X

12 0 0
                                    

"Where's Eenah, Javvy?" Tanong ni Elijah sa akin. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

"Bakit?"

"Hindi ba siya manonood?"

"May quiz daw sila ngayon. Pero hahabol daw siya."

Parang kulang ako sa energy. Lamang tuloy ang kalaban. Nakay tianak kasi ang utak ko.

3rd quarter na.

76-62

4:35

Nasa kalaban ang bola.

Shit!

Nakathree points si Griel. Buisit naman!

Inilabas muna ako ni coach at ipinasok si Elijah.

Maya maya ay nag-Time out ang team namin. Nakayuko ako nang umupo. May nagpatong ng towel sa ulo ko saka iniabot ang tubig ko.

"Javvy.. Depensa. Parang wala ka sa kondisyon. Kailangan nating manalo ngayon. Do your best!"

"Yes, coach!"

Mataman akong nanonood sa naglalaro nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napangiti ako ng makita ko kung sino 'yon.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Nahirapan ako sa exam. Ikaw kasi ang nasa utak ko. Muntik ko na ngang maisagot ang name mo." Napatawa tuloy ako. Bigla akong nabuhayan. "Bakit lamang ang kalaban?"

Sumimangot ako. "Si Griel kasi ang galing."

"Ipanalo mo 'to!" Pinandilatan niya pa ako.

"Kapag hindi?"

"Bugbog ka sa akin."

"Kapag nanalo?"

"May kiss ka sa akin."

Lumapad ang ngiti ko. Pasaway talaga siya. Hindi man lang ibinulong. Nadinig pala ni coach at nung iba. Nginisian tuloy ako.

"Javvy! Pasok!"

"Goodluck. Wabyu!" Bulong niya sa akin.

Iniabot ko sa kanya ang towel at tubig saka ako tumayo. Lumingon pa uli ako at kinindatan siya. Kinantiyawan tuloy ako nina Louie.

"Corny mo!"

Dahil nakita ko ang vitamins ko. Daig ko pa ang tinurukan ng pampasigla. Hawak ni Griel ang bola pero nasundot ni Louie at nakuha ko. Mabilis akong tumakbo at idinakdak 'yon. Humarap ako kay tianak at binaril ko siya gamit ang daliri ko. Binelatan lang niya ako. Natapos ang 3rd quarter at dalawa na lang ang lamang nila. Isang minuto ang lumipas sa 4th quarter ay kami na ang lamang kaya nagsisigawan na ang mga tao.

Panalo kami! Ako ang player of the game. Nakahawak ako sa ulo ni tianak habang papunta kami sa dugout.

Sigawan sa loob ng dugout. Masasaya na naman kami.

"Mabuti na lang dumating ka, Aleenah! Lambutin si Javvy kanina kaya kami nalamangan." Nang-aasar na sabi ni Maki.

Namula tuloy si tianak.

"Bigla ba namang naging hyper nang dumating ka." Isa pa 'tong si Dyno.

"Mga sira kayo! Bubugbugin kasi ako ng tianak na 'yan kapag natalo tayo. Damay din daw kayo!"

"Nyay! Katakot pa naman siya kapag nagagalit." Nakangising turan naman ni Louie.

Nagtawanan tuloy ang lahat pati si coach.

"Celebrate tayo?" Elijah suggested.

"Sure! Sagot ni coach!"

"Sama ka Alee." Yaya ni coach sa kanya.

"Ha? Ako? Nakakahiya."

"Ano ka ba? Parte ka ng team. Water girl ka kaya namin. Saka lucky charm ka ni Javvy."

This time, sabay na kaming namula.

"Sige po."

-----------------------------------------------------------------------------------------

Inihatid ko siya sa bahay nila.

"Hanga din naman ako sa 'yo. Ni hindi ka man lang nalasing eh ang dami mong nainom."

"Magaling talaga ako. Pasok."

Mukhang mas may tama pa ako kesa sa kanya.

"Upo ka muna. Ipagtitimpla kita ng kape." Dumiretso siya sa kusina.

"Thanks." Ipinikit ko ang mata ko dahil nahihilo ako.

Maya-maya ay naramdaman kong tinatapik niya ako sa pisngi. "Javvy,  inumin mo 'to."

Dinampot ko ang kape at ininom ko 'yon. Naupo siya sa katapat kong upuan.

"Bakit andiyan ka, tianak? Dito ka sa tabi ko."

Nakanguso siyang tumayo saka naupo sa tabi ko. Binuksan niya ang tv at inilagay sa cartoons. Oggy and the Cockroaches.

"Tianak.."

"Tanan..tanan..tananananana.." Napatawa ako dahil sinasabayan niya 'yong kanta.

"Tianak.."

"Hmm?"

"Kiss ko?"

"Mamaya na kapag pauwi ka na."

"Uuwi na ako eh."

"Hindi kita papaalisin na ganyan ka. Magpahulas ka muna."

"Opo."

Hinila ko siya palapit sa akin. Sumandal naman siya sa dibdib ko. Sumandal ako sa sofa at pumikit uli.

Hayy..

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Parang napakasimple lang ng buhay. Kasama kong nanonood ang babaeng mahal ko.

"Tianak, nasaan ang family mo?" Bigla kong naisip. Wala pa pala akong alam tungkol sa family niya.

"Wala akong family."

Napadilat ako bigla dahil sa sinabi niya.

"I mean, nasa abroad. Ako lang ang nandito."

"Bakit?"

"Umuwi ako dito 6 years ago. Ayoko don eh."

"Ganoon ba? Eh sinong nakakasama mo dito?"

"Wala. Minsan sina Lei."

"Gusto mo, dito na ako tumira?"

Kinurot niya tuloy ako.

"Javvy.."

"Hmm.." Tumingin ako sa kanya.

"Mabuti na lang pala ipinost ko 'yon 'no?"

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Why?"

"Kung hindi, eh 'di hindi kita katabi ngayon."

"Oo nga. Wala kang handsome na katabi."

Hinawakan ko ang baba niya at yumuko ako para halikan siya.

I nibbled on her lower lip then the upper. This kiss was different from all the other kisses we've shared. Hindi kasi siya marunong humalik dati eh.

"Momol." Nakangiti kong sabi sa kanya nang inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Sumimangot tuloy siya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya sa mata. "I never thought I'll be able to feel this kind of feeling. I hope this would be forever. Don't leave me. You are now my everything, Aleenah. My heart beats only for you. Please, don't break my heart. I love you. Always keep that on your green mind."

"All I can say is I love you, Javvy. I love you. Whatever happens, I love you. Keep that on your narrow mind."

Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan sa halip na matuwa sa sinabi niya. Parang may ibang meaning pa 'yong sinabi niya. Pero hindi na ako nagtanong. Baka naman madami lang akong nainom kaya.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon