XIII

11 1 0
                                    

Three years later.

"Dude! Malapit na ang engagement." Lumapit sa akin sina Elijah.

Uminom ako ng alak.

"Sigurado ka na ba?" Tanong naman ni Louie.

"Magpapaengage ba ako kung hindi?" Seryosong sagot ko.

"What if, bumalik siya?" Epal talaga 'tong si Griel.

"Hindi na siya babalik. Kung babalik siya, dapat matagal na. Kinalimutan na ako non. Tatlong taon nga siyang hindi nagparamdam eh." Mahabang sabi ko saka ko nilaklak ang alak. Nakita ko pang nagtinginan sila at umiling-iling. Parang hindi lang nila masabing, 'HE's HOPELESS'.

Tama!

Tatlong taon na akong walang balita sa kanya. Nangako siyang araw-araw siyang tatawag.

Oo!

Noong una, halos araw-araw, oras oras kaming magkausap. Pero unti unting dumalang. Hanggang sa buwan buwan na lang. At eksaktong tatlong buwan ay naputol na ang komunikasyon namin. Hindi ko alam kung anong nangyari. Sabi ko, baka may inaasikaso lang siyang mahalaga. Kaya lang.. Hindi ko na uli siya nakausap man lang. Kahit ang account niya hindi na din niya nabibisita. Halos mabaliw ako noon. Gabi-gabing nag-iinom. Minsan nga, napatrouble ako. Ilang games namin ang natalo dahil sa akin. Nasuspinde ako dahil pumunta ako sa game na nakainom. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon. Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa ganito. Ang dami naming binuong pangarap na magkasama. Pagkatapos, wala lang pala lahat 'yon.

Bakit ko ba kasi siya minahal ng sobra?

Bakit ba kasi hindi ko naisip na iiwan lang niya ako?

Bakit hindi ko naisip na kakalimutan lang niya ako na parang wala lang?

Ang tanga ko!

Ang tanga tanga ko dahil nagmahal ako ng babaeng hindi ako mamahalin gaya ng pagmamahal ko!

Ang mas masakit pa nito.. Dinala niya ang puso ko nang umalis siya.. Pero hindi naman niya ibinalik!

Madaya siya! Sobrang daya niya!

"But you still love her, don't you?" Isa pa 'tong si Grey. Sarap nilang hampasin ng bote ng alak.

Hindi ako nagsalita. Uminom na lang uli ako ng alak. Dapat nagpapakasaya ako ngayon dahil champion kami. Higit sa lahat engagement ko na bukas ng gabi. Dapat masaya ako dahil may babaeng tumanggap sa akin noong mga panahong patapon na ako.

Remember, Leila?

Aleenah's friend way back in college?

She's the girl I'm talking about. Nagkatagpo kami sa isa sa mga bars na pinupuntahan ko noong nagpapakasira ako. Lasing na lasing ako noon. Nilapitan niya ako at nagpakilala siya. Tinulungan niya ako. Nasundan pa ang pagkikita namin. Hanggang sa unti unti na uli akong tumitino. Niligawan ko siya at sinagot naman niya ako after a month. We've been together for almost six months. But I decided to marry her. Pumayag naman siya. At bukas na nga ang engagement namin.

Panahon na siguro para tuluyan ko nang kalimutan ang babaeng minsang naging parte ng buhay ko.

..Ang babaeng minsang nagbigay ng kulay at sigla sa buhay ko..

..Ang babaeng minahal ko ng higit pa sa sarili ko..

Pinapalaya na kita, Aleenah..

(A/N: pinabilis ko na lang 'yong flow ng story. sana may nagbabasa.. salamat..)

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon