II

19 1 0
                                    

Mierkules.

May game sila ngayon kaya absent ako sa school.

Utusan nga ako 'di ba?

Infairness kay Javvy, ang galing niya talaga maglaro. Pero kay Elijah pa din ako. Nagdunk nga siya kanina. Napasigaw at napatalon pa nga ako. Itinutok tuloy sa akin ang camera at nakita ako ng mga manonood. Nakakahiya kaya yumuko na lang ako.

Sabay na inilabas si Javvy at Elijah.

"Water!" Sarap tadtarin nitong si Javvy at gawing sizzling sisig. "Towel! Faster!" Naupo na siya. Mukhang pagud na pagod. Ang payat-payat naman kasi. Ni walang muscle. Kahit calve muscle parang maliit lang. Pero infairness sa kanya ha? I like his butt. Napangiti ako sa naisip ko. "Nasaan na ba--" Ibinato ko sa kanya 'yong towel. Sapul sa mukha niya. Idinikit ko naman sa pisngi niya 'yong bote ng tubig na malamig.

Lumapit ako kay Elijah at tumayo sa may likuran niya. Ako na 'yong nagbukas ng tubig saka ko iniabot sa kanya. Pinunasan ko 'yong pawis niya habang umiinom siya. Nakatingin siya sa akin. Napatigil tuloy ako at napatitig sa kanya.

'Mukhang may romantic scene tayo sa bench ng Green Hawk.'

 

'Yea, I agree. But look..I think, may love triangle.'

 

'May bago ba silang water boy..and I think, she's a she.'

Natauhan ako nang madinig ko 'yong boses ng commentator. Napatingala ako at nakita kong sa amin nakatutok ang camera. As in, sa aming tatlo ni Elijah at Javvy. Nasa gitna kasi nila ako. Nakatayo ako sa likod pagkatapos nakatingala sa akin si Elijah. Nagtaka naman ako sa reaksyon ng mukha ni Javvy. Nakabusangot kasi ang mukha niya at ang sama ng tingin sa amin. Ibinaba ko 'yong suot kong sumbrero para takpan ang mukha ko saka ako medyo lumayo at nagpunta sa pinakalikod ng bench.

Spell nakakahiya.

A-L-E-E

Panalo 'yong team nila. Kasama din nila ako dito sa dugout nila. PA naman ako ngayon. Pagod at gutom na ako. Hindi pa ako naglalunch. Walang puso 'yang si Javvy. Sarap talaga kutusan.

"Una na ako. Sige, coach." Binitbit na niya 'yong bag niya at lumabas.

"What's wrong with Javvy?" Tanong ni Grey.

Nagkibit balikat lang 'yong iba. Bumaling naman sa akin si Coach.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon