Javvy's POV:
Nakatingin lang ako sa kanila ni Elijah habang masaya silang nag-uusap. Bakit pagdating sa akin, ang harsh at ang rude niya? Pero bakit kay Elijah, sweet at caring siya?
"Dude..dude.. BakiT mo ba pinipisil ang bottle? Nabasa na ang shoes mo!"
Basa nga ang sapatos ko.
Buisit kang tianak ka!
Bago pa ako nakapag-isip ay dinampot ko ang towel ko at ibinato 'yon sa mukha ni Elijah. Sa halip na magalit siya ay tumawa lang siya ng tumawa. Pati tuloy sina coach at ang iba ay nagtawanan.
Kumanta pa sila. As in, sabay sabay sila. Pang-asar! Alam ko 'yong kantang 'yon eh.
'Selos lang 'yan 'di ba?
Javvy, selos lang 'yan 'di ba?'
Ah, peste!
Bahala kayo.
Deadma na lang kayo sa akin.
Nang sumulyap uli ako kay tianak ay nakakunot ang noo niya sa akin pero inirapan ko lang siya at nagpatuloy na kami sa practice.
I'm inlove with her..
----------------------------------------------------------------------------------------
Inihatid ko siya pauwi sa kanila dahil balak ko na sanang umamin. Hindi ako 'yong tipo ng taong papatagalin pa ito. Para malaman niyang nagseselos ako sa kanila ni Elijah at sa lahat ng crushes niya.
Papasok na sana siya sa gate pero hinawakan ko siya sa braso.
"Aleenah.." Kinakabahan talaga ako. Ito ang unang beses na magtatapat ako ng feelings sa babaeng gusto ko. Madalas kasing gusto din ako ng babaeng natitipuhan ko at nauuna silang magbigay ng number sa akin.
Nakakunot noo pa talaga siya nang humarap. "Wow! This is the second time that you call me by my name." Ngumiti pa siya.
Hindi agad ako nakapagsalita. Alam kong hinihintay niya kung anong sasabihin ko. Humugot ako ng malalim ng hininga bago nagsalita.
"I like you, Aleenah. I like you a lot."
Hindi agad siya nakapagreact. Kahit yata ako. Baka sinamaan na ako ng lasa. "H-ha? Joke ba 'to? A-Anong n-nakain mo? M-may sakit ka ba? S-siguro panis na 'yong ulam natin kanina. Tch. O baka naman naka--"
Hinawakan ko siya sa dalawang balikat. Saka ako yumuko.
I kissed her.
"Ang hirap mo palang halikan. Mukhang mababalian ako ng backbone kapag hahalikan kita. But.. It's worth it.. Your lips worth breaking my backbone."
"B-bakit mo ako h-hi-hinali-likan? P-payatot ka!"
Mahina ko siyang pinitik sa noo saka ko siya nginitian at hinawakan sa pisngi. "Goodnight." I kissed her forehead before riding the car. Napangiti pa ako nang makita kong hindi pa din siya kumikilos at hinawakan pa niya 'yong labi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/13017538-288-k236256.jpg)
BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceIt all started with a status update that led her way to the one of the most popular basketball players in the country. (A/N: Sabaw..)