Javvy's POV:
Mahigit isang taon na ang relasyon namin ni Alee. And I think, we're getting stronger and stonger. She just graduated from college. Ako naman tapos na sa masteral ko. Balak ko na siyang yayaing magpakasal. Sigurado na akong siya ang gusto kong makasama. Nandito kami ngayon sa bahay niya. Kakauwi lang namin galing Batangas. Nagcelebrate kasi kami ng 15th month anniversary namin. May napapansin ako sa kanya this past few months namin. Parang lagi siyang matamlay. Pumayat nga din siya. Itinatanong ko naman sa kanya kung may problema kami, palagi naman niyang sinasabing wala.
Bigla ko tuloy naalala nang minsang tanungin ko siya kung anong problema. Ang sagot ba naman sa akin eh, "I'm pregnant." Seryosong seryoso siya noon. Alam mo 'yong feeling na natatakot pero excited ka? Ganon ang naramdaman ko nang sinabi niya sa akin 'yon. Pero nang mapag-isip isip ko ang sinabi niya. Kinotongan ko siya sa ulo. Paano siya mabubuntis eh wala pa namang nangyayari sa amin? MoMOL nga lang 'di ba? Tawa siya ng tawa noon. Grabe talaga mantrip ang tianak ko. Katakut-takot na kantiyaw ang inabot ko sa kanya.
Niyaya niya ako dito sa garden at may pag-uusapan daw kaming importante. Seryosong-seryoso ang mukha niya at hindi ko gusto kapag ganito siya.
Mahabang sandali kaming parehong tahimik.
Ako, umiinom. Siya, seryosong nakatingin sa akin. Nakailang buntung-hininga siya bago nakapagsalita.
"I'm going back to States." Nabitiwan ko ang hawak kong baso pagkarinig ko sa sinabi niya. Ni hindi nga ako nakapagsalita agad.
"You're kidding, right? Is this one of your trippings?"
Malungkot lang siyang umiling. "I'll be leaving n-next Saturday."
"What? Next Saturday na ang alis mo pero ngayon mo lang sinabi sa akin?" Tumayo ako dahil naiinis ako. Boyfriend niya ako kaya dapat alam kong aalis siya. Sana sinabi niya ng mas maaga.
"A-ayoko kasing malungkot tayong dalawa. I-i'm sorry.." Umiiyak na siya.
"Do you really need to leave?" Pinipigilan ko lang ang luha ko. Kaya ko ba? Makakaya ko bang malayo sa kanya? Bakit ba kasi kailangan pa niyang umalis?
"I n-need to."
"Bakit?" Nanatili akong nakatalikod sa kanya dahil mas masakit magpaalam kapag magkaharap.
"M-may kailangan lang akong ayusin." Ano 'yon? Hindi ko maitanong ng diretso. Hindi ko alam kung bakit.
"Gaano katagal?" This time ay humarap na ako sa kanya.
"I don't know. But don't worry. Palagi kitang ivivideo call."
"Promise?"
Tumango siya saka ako niyakap ng mahigpit.
"Mahihintay mo ba ako?"
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinahid ang luha niya. "Oo. I'll wait for you. Promise."
"Promise na promise?"
"Promise."
"P-paano kung hindi na ako bumalik?"
"Ano bang klaseng tanong 'yan?" Ewan ko pero nandito na naman 'yong kabang nararamdaman ko kapag nagsasalita siya na parang may ibang ibig sabihin. "Babalik ka. Babalik ka dahil alam mong hihintayin kita. Okay?"
Umiiyak siyang tumango sa akin.
Isinama ko siya sa bahay namin. Tutal naman ay one week na lang at aalis na siya, napag-usapan naming sa bahay muna siya para maspend namin ng magkasama 'yong one week. Pumayag naman sina Mommy at Daddy. Siguradong mamimiss daw nila ang kakulitan ni Alee.
Hindi kami umaalis ng bahay sa loob ng isang linggong 'yon. Never din naming pinag-usapan uli ang pag-alis. Hindi na uli ako nagtanong pa. Basta hihintayin ko siya kahit anong mangyari.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Sabado.
May laro kami ngayon pero hindi ako naglaro dahil inihatid namin siya sa airport. Si Mommy at Daddy lang ang kasama kong naghatid. Mas magiging madrama pa daw kasi kapag isinama ko ang mga kaibigan niya. Pasaway talaga.
"Mangako kang palagi kang tatawag at magtetext sa akin ha?" Tumatango lang siya. Iiyak kasi siya sigurado kapag nagsalita. "Saka 'yong video call ha? Araw-araw dapat. Kung hindi man araw-araw, kahit every other day na lang." Tumango uli siya pero may tumulo ng luha. Pinahid ko ang luha niya at hinawakan siya magkabilang pisngi. "Baka ipagpalit mo ako sa blue eyes ha?" Natawa naman ako kasi umiling siya. "Magpakabit ka ng Filipino channel para makapanood ka pa rin ng basketball." Saglit akong nag-isip. "Ano pa ba? Ahm.. 'Wag mo akong ipagpapalit sa mga basketball players don. Kasi, mas matangkad sila sa akin. Ako lang talaga 'yong compatible sa height mo." Hindi ko na din napigilan ang luha ko.
"Please, don't leave.." Niyakap ko siya ng mas mahigpit. "Hindi ko kaya.. Hindi ko kaya.."
"Basta maniwala kang babalik ako para sa 'yo..babalik ako. Promise mong hihintayin mo pa rin ako kahit gaano katagal. Promise mong ako lang.."
Hindi ako nagsalita sa halip ay may dinukot akong kwintas sa bulsa ko. Isinuot ko 'yon sa kanya. Isang singsing ang ginawa kong pendant noon. Ang singsing na gagamitin ko sana para sa proposal kong hindi natuloy.
"Magpapakasal tayo pagbalik mo."
Tinatawag na ang mga pasahero kaya mas lalo siyang umiyak. "Hintayin mo akong payatot ka! Ipapasalvage kita kapag nagkaroon ka ng iba! Tandaan mo 'yan!" With matching duru-duro pa talaga.
Hinila ko siya at hinalikan ko siya saka niyakap ng napakahigpit. Unti-unti na kaming nagbitiw.
"Wabyu, payatot.." Naglakad na siya paatras.
"Wabyu, tianak.. Wabyu.." Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad palayo. Hindi na uli niya ako nilingon. Naramdaman ko na lang na niyayakap na ako ni Mommy at Daddy..
That very day..my heart stop from beating..
Why?
'Coz my heart isn't with me anymore..
She brought it with her..
And I don't know when will be the time that she's gonna give it back to me..
BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceIt all started with a status update that led her way to the one of the most popular basketball players in the country. (A/N: Sabaw..)