One Room

432 8 0
                                    

14.

Ilang oras na siguro kami naglalakad kasi sobrang sakit na ng paa. Nalibot na namin halos buong mansion ng mga Mercedes. Mula sa kitchen ay lumabas kami papuntang sala at lumabas sa isang sliding door papunta ng garden at lumibot papuntang kabilang side ng bahay para macheck ang swimming pool at pumasok ulit.

Umakyat kami papuntang first floor para icheck ang mga kwarto ng mga bata, pero wala sila doon. Tinignan din namin ang ibang mga kwarto, sa floor na ito may 8 na rooms. Lima dito ang bakante sa ngayon.

Sabi kasi ni Manang tuwing magfafamily gathering ang mansion ay nagiging parang hotel para sa angkan ng mga Mercedes at ang first floor ay para sa family. Nandito ang kwartong ginagamit ng mga magulang ni Raphael at ng nakababata niyang kapatid na babae.

Napansin ko ding malalaki ang mga sukat ng kwarto dito at nung ipaliwanang ni Manang ang mga nagkakwarto sa floor na ito ay agad ko namang naitindihan kung bakit. Napatuloy kami sa ikalawang palapag.

Dito daw lahat ng mga essentials at entertainment.

Sa essentials, kasama doon ang office ni Raphael, mini library, family room, at stock room. Samantalang sa entertainment na bibilang ang theatre room at game room. Pagdako namin sa game room ay doon namin nahagilap ang tatlong pinaghahanap namin.

Nakahinga ako ng maluwag matapos ko sila makita, medyo nag-aalala na rin kasi ako at hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang umakyat pa sa third floor, kung saan naman daw makikita ang mga guest room, at ang pinakahuling palapag ang roof top kung saan may mini bar ayon na rin kay manang.

Bilang tumakbo palapit sa akin si Sophie ng makita ako nito sabay sigaw na rin.

“MOOOMMMYYYYYY” malakas na tili nito.

Yumakap siya sa mga binti ko dahil hindi pa naman siya ganun kalaki kaya’t mas minabuti kong lumuhod upang maging magkapatay kami ngunit dahil na rin siguro sa pagod unti-unting nanlabo ang panginin ko, pakiramdam ko umiikot ang mundo, at hindi nagtagal nagdilim na ang paligid.

* * *

Nagising ako sa isang unfamiliar na room. Bumangon upang makaupo at sa paggalaw ay ininda ang sakit ng ulo kaysa nasapo ko ito. Pinaikot ko ang paningin ko upang pagmasdan kung nasan ako. Puti ang mga ding ding habang ang mga gamit naman ay puro itim. Modern na modern ang tema ngunit napakalungkot, pang patay ang mga kulay.

Hindi naman nagmukahang pang ospital ang kulay ng mga ding ding dahil may mga nakasabit naman dito na mga decorasyong moderno. Nakakamangha ang pagkadesenyo ng silid ngunit yun nga lang napakalungkot. Sa aking kanan ay may sliding door na naghihiwalay sa veranda, sa harap ko makikita ang isang malaking tv na nakamount sa ding ding. May mga sofa ring nakaayos na nakapalibot sa isang coffee table at may pinto sa magkabilang dulo ng ding siguro eto ang mga papuntang banyo at walk-in closet.

Patayo na ako ng bilang magbukas ang pinto na medyo malapit lang sa kama at iniluwa nito ang isang lalake sa katauhan ni Raphael at doon ko naalala ang lahat.

“Gising ka na pala.” Sabi nito at umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.

“How are you feeling babe?”

“Okay naman na ako masakit lang ang ulo. Anong oras na nga pala?”

Pagtatanong ko,  medyo madilim kasi ang buong paligid kung hindi lang dahil sa dim lights ng kwarto. Pinalanganin kong hindi pa sobrang late dahil magluluto pa ako ng dinner para sa kanila.

“8 pm babe. Where do you want to eat? Dito or sa baba para makainom ka ng gamot. The doctor said you stressed yourself so much, dapat daw matulog ka ng sapat o kaya naman ay bumawi ka naman kahit papaano.”

Second Chance by FateWhere stories live. Discover now