Ala siete daw dapat nasa gym na ako. Pasaway na payatot 'yon. Hindi ba niya alam na madaling araw na ako nakatulog dahil kay JAVVY bear? Hindi ko alam kung inantok ba ako o hinimatay lang ako dahil sa kilig. At 'yon nga! Nagising ako kaninang alas sais dahil tumawag lang naman po ang higanteng payatot at pinapupunta nga ako sa gym. Kaya kahit tulog pa ang kalahati ng utak ko ay nagbiahe na ako papunta doon. Malapit nang mag-alas nueve kaya tumakbo na ako papasok. Bigla ko na lang binuksan ang pinto ng locker nila sa gym na 'yon.
O_o
Napahawak pa ako sa magkabilang pisngi ko dahil parang gustong bumagsak ng panga ko sa sahig.
What the eff!?
Bakit?
Bakit?
Akala ko ba..?
Pero bakit?
Bigla siyang humarap at muntik na akong himatayin. Ang hot pala ni Javvy kapag topless. Hindi ko itinagong humahanga ako sa katawan niya. Ni hindi ko nga inaalis ang titig ko sa katawan niya eh. Tuwang-tuwa talaga ako sa lalaking flat 'yong tummy. Ewan ko pero may fetish yata ako sa flat tummy. Pero hindi ako maniac or whatever ha! Nakakatuwa lang talaga.
-_-"
Tinakpan niya talaga ang dibdib niya.
"Ay, porn!" Delayed reaction ako. :D Tinakpan ko din ang mata ko pero may butas.
Toinks!
"Porn daw! Nakasilip ka naman." Kumuha siya ng towel at pinunasan ang ulo. Ang hot niya kapag ginagawa 'yon tapos nakatingin siya sa akin. "Late ka na! Bakit ngayon ka lang? Seven ang sabi ko 'di ba?" Hindi ko siya iniintindi. Busy ako sa sexy body niya.
Lumapit ako sa kanya pero lumalayo siya. Lumapit uli ako pero umiiwas pa din siya. "H-hoy, tianak! Ano ba?"
"Patingin lang eh. Sige na? Nakakatuwa kasi tummy mo." Nacorner ko siya. Tuwang tuwa talaga ako sa tiyan niya. Susundutin ko na sana ang tiyan niya pero may bigla na namang nagbukas ng pinto.
"Ang saya tal--oh, shit!" Napamura pa talaga si Grey nang makita kami.
"G-guys, it's not what you think it is!" Nakaalis tuloy siya sa harap ko at nagpunta sa likod nina Grey. "S-si t-tianak! Gusto ako pagsamantalahan! Nakakatakot siya!"
Nginisian lang nila si Javvy saka isa-isang dumampot sa mga almusal na nasa mesa at naupo na para kumain. Nakidampot din ako dahil alam kong kasali ako sa ipinadeliver na pagkain. Love kaya nila ako. Pati ni coach. Nang makaupo ako sa tabi ni Elijah ay tumingin ako kay payatot at sinamaan siya ng tingin. "Damot! Bleh!" Binelatan ko pa siya at inirapan.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Nanonood ako ng practice nila kaya nang magbreak sila ay isa isa ko silang nilapitan para bigyan ng tubig. Pati si coach. Tinap pa nga niya ang ulo ko. "Ginawa mo naman akong aso, coach." Tinawanan lang niya ako.
"Hindi nga kasi siya aso, coach. TIANAK!"
Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ako lumapit kay Elijah para iabot ang towel at drinks niya. Mabuti pa si Elijah, mabait at sweet. Medyo malayo kami sa iba. Nandito kami sa may gitna ng court. Magkaharap kaming dalawa ngayon at nagkukuentuhan.
"May jowa ka ba?"
Tumawa siya sa akin.
Hayy..
Dati rati, inaabangan ko lang siya sa tv. Ngayon kaharap ko na siya. Grabeng achievement ito! Makita at makasama ko lang ang team nila, masaya na ako. I'm so lucky!
"You mean girlfriend? Wala."
"Weh? Eh sino si Diana?" Naniningkit ang mata ko habang iniinterrogate siya. Selos na selos ako sa babaeng 'yon. Kasi nga crush ko siya.
"Diana Hizon? We just dated couple of times. But she's not my 'jowa'." He quoted the word jowa pa talaga. "We're just enjoying each others company."
"Really? Ano bang gusto mo sa girlfriend?"
Matagal bago siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Maya-maya ay pinisil niya ang ilong ko. "I want a girl like you."
He want a girl like me?
Does it mean, he likes me?
Gosh!
Is this for real?
Or am I just dreaming?
Help me, oshkoshbgosh!
"Kung hindi lang complicated ang situation.. I'll court you." She touched my cheek. Kilig to the bones!
Ang ganda na sana ng moment namin ni Elijah. Nang biglang may tumamang towel sa mukha niya.
Nang lumingon ako ay nakita ko si Javvy na nakatayo at nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceIt all started with a status update that led her way to the one of the most popular basketball players in the country. (A/N: Sabaw..)