusto kasi ng mga lalake mas anggat sila sa babae kaya sila gumagawa ng first moves.

Okay lang maging torpe pero mga pre siguraduhin niyong maipaglalaban niyo mga nararamdaman niyo bago pa mahuli ang lahat.

Gaya ng nangyari sa akin, hindi ko siya naipagtanggol...

Balik tayo sa nakaraan, dati nerdy ako. Nakakahiya man aminin pero yon ang totoo pero huwag kayo, ako ang pinakagwapo sa lahat ng nerds. Genius kasi level ng IQ ko isa pa wala ako hilig sa sports talagang books lang kaya yon. Pero mabait pa rin ang Diyos kasi binigyan niya ako ng magandang katawan. 😉

Mayabang ba masyado? Pero nagsasabi lang naman ako ng totoo. Dati nga hindi ko naapreciate yon pero nung nawala siya doon ko lang napansin lahat ng meron ako. Na hindi pala ako dapat na nahiya sakanya dahil kung tutuusin pantay lang kami.

Kahit hindi niya sinasabi alam ko genius siya katulad ko, mayaman din siya, maganda, maganda ang katawan, at simple pero ang hindi namin pinagkapareho sikat siya ako hindi.

Siya tinanggap niya kung ano siya pero ako hindi. Mahirap kaya ang lumaki na lagi ka nalang naiihahambing sa mas matanda sayo. Sa isang taong nang iwan pero ang siyang mahal ng mga magulang mo kaysa sayong nasa tabi nila.

Dahil sikat siya at ubod din ng ganda lahat ng mga lalake lagi nasa tabi niya. Kapag break at kapag free time. Sila yung mga varsity players namin, gwapo sila at crush lahat maliban sa isa. Isipin niyo na lahat ng gusto niyo isipin pero hindi niya crush yung mga lalakeng nasa paligid niya.

Kapag nagkekwentuhan sila lagi nasa malayo ang tingin niya, wala siyang gana makinig pero hindi yun napapansin ng mga tao sa paligid niya pero ako na nasa malayo pansin ko. Mahal ko yun eh? Kaya lahat alam ko. Corny ba? Pero lahat ng nagmamahal corny, tandaan niyo yan.

Ilang beses ko hinamak na lumapit sa kanya pero kapag ilang hakbang nalang ako mula sa kanya bigla ko iniiba ang direksyon ko o kaya naman direretso nalang ako maglalakad. Bakit? Sa torpe nga ako eh at nahihiya ako sa kanya feeling ko hindi niya ako gusto at mas lalo ko lang ipapahiya ang sarili ko sa gagawin ko.

Pero lahat pala ng iniisip ko mali...

Valentine's day yun habang lahat ng lalake nababaliw kakahanap sa kanya sa iba't ibang lugar ako alam ko kung nasan siya. Every year siya pumupunta doon, tuwing birthday niya, christmas, at valentine's, pero sa araw na yun mas matagal siya nanatili sa field kaya inipon ko lahat ng tapang ko at pumunta doon.

Agad ko naman sila nakita kaya hawak ang bouquet ng red roses na alam ko favorite niya pinuntahan ko sila. Huminto sila sa paglalakad nung nakita nila ako, oo kasama niya yung best friend niya si Lisa. Nagkatitigan kami habang naglalakad ako. Napakaganda talaga ng mga mata niya at mas gumaganda pa yun kapag nakatingin sa akin. Naks naman diba?

Alam ko nacoconsious siya na hindi normal sa isang katulad niya dahil sa totoo lang ilang lalake na ang nakastaring contest niya at lahat ng mga yun ay natalo. Sabi nila nakakalusaw daw ang mga tingin niya at totoo nga naman dahil habang papalapit ako ng papalapit unti unti ng nalulusaw ang inipon kong lakas kaya naman sa huling mga habang ay bigla ko tinungo ang diresyon ng bess niya.

Oo ang torpe ko. Aminado ako doon. Gusto ko suntukin ang sarili ko, gusto ko murahin ang pagkatorpe ko dahil muntik ko na mapaiyak ang babaeng pinakamamahal ko dahil lang sa katorpehan ko. Buti nalang hindi siya umalis kasi baka mas lalo siyang mawala sa akin kasi hindi ko kayang sundan siya, habulin siya.

Second Chance by FateWhere stories live. Discover now