Tatlong araw ang lumipas bago siya magising. Tatlong araw na din akong nandito sa tabi niya. Ang sabi ng doctor ay 'wag daw kaming masyadong mag-alala. Makukuha naman daw sa mahabang pahinga para makarecover agad siya.
"J-javvy? Nasaan ako?"
"Hush. Nasa hospital ka." Hinawakan ko ang kamay niya at inilapit 'yon sa pisngi ko.
"Ha? Kailan pa?"
"Three days."
Nagulat siya kaya bumangon siya.
"Dahan dahan. Bak--"
"My bag?" Iniabot ko sa kanya ang bag niya. Kinuha niya ang phone niya at dali daling may pinindot doon.
--Aleenah! Hell! Ilang araw ka nang hindi tumatawag? Nasaan ka na ba? Tinakasan mo na naman ako! Pinag-alala mo ako. Alam mo ba 'yon?
Napangiwi siya habang nakikinig sa kabilang linya.
'Sorry. Nandito ako ngayon sa Holy Infinity Hospital. Sorry talaga.'
Ibinaba niya ang telepono at nahiga na uli. Diretso lang siyang nakatitig sa kisame.
"Alee--"
"Umalis ka na. Maayos na ako. Puede mo na akong iwan. May dadating na para alagaan ako." Hindi man lang niya ako matapunan ng tingin.
"No.. I won't leave you.."
"Please..leave.." Walang emosyong sabi niya. Tatanggi pa sana ako pero bigla kong naalala ang sinabi ng doktor. Baka kasi magalit pa siya kaya tumayo na lang ako.
"D-dadalaw uli ako buk--"
"There's no need. I don't want to see you. I want to move on. I want a Javvy-free life.."
Hindi ako nakakibo agad. Ilang minuto ang lumipas bago ako tumalikod at lumabas sa kuarto niya. Napasandal ako sa nakasarang pinto pagkalabas ko. Bigla na lang ding tumulo ang luha ko. I know, I deserve this.. Pero..ang sakit.. Sobrang sakit na madinig at makitang ipinagtatabuyan niya na ako paalis sa buhay niya.
Sana nagtiwala ako sa kanyang babalik siya..
Hindi sana kami umabot sa ganito..
Sana tinupad ko na lang ang pangako ko sa kanya..
Hindi sana kami nasasaktan ngayon.
----------------------------------------------------------------------------------------
Dumating ang isang lalaking kahawig ni Aleenah. Nalaman kong kapatid niya pala ito.
"So, you're Javvy? I'm Alain. Aleenah's older brother." Inayos niya ang salamin niya. "Ikaw ba ang dahilan kung bakit naospital ang kapatid ko?"
"I'm sorry. I didn't know."
"I heard you're getting married." Ngumiti siya ng mapait. "..with her friend. Wala din palang silbi ang paglaban niya para sa 'yo. Nagtataka nga ako sa kanya kung bakit bumalik pa siya dito. Wala na naman siyang babalikan. Sayang lang ang pagsasakripisyo niya sa loob ng tatlong taon. She's pathetic...but brave."
"Puede ko bang malaman ang lahat? Lahat lahat. Aleenah, refuse to tell me everything."
"Tutal, wala na din namang silbi kung malaman mo man. Okay. I'll tell you everything." Tumawa muna siya. "This will gonna be one hell of a story telling.."
"I'll listen.."
Bumuntung-hininga muna siya bago nagsimula. Mukhang mahaba-haba nga ang ikukuento niya. "Halos araw araw siyang nasa ospital noong bata pa siya. May sakit kasi siya sa puso. Hindi normal ang puso niya. Blue baby. Kaya kami nagpunta sa ibang bansa ay para doon siya maipagamot. Inatake kasi siya at tatlong linggo siya noong walang malay. She was just nine that time. Napakabata pa. Doon na din ako nag-aral. Alam mo bang kaya ako nagdoktor ay dahil sa kapatid ko? Gusto kong ako ang gagamot sa kanya." Hindi ako nagsalita at nanatiling nakikinig sa kanya. "Pero, matigas ang ulo niya. Alam mo bang umuwi siya dito sa Pilipinas nang hindi namin alam?" Napailing-iling pa siya habang sinasabi iyon sa akin. " She was just fourteen when she went back here. Sinundan ko siya dito pero nagmakaawa siya sa akin. Gusto daw niya ng normal na buhay. Kahit man lang daw makatapos siya ng pag-aaral dito. Nangako siyang palagi siyang magpapacheck up at babalitaan niya ako sa lahat ng mangyayari. Alam kong wala akong magagawa dahil iyon ang gusto niya. Napapayag din niya kami. Pero makalipas ang ilang taon, nalaman ko ang totoong dahilan ng pagbalik niya dito. Ayaw lang pala talaga niyang magpagamot. Gusto niyang maging malaya. Gusto niyang gawin ang lahat ng gusto niya bago man lang siya mawala. Sinabi niyang ayaw daw niya ng kahit anong operasyon. Gusto niyang mamatay na masaya at malaya. Ayaw na niya kaming mag-alala sa kanya. Sabi pa niya, kung mamamatay daw siya eh 'di okay! Patay kung patay! But at least, she's happy. 'Coz she lived her life to the fullest."
"Pasaway talaga.." Pinahid ko ang luha ko dahil ang bigat ng nararamdaman ko.
"Nagulat na lang ako isang araw nang tawagan niya ako at tanungin kung malaki daw ba ang pag-asang mabubuhay siya kung ooperahan siya. Nagtaka pa nga ako eh. Bigla bigla kasi. Ayaw pa nga niyang sabihin kung bakit pero pinilit ko siya. Nalaman kong nakilala ka pala niya. Punung-puno siya ng pag-asang magiging successful ang operasyon habang ikinukuento ka niya sa akin. Ginusto niyang mabuhay para sa 'yo. Alam kong iniisip mong kinalimutan ka na niya. Pero sa loob ng tatlong taon, hindi ka niya nakalimutan kahit isang araw. Napansin naming sa 'yo umiikot ang mundo niya at ganon ka din sa kanya. Kapag kasi nakikita namin siya habang magkausap kayo dati sa harap ng computer ay kitang-kita kung gaano ka niya kamahal. Kinausap namin siya.. Sinabi naming putulin muna niya ang komunikasyon sa 'yo. Hindi agad siya pumayag. Pero sabi namin, 'wag kang paasahin. Kahit kasi kami ay hindi gaanong umaasang magtatagumpay ang operasyon. Ayaw kasi naming masyadong umasa pagkatapos ay mabibigo naman. Mas mabuti na 'yong handa kami para mabawasan ang sakit kung sakali mang.." Tumingin siya sa akin. "..mawala siya. At saka kahit wala kayong komunikasyon, kung mahal mo siya, mahihintay mo siya. Kahit gaano pa katagal. Pumayag siya. Dalawang taon kaming naghintay ng donor niya. At masuerte nga dahil nakahanap kami ng kamatch. At 'yon nga! Successful naman ang operasyon. Tuwang tuwa siya dahil makakabalik na daw siya sa 'yo."
Wala akong magawa kundi umiyak dahil sa mga nalaman ko. Ilang taon siyang lumalaban para makabalik sa akin pero ako? Anong ginawa ko? Pinagdudahan ko ang damdamin niya.
"Wala siyang pinalampas na game mo. Pero iyak siya ng iyak nang malaman niyang ikakasal ka na. At sa kaibigan pa niya. Hindi naman siya nagagalit.. Nasasaktan lang siya. Nasaktan talaga siya ng sobra. Ilang araw siyang iyak ng iyak."
"Matagal na niyang alam?"
"Oo. Bago pa siya bumalik." Tumayo na siya. "Siguro naman ngayon, maliwanag na sa 'yo. Maging masaya ka sana. Isasama ko na lang uli ang kapatid ko para makalimot siya. Sige. It was nice meeting you."
BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceIt all started with a status update that led her way to the one of the most popular basketball players in the country. (A/N: Sabaw..)