I

32 1 0
                                    

Alee's POV:

Kalalabas ko pa lang galing sa huli kong klase. Nagugutom na ako. Ayoko namang kumain sa mga carinderia. Hindi dahil maarte ako. Basta! Bakit kailangan kong magpaliwanag? Maaga pa naman kaya naglakad na lang ako pauwi. Papaliko na sana ako sa kanto namin nang biglang may humintong van at bumaba ang dalawang higante. Sa halip na matakot eh nainis pa ako.

"Miss, sumama ka sa amin." Hindi sila mukhang nakakatakot. Actually, cute nga sila. Cute pero malalaki. Mukha silang familiar.

Huminto ako at pinamewangan sila. "At bakit? Close ba tayo?" Tumunog ang tiyan ko at mas lalo akong nainis.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan." Lumapit sila sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Kung ayoko?" Medyo kinakabahan na ako. Ito na ba 'yong sinasabi nilang sindikato na nangingidnap at kinukuha ang internal organs pagkatapos ay ibebenta sa black market?

Pero, teka! Mga bata lang naman ang nababalitaan kong ginaganon ah? Bakit pati ako? Matanda na ako! Makunat na ang mga internal organs ko!

"Maghahalo ang balat sa tinalupan." Humigpit ang hawak nila sa akin. Nakaangat na din ang paa ko sa semento.

"Oh eh 'di ihalo mo. Madali na namang makikita kung alin ang balat at ang hindi." Bahala na lahat ng superhero na may 'MAN' sa pangalan. Kuhanin na nila ang lamang-loob ko kung gusto nila! Malulugi pa sila sa puso ko.

"Pilosopo ka ah."

"Pilosopa! I'm a girl kaya! Saka matalino lang ako talaga."

Mukhang naiirita na silang dalawa sa akin kaya pinasakay na nila ako sa van. "Sumama ka na ng maayos. May gusto lang kumausap sa 'yo."

"Infairness naman sa inyo. Sosyal ang van! Madami na ba kayong nakidnap kaya bigtime na ang sasakyan ninyo?" Malaki kasi 'yon. Para 'yong sasakyan nong artista don sa The Greatest Love. Inilibot ko ang tingin ko at may nakita akong pagkain na nakapatong don sa upuan na nasa harap ko. Mukhang kakaorder pa lang. "Nagdrive thru pa talaga kayo?"

"That's for us."

"Sosyal! English speaking pa kayo!" Dinampot ko 'yong isa at binuksan. Kumalat tuloy ang amoy ng chicken sa sasakyan. "Hmmmnnn.. Smells delicious! Namnam!" Kumagat ako sa manok at sumubo ng kanin. Grabe! Nakalibre pa ako ng pagkain. Muntik ko nang maibuga ang nasa bibig ko nang malasahan ko ang anghang ng manok. "Shutenginems!" Sigaw ko pero nilunok ko 'yong nginunguya ko. Hinampas ko 'yong isang katabi ko. "Bakit hindi mo sinabing maanghang? Tanga ka ba? Akina nga 'yang softdrinks." Inaiabot naman sa akin nong may balbas. Dire-diretso kong nilagok 'yon sabay dighay ng malakas.

"You didn't bother to ask. And it's not even yours. I already told you, that's for us."

"English-english pa 'to. Isupalpal ko sa 'yo 'tong hita ng manok eh.." Mahinang sabi ko. "Shhhh.."

Sabay silang tumingin sa akin na parang nagtatanong kung bakit. Ngumisi ako saka dumighay pa uli ng malakas.

"So unlady like.. Ewe!" Napatingin ako don sa nakashades at nakabonnet.

"Bakla ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me.. Kahit hindi bakla, puedeng mandiri.  Para kang hindi babae kung kumain."

"Hoy!" Dinuru-duro ko pa siya. "Masama bang dumighay? Mandiri ka kung umutot ako sa bibig. Arte!" Huminto na ang van. Bumaba na 'yong dalawa at isinama ako. "Don't touch me! I can walk by myself, okay?" Sabay dampot sa kinakain kong manok. Napansin kong parang sa isang gym yata kami pupunta. "Dito ba ang hide out ninyo? Bakit masyadong matao dito sa labas? Hindi ba kayo nahuhuli? Paano kapag sumisigaw 'yong kinukuhanan ninyo ng organ?"

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon