Forgotten Past

546 12 0
                                    

Chapter 11

Balik nanaman kasi ako sa dating posisyon ko same as the first night. Ilang minuto rin silang nagtitigan. Si Mommy super gulat na gulat, hindi niya inaaakalang may anak na ako. Kahit sino naman kasing makakita sa aming dalawa iisipin na mag-ina talaga kami because we're the exact replica of each other.

"Hello Grandma! I'm Crystal Sophie, mommy's baby girl. It's super nice to finally meet Mommy's Mommy, I hope you'll get well soon so that we can go home together tomorrow." Masayang sabi ni Sophie with matching hugs and kisses pa.

Medyo nahiya si Sophie ng wala pa rin nagiging reaction si Mommy at napayakap sa akin ng mahigpit.

"Sara Belle! Goodness! Both of you look the same! That is how you look like when you were 3. And like her at that time magaling ka na rin magsalita most especially English." Masayang masayang sabi ni mommy na hindi pa halos makapaniwala. "Baby pa kiss ulit si grandma." Agad naman siyang sinunod ng baby ko at dun na nagsimula ang kwentuhan at lambingan namin, nila.

---

Ilang oras na ang lumipas, sa katunayan madilim na nga sa labas eh? Ganyan lang naman katagal nagdaldalan ang dalawa kaya ngayon tulog na si Phie sa shoulders ko. Kahit parang hindi ako nagppay attention, I know na ilang beses na rin akong pinag-aaralan ni Mommy.

"Who's her dad, Sara Belle! Bakit ngayon ko lang siya nakilala ha?" Diretsong tanong ni Mommy. Super seryoso na ng mukha niya ngayon. "I'll let you meet their father when he already has time, as of now super busy sa company nila. And hindi niyo sila nakilala kasi nag-away kami ng Dad niya at kinuha siya from me. Hindi ko rin naman masabi sa inyo na nabuntis ako dahil ayaw kong mapahiya kayo at magalit si Daddy. We were doing good in France ng maungkat nanaman ang arrange marriage ko at ayon mas pinili ng daddy nila na iwan ako. And now we're trying to fix things up, gusto niya kami mabuo at ngayon hindi na siya takot Mom." Pagpapaliwanag ko kay Mom.

Wala lang imik si Mommy kaya nagpatuloy nalang ako. "About that Mom, is it okay if I move in with them? Her father asked me kanina but I said I need to ask your permission first." Nag-add pa ako ng shrug ng shoulders para ipakita na okay lang ako kahit ano desisyon niya, pero I guess I'm wrong.

"Sara Belle! I didn't taught you to be irresponsible. You're her Mom, she is your obligation, your responsibility, so don't act as if you don't care. You should fight for them if I don't agree and not just shrug your shoulders!" Pabulong na sigaw ni Mommy sa akin. Tignan niyo kung gano ka terror, sige nga sino hindi hihigh bloodin kung ganyan makareact?

"Anyways, I agree. You better move in with them. Pangut sa bata ang magkahiwalay ang parents niya. Basta don't forget to call and visit me ha? I'm getting lonely na sa Mansion." Pagmumuni ni Mom. Moody ba? Baka dapat siya ang nanay ni Raphael at hindi dapat ako ang anak ni Mom.

"Of course Mom. When are you going home pala?" Tanong ko kasi second day na niya 'to and she looks better naman na, sabi rin ng doctor niya na okay na siya.

"Actually-" napitol siya sa pagdating ni Ms. Anne na may dalang Shakey's. Kyaaah! Pizza and mojos!! Tamang tama medyo nagccrave ako ng mojos ngayon.

"Actually after natin mag-eat alis na ako. Pinagbayad ko lang si Anne at pinabili ng food na ibibigay ko sana sayo, but since you're here let's eat it together nalang." Bakas ang saya ni Mommy sa boses niya. Sa mansion kasi mag-isa lang siya kumakain kaya yan.

Bago pa kami makapagstart kumain may nagknock at kasunod nun ang pagbubukas ng pinto syempre. Haha. Joke lang. Next may mga pumasok na mga nurse. "Ma'am tanggalin lang po namin yung dextrose niyo." Sabi nung isa tapos nung napansin nila ako biglang, "Good evening Doc Sara! Baby niyo po?" So hindi lang pala ako ang napansin nila.

Second Chance by FateWhere stories live. Discover now