Epilogue

18 1 0
                                    

"Avereen! Javeel! Let's go! Dadalawin pa natin si Mommy ninyo."

Ikinasal kami ni Aleenah after championship. I proposed to her right after the Game 7, in the middle of the arena, right in front of everyone, gamit ang singsing na ibinalik niya sa akin. That was seven years ago. Mabilis kaming nakabuo.. Si Janah Avereen ang panganay. She's turning seven. Vier Javeel's five years old.

"Yes po, Daddy!"

"Ate Avee, 'wag kang sumabay sa Daddy."

"And why?" Ang arte talaga ng panganay ko. Sarap kutusan. Pero loves na loves ko 'yan.

"Baka matapak ka niya." Nagtawanan pa ang dalawa kong tianak. 'Yan ang gusto ko sa kanila. Mahal na mahal kasi nila ang isa't-isa. Madalas nga lang nila akong asarin.

Manang mana talaga 'tong si Javeel sa Mommy niya. Makulit at pasaway.

Bumili muna kami ng bulaklak para kay Aleenah. Nagtatakbo na agad ang dalawa nang makarating kami sa lugar na 'yon. Nakangiti ko na lang silang nasundan ng tingin.

Bigla ko na lang naisip..

'Six footer din kaya sila pareho?'

Sana si Javeel. Pero, si Avee, kahit 'wag na. Tiyak na hindi ikakatuwa ni Aleenah 'yon.

"Mommy!" Lumapit agad sila sa kama ng Mommy nila. Napangiti ako nang makita ko siya. Nakalimutan kong sabihin, nandito nga pala siya sa ospital ngayon. Kakapanganak lang kasi niya kahapon. Sinundo ko lang 'yong dalawa kaya ako umuwi sa bahay.

"Javvy!" Sigaw niya sa akin na may kasama pang irap.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa gilid ng kama. "Bakit na naman, tianak?"

"Ilan pa ba ang gusto mong tianak? Pahinga ka naman? Ang sakit kaya manganak. Saka ang sakit sa throat umiri." She even pouted. Para talaga siyang bata. To think na thirty-one na siya at tatlo na ang mga tianak namin ay hindi pa din siya nagbago.

Yumuko ako at bumulong sa kanya. "Masaya ka naman kapag 'you know'.. Saka sumisigaw ka din naman ah. Bakit hindi ka nagrereklamong sumasakit 'yong throat mo. Pabulong nga lang 'yong sigaw mo." Nakatikim tuloy ako ng kurot sa braso.

"Perv! MOMOL na lang kasi uli?"

'Yan na naman 'yang MOMOL na 'yan. Napatawa na naman ako nang madinig ko ang salitang 'yan. "Napapagod ka na ba? Ayaw mo na ng kids?"

She grinned. "Gusto. The more, the merrier."

"Okay! Kailan ka lalabas?"

"Baliw!" Yumakap siya sa akin. "Pero 'wag naman sanang kasinglaki mo. Kahit 6ft lang. O kahit hanggang 6'5". Ang hirap kaya kapag sobrang matangkad. Hirap makahanap ng makakapantay. Saka baka kasi akala ng mga tao, mga kapre kayo."

"Mga engkanto kaya tayo. Kapre kami. TIANAK ka naman." Kinurot na naman niya ako. Ang sakit niya mangurot, grabe!

"Bumuo ka ng team mong mag-isa!" Humalukipkip pa siya at inirapan ako.

"Joke lang! Ano bang pantay ang gusto mo? Nagpapantay naman tayo 'di ba?" I teased her. Pinagtaas baba ko pa ang kilay ko.

"Alam mo? Bakit bigla ka na lang naging green? Pa-V ka pa nga dati kapag binabanggit ko 'yong MOMOL."

"Tumagas kasi galing sa 'yo. Umagos lang sa akin kasi magkatabi tayong matulog."

"Baliw ka talagang payatot ka!"

Napuno ng tawanan ang kuarto niya dito sa ospital.

Maya maya ay dumating ang nurse at buhat buhat si Avreel. "Breastfeed na po ni Baby Avreel." Ibinaba niya sa tabi ni tianak ang baby tianak namin. "Sige po."

"Hoy, payatot! Alis diyan! Doon ka sa couch."

"Bakit ba? Gusto ko dito eh. Dali na! Breastfeed mo na si baby tianak natin."

"Sige ka! Kapag hindi ka umalis sa tabi ko, walang basketball. Hindi ka na makakadunk at three points. Saka lay up. Wala ding dribble."

"Okay." Gets ko ang ibig niyang sabihin.

Walang 'you know'..

Dumalaw kinagabihan ang team pati si coach. Ang dami nilang dalang regalo. Naihatid ko na nga pala pauwi sina Avee at Javeel.

"Dude! Pinapangatawanan mo talaga 'yong pagiging best player ano? Lagi kang nakakashoot eh. Patatlo na."

"Gaggy!"

"Dude! May mga asungot sa tabi ng asawa mo."

Nakita ko sina Griel at Elijah na nasa magkabilang gilid ng kama ni tianak.

"Hoy! Nakatalikod lang ako, nakalapit agad kayo."

Ngumiti lang ang dalawang tikbalang sa akin. Pinabayaan ko na. Tutal, wala na naman silang pag-asa. Ako lang ang nag-iisang MVP sa puso ni Aleenah 'TIANAK' del Castillo Aguila.

--FiN

(A/N: ikaw! oo, ikaw! salamat kung binasa mo ito!)

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon