3.
I was having my beauty sleep on my private plane may photo shoot kasi ako this afternoon sa Subic kaya I need to have my beauty rest para syempre fresh na ulit ang beauty ko. Obviously model ako syempre bakit naman kasi ako magkakaphoto shoot kung hindi diba?
You're asking kung sikat na model ako? Well masasabi kong oo. Nakapagmodel na ako for different high end brands mostly bags. Addic kasi ako sa mga branded bags, almost lahat nga ata ng brand naimodel ko na eh?
All of that were possible kasi ako ang only child ng isang business tycoon, who is he? Tsaka ko na siya ipapakilala kasi right now medyo nagtatampo ako sa kanya pano he wants me to marry someone I haven't met yet, tapos malala pa dun gagawin lang akong yaya ng mga anak niya.
Oo MGA anak niya, hindi lang isa but two! Biruin niyo yun from comfortable and luxurious life magiging losyang lang ako na stepmom?
Yeah! Losyang na lang ayaw ko maging evil stepmom nuh? Masyado ako maganda at mabait for that pero kung sila magiging evil stepchildren sa akin, edi maging evil lang sila. :p
Mahilig kasi ako sa mga kids kaya lahat ng mga charity activities ng company namin ako lagi nagoorganize and nagrerepresent. Simula noong 16 years old ako, ako na naghehead ng lahat. Sabi ko naman bait ako :D
Dream (Flashback, 3 years ago)
Pinauwi ako ni mommy, supposed to be private plane ko yung gagamitin ko pero under maintainance daw yung plane so no choice kundi magbusiness class na lang. Since we own the airport, ako na lang nauna pumasok. Iwas hassle, iwas pila and all just like when I ride my own plane.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako nagising na lang ako sa isang iyak. Oo iyak, hagulgol pa nga ata ng baby eh? Siguro kanina pa umiiyak yung baby kasi kinakausap na nung stewardess yung parent.
Mahilig ako sa bata pero masakit yung ulo ko at bawat segundong lumilipas lumalala ito kaya mas pinili ko na lang imulat ang mga mata ko.
Ang una kong nakita ay ang kulay brown na mata nung sanggol. Para sa isang baby siya na ata ang pinakacute na nakita ko. Pano ang chubby ng face niya pati na rin yung body niya, tapos yung hair niya parehas kami nung bata ako; straight pero sa dulo kulot. For now medyo magulo siya tignan pero kapag laki niya for sure magiging katulad yun ng buhok ko; elegante and fashionable, straight but curly sa end kaya kahit hindi na ayusin okay lang.
"Can I hold her?" Tanong ko dun sa lalakeng oh? So gorgeous na may hawak kay baby girl. How did I know na girl yung baby? Nakapink kasi siya na clothes so malamang diba girl siya kasi usually kapag boy blue kapag girl pink. Dami ko alam nuh? Genius kasi ‘to. ;p
Nag-aalangan pa nung una si Mr. Handsome pero nung huli pumayag din siya at inabot sa akin si baby. Kawawa kaya yung baby super red na nung mukha niya. Pagkatapos ko siya kinuha tumigil siya sa pag-iyak na kinagulat naman ni MH, short for Mr. Handsome, at nung boy na nasa gitna namin. Ako hindi na ako nagulat, sabi ko naman malapit ang loob ko sa mga bata at ganun din sila sa akin kaya yun.
"Where is her/their mom?" Syempre naman nuh? Malay niyo may chance pa, okay lang naman sa akin kung magiging anka ko 'tong dalawa na 'to. Bata pa sila kaya madali lang tumayo bilang mom nila most especially kay baby.
Yung boy na nasa gitna namin para siyang younger version ni MH. Siguro mga 3 or 4 years old pa lang siya. Parehas sila nung tatay niya na nakamessy style yung hair tapos yung color ng eyes nila dark brown ata na halos kasing kulay na ng black pero kung titigan dark brown lang hindi katulad namin ni baby girl. Color black yung hair nila pero kay baby medyo brownish, parehas nanaman kami. Shocks! May pag-asa. Hindi joke lang. *peace sign*
YOU ARE READING
Second Chance by Fate
Teen FictionLahat tayo may kanya kanyang kinatatakutan. Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo tao lang na kailan man ay hindi magiging perpekto. Dahil sa kahinaan, na wala ang taong mahal mo na sobra mong pinagsisihan. Sa loob ng ilang taon na wala siya sa tabi m...