Alee's POV:
Nandito kami sa bahay nila. Dito sa kuarto niya. Pero bawal ang madumi ang isip! Abala lang naman siya sa phone niya habang nakadapa ako at naglalaro sa laptop niya. Super kinilig ako nang buksan ko ang laptop niya. Picture ko kasi ang nasa background at screensaver. Muntik na akong magtatalon at magsisigaw ng bonggang bongga. Nang magsawa ako ay humiga ako. Nakangiti siya at may tinitingnan na naman sa phone niya. Ipinatong ko ang paa ko sa mukha niya.
"Ang baho ng paa mo, tianak!"
"Hoy, mahiya ka sa flat mong tummy! Kapal mo!"
"Hindi ka pa din nakakaget over sa sexy tummy ko?" Biro niya sa akin. Inginudngod ko sa nguso niya ang paa ko. Hindi na lang uli niya ako pinansin. Abala na uli siya sa phone niya. Siguro may chicks ang payatot na 'to!
Sa inis ko ay bumangon na ako. "Uuwi na nga ako!"
"Bakit?"
"Busy ka naman eh. Sino bang katext mo?"
"Basta may hawak na phone, may katext agad?"
"Malay ko! Baka may iba ka pang chicks bukod sa akin!" Nagpout ako.
"Come here!"
Tumabi ako sa kanya. Nang makalapit ako ay iniabot niya sa akin ang phone niya. "Siya ang tianak na mahal ko."
O_o
^_^
Pictures ko pala 'yong tinitingnan niya.
"Stalker ka ba?" Hinug ko siya. Ang sweet sweet niya talaga.
"Oo. Sa 'yo. Palagi kayang profile mo lang 'yong tinitingnan ko. Bago pa kita makita ng personal ay ganito lagi ang ginagawa ko. Nang hindi na ako makatiis ay ipinahanap na kita. Baka mamaya, lalaki ka pala at hindi ikaw 'yong nasa pictures."
"Matagal ka na palang may HD sa akin?"
"High definiton?"
"Hidden Desire!"
"Siguro."
Bumangon ako at naupo sa gitna ng kama. Magkaharap na kami. Nginitian ko siya ng sobrang tamis. Gumanti siya ng mas matamis. Baka maging hyperglycemic ako sa sobrang sweet niya.
"Tatangkad pa kaya ako?"
"Feeling ko, hindi na. Sana 'wag na."
"Bakit?"
"Saktong sakto ka na kasi sa puso ko. Baka kapag tumangkad ka pa, sisikip na sa puso ko at mag-uumapaw na ang pagmamahal ko sa 'yo." Ang dami kong tawa. Pumipick up line kasi siya. "Eh ako kaya?"
"Sana 'wag na din. Sobrang tangkad mo na eh. Baka matapakan mo na ako kapag nagdedate tayo." Ang lakas ng tawa niya.
"Speaking of date. Date naman tayo." Pinagsalikop niya 'yong kamay namin saka ipinatong sa dibdib niya. Sa tapat ng puso.
"Dito na lang muna tayo. MOMOL MOMOL." Nakangising sabi ko.
"Momol? Ano 'yon?"
Ngumisi ako lalo sa kanya.
Hindi pala niya alam 'yon?
"Make out, make out lang."
"Ano ba 'yan? Grabe ka talaga! Mas green ka pa sa akin." Namula siya. Napatawa tuloy ako.
"Anong masama sa momol? Ibang make out yata ang nasa isip mo eh. Ikaw ang green! Saka bakit pavirgin ka pa diyan! Virgin ka pa ba?"
"Hoy, hindi ah! Madami na kayang nakatikim ng alindog ko."
Nagkatinginan kami saka sabay humagalpak ng tawa.
Ang saya lang ng relasyon namin 'no?
Open kasi kami sa mga ganong bagay. Hindi kami nagkakailangan kahit nagbabatuhan kami ng green jokes.
Javvy's POV:
Sumulpot ang ulo ni Mommy sa pinto ng kuarto ko.
Tama po!
Hindi po kami puedeng magmilagro dahil nakabukas po ang pinto.
Sabi nga ni tianak, MOMOL.
Ang dami kong tawa sa MOMOL na 'yon. Itatanong ko nga sa teammates ko kung alam nila 'yong MOMOL.
"Javvy, lalabas lang kami ni Dad mo. Tumawag kasi si Tito mo."
"May pagkain po ba?"
"Oo. Pakainin mo na si Alee."
"Okay po."
"Dito muna kayo. Bawal ang monkey business."
"Aye, aye, madaam!" Sabay pa kaming dalawa.
Pagkaalis ni Mommy ay nahiga kaming dalawa. Nakatitig lang kami sa kisame. Nang mabagot ako ay niyaya ko siyang maglaro. Patagalan ng titig.
"Limang pitik sa noo ng matatalo." Suggestion ko sa kanya.
"Ang daya! Tingnan mo nga ang daliri ko kumpara sa daliri mo! Baka isang pitik mo pa lang, sumabog ang utak ko!"
Napatawa na lang ako sa kakulitan niya. "Okay. Limang pitik sa akin, isa sa 'yo. Then.." Mas lumapit ako sa kanya. "..apat na kiss. Lugi pa ako. Okay?" I grinned at her.
"Owkey powhsz.."
Akala ko hindi siya papayag eh.
Isang minuto pa lang yata kaming nagtititigan nang mapasulyap ako sa labi niya. Kumibut kibot 'yon kaya napatitig ako doon. Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya kaya nanlaki ang mata niya.
"Can I kiss you?"
Tumango pa siya. Sunud sunod na tango.
Heaven!
Pakiramdam ko naabot ko ang langit nang lumapat ang labi ko sa kanya.
This is the first time na nagkiss kami ng ganito. Kadalasan kasi puro pecks lang. Pero iba ang isang ito. Basta, iba!
Hinawakan ko ang pisngi niya para iguide siya. Pumikit pa siya. Lumalalim na ang halikan namin. Umabot na ang kamay ko sa gilid ng dibdib niya. Nasa tagiliran ko naman ang kamay niya at doon nakahawak. Maya maya ay lumipat 'yon sa tiyan ko kaya pinigilan ko at idinikit sa dibdib ko. Ilang sandali pa at inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Idinikit ko na lang ang noo ko sa kanya saka ako pumikit.
"Hanggang momol muna tayo ngayon."
She chuckled.
"Flat chested ka pala."
"Excuse me?"
"Eh wala akong nahawakan."
"Hello? Sa gilid ka po nakahawak."
"Wala kaya talaga."
O_o"
Nagulat ako sa ginawa niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilapat sa dibdib niya. Parang napaso naman ako at umatras. Nahulog tuloy ako sa kama. Grabe! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may naghahabulang kabayo sa loob ng dibdib ko.
"I love you na Javvy." Nakangiti siya nang sinilip ako sa sahig. Ginantihan ko din siya ng ngiti saka ako bumangon.
"Let's eat!"
"Babahin mo ako."
"Mabigat ka kaya. Baka mabalian--woah!" Nakabitin na siya sa likod ko. "Kumapit ka. Bababa tayo ng stairs." Inayos ko ang kamay niya saka ko hinawakan ang binti niya sa tagiliran ko.
"Wabyu, Javvy!" Kiniss niya ako sa cheeks.
"Wabyutu, tianak!"

BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceIt all started with a status update that led her way to the one of the most popular basketball players in the country. (A/N: Sabaw..)