Grandma

469 10 0
                                    

10.

Narinig ko ang boses ni Sophie na nakapagpangiti sa akin. "Sleep na baby." Sabi ko at niyakap ang kasama ko sa kama sa pagiisip na si Sophie nga talaga ito.

"What the hell are your problem! Hindi niyo man lang ba napansin ang pagpasok ni Belle dito sa kwarto ng anak ko? Fck! Pano kung ibang tao yun edi napahamak na ang anak ko?! Ano pa ang dahilan kung bakit kayo nasa labas?" Rinig na rinig ko ang sigaw mula sa harap ko.

Bumangon ako at pakusot kusot pa ng mata at pamasahe pa ng ulo. Ang sakit kasi eh? Masyado ako napagod kagabi at naexhaust ang braincells ko. Tsk!

"Bakit hindi kayo makasagot? Ano ba tinitignan niyo ha?" Ayan nanaman ang sigaw. Ang aga aga tapos may sumisigaw? Nakakasakit na talaga ng ulo ha?

"Fck! Talikod or you won't see another sunrise again!" At kailangan talaga may mura?

Wait diba dapat magisa lang ako dito sa room? Edi bakit may sumisigaw at nagmumura. Binuksan ko ang mga mata ko at tama nga may mga tao dito sa room. Si Raphael na papalapit sa akin at dalawang bodyguards na nakatalikod.

Napatingin ako sa katawan ko kasi bigla akong nilamig at bakit nga naman hindi eh nakabra lang naman ako?

"Kyaaaa!!!" Sigaw ko at tinakpan ang katawan ko gamit ang kumot. "Sino ba kasing nagsabi sayo namatulog ng nakaganyan sa kwarto ng ibang tao ha? Pano nalang kung hindi si Sophie ang nakaconfine dito?" Kalmang tanong ni Raphael na nakasmirk pa.

"Kwarto ko kaya 'to. Malay ko bang may nakaconfine pala dito. Hindi naman kasi nakalock ang pinto at masyado akong pagod kagabi para macheck na may nakaconfine na pala." Sagot ko at tinanggap ang tshirt na inaalok niya.

Malaki ito at kaamoy niya, which means he owns this shirt. "Mamaya na tayo mag-usap kaya lumabas na kayo!" Sigaw nito at agad naman lumabas ang dalawa.

"Mommy..." Mahinang tawag sa akin ni Sophie kaya agad akong napatingin dito. Namumutla ang mukha nito pati na rin ang labi niya.

"Yes baby?" Alo ko sa kanya. Binuhat ko kasi siya at nilagay sa lap ko para makita ko ang mata at yung kutis niya. Feeling ko may anemia siya kasi nangingitim ang baba ng mata niya, para tuloy siyang may eye bags.

"Please don't leave me anymore. Please Mommy..." Mahinang sabi nito. "Baby, mommy's sorry. Yung mommy kasi ni mommy naconfine tapos nagkaroon pa ng emergency operation si Mommy kaya hindi kita agad na puntahan."

"It's okay Mommy as long as by the end you're still by my side." Sabi nito at pa pikit na pero pinigilan ko siya. "Sophie don't close your eyes baby. If you close those Mommy will disappear." Pananakot ko sa kanya, agad naman nitong binuksan ang mata niya.

Mahina ang heartbeat ni Phie kaya ayaw kong iclose niya ang eyes niya baka mahirapan na kaming gisingin siya ulit. Pipindutin ko na sana ang red button para magcall ng nurse pero may pumasok ng nurse.

"Doc Sara? Anong ginagawa mo dito? Anak mo?" Sunod sunod na tanong ni Doc Ara, classmate ko siya at kaibigan na rin. Siya ang head pedia namin.

"Before those. May anemia ata si Sophie at saka mahina ang heart beat niya. Na check niyo na ba siya?" Nawoworry na tanong ko.

"About that. Kailangan nga ni Sophie ng blood transfusion dahil tama ka may anemia nga siya at ang hindi niya pagkain at patuloy na pag-iyak ay nakaapekto ng sobra dito." Sabi niya.

"Edi bakit hanggang ngayon hindi niyo pa ginagawa?! Ano ba naman Ara! Alam mo naman na first priority natin ang mga nakaconfine sa 5th at 6th floor diba? What' s happening?" Galit na tanong ko. Pano ba naman kasi walang doctor sa emergency kahapon at ngayon naman alam na nga nilang critical ang condisyon wala pang ginawa.

Second Chance by FateWhere stories live. Discover now