VII

11 1 0
                                    

Alee's POV:

"Tianak!"

Sa lahat yata ng lalaking nanliligaw, siya na ang pinakaSWEET! Sa endearment pa lang niya, PANALO na siya! Grabe sa kasweetan. Nilapitan agad niya ako nang makalabas ako sa gate ng school. Hinalikan pa niya ako sa noo. Napatingin tuloy ako sa paligid.

-_-"

Huhu.. Nakatingin silang lahat. Low profile lang ako dapat eh.

Almost nine months ko na siyang kilala. And it's been three months since he started courting me. He is now officially my suitor.

"Hi, Javvy! Papicture!" Lumapit sa kanya 'yong Miss Campus namin. Tiningnan ko siya ng masama.

Ang landi! Mukha namang suman sa sobrang sikip ng uniform.

"Okay."

Isa pa 'tong Javvy na 'to! Ang landi din! Sungalngalin ko nguso niya eh.

"Javvy, pakiss!" Nanlaki naman ang mata ko nang lumapit 'yong cheerleader ng school sa kanya. Pero mas nanlaki ang mata ko sa isinagot ng payatot na 'to.

"Sure!"

Sure?

Eh kung sursurin ko kaya ang mukha niya?

Nakita ko namang papalapit na sa kanya 'yong Miss Tourism ng school.

Ano naman kayang sasabihin niya?

'Javvy, one night stand tayo!'

Erase! Erase! Bad 'yon!

"Javvy, pa--"

"Leche flan kang payatot ka! Diyan ka na!" Bulong ko sa sarili ko at inis akong naglakad palayo.

Ang landi landi niyang payatot siya!

Naramdaman kong may umakbay sa akin. Tumingala ako sa kanya saka ko siya sinimangutan.

"Selosa ka pala."

"E-excuse me? Never!"

"Okay. Tara?"

"Saan? Ayoko. Diyan ka na lang sa mga babae mo." Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at nauna na sa kanya pero inakbayan niya uli ako at mas hinigpitan pa niya 'yon.

"Sa simbahan. Magpapakasal na tayo."

Kahit alam kong biro lang 'yon eh kinabahan at kinilig ako.

"Sira ulo!"

Sa bahay pala nila kami pupunta. Hinahanap na daw ako ng Mommy niyang maganda at ng Daddy niyang higante. Ang alam sa kanila eh girlfriend na niya ako. 'Yon kasi ang sinabi ni payatot. Hindi ko na kinontra. Sasagutin ko na din naman siya eh.

Kilig kilig!

Spell landi?

A-L-E-E

Kasama na namin sa kuentuhan 'yong Daddy niya. Si Javvy naman? Hayun! Asar na asar! Hindi na daw ako binitiwan ng parents niya. Sabi naman ng parents niya eh, palagi na kaming magkasama kaya maghiwalay kami kapag nasa bahay. Baka daw maumay kami. Sinimangutan lang niya mga magulang niya. Baliw talaga.

Alas dies na ng gabi nang ihatid niya ako. Hinalikan niya ako sa noo saka niyakap ng mahigpit. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok.

Kinakausap ko si Javvy Bear gabi gabi bago ako matulog. Tulad na lang ngayon.

"Hindi pa naman tayo 'di ba? Bakit kung umarte ka, parang tayo na!" Pinisil ko ang pisngi ng bear. "Ang cute cute mo talaga!" Nahiga na ako at niyakap ko 'yon. "I love you, Javvy Bear."

Nakangiti akong pumikit. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Basta ang sigurado at ang alam ko, maganda ang panaginip ko.

Ako at si Javvy..

Kami lang, walang extra..

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon