"Dude.. Tama na.." Saway ni Louie sa akin.
Nilagok ko ang alak at sumubsob sa mesa. "Bumalik na siya, dude.. Bumalik na siya.."
"Ha? You're talking about Eenah, right?" Sabat naman ni Elijah.
"Aleenah? The cute girl?" Singit naman ni Griel.
Kahit nasasaktan ako. Hindi ko maiwasang mainis sa dalawang 'to. Halata kasing hanggang ngayon, attracted pa sila sa tianak ko.
"You still love her." It was more of a declaration than a question. Seryosong seryoso si Grey.
"Bakit daw siya umalis?"
Ikinuento ko sa kanila ang mga nalaman ko. Pati sila ay hindi makapaniwala.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi natuloy ang kasal ko pero umalis pa din siya.
But this time..maghihintay pa din ako.
Kahit wala kaming napag-usapan..maghihintay pa din ako
I'll wait for her..no matter what..
'Coz I love her.
And True love waits.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang taon na naman ang lumipas. Wala akong balita sa kanya.
May laban ako ngayon. Game 3 ng 7-game series. Wala pa kaming panalo. Kapag natalo kami uli ngayon, baka hindi na kami makabawi sa susunod. Hindi ko alam kung maipapanalo namin ito. Ayaw ko sanang maglaro ngayon pero ayaw ko namang biguin ang team.
32 ang lamang ng kalaban. 2nd quarter pa lang. Wala pa ako kahit isang puntos. Nakailang foul na ako. Natechnical pa ako dahil sa kacocomplain sa referee.
Babalik na naman ba ako sa dati?
Sisirain ko na naman ba ang buhay ko?
Inilabas ako ni coach. Dinampot ko ang towel at isinaklob ko 'yon sa ulo ko. Bigla na lang tumulo ang luha ko.
'Tianak.. Bumalik ka na sa akin..'
May lumitaw na bote ng tubig sa harapan ko. Kukunin ko na sana pero iniiwas ng may hawak. Pinahid ko ang luha ko at inis na tumingin sa katabi ko.
"Tubig mo, payatot!" Nakatawang Idinikit niya ang tubig sa nguso ko.
God! Hindi ako nakagalaw agad. Nanatili akong nakatitig sa mukha ng babaeng nakangiti sa harapan ko ngayon. Unti-unti akong napapangiti kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Bumalik siya.
Bumalik uli siya.
Hinila ko siya palapit sa akin saka ko siya niyakap. Hahalikan ko na sana siya pero pinigilan niya ako at itinuro ang screen sa itaas. Nakatutok pala sa amin ang camera. Napatingin tuloy sa amin si Griel at ang ibang manlalaro. Pinituhan tuloy sila ng referee. Chismoso kasi.
"Javvy, pasok!" Sigaw ni coach saka kumindat kay tianak.
"Galingan mo!"
Natatawang pinunasan ko muli ang mukha ko at tumayo na.
"Manalo, matalo.. May kiss ka sa akin, Javvy!" Malakas niyang sabi kaya nagkagulo ang mga tao. Parang championship tuloy ang laban dahil sa ingay.
Papasok na sana ako sa loob pero bumuelta ako pabalik. Nginitian ko siya saka ko siya itinayo at yumuko ako para halikan siya.
"Wabyu, tianak!" Nagsigawan na naman ang mga tao. Tumakbo na ako sa loob.
BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceIt all started with a status update that led her way to the one of the most popular basketball players in the country. (A/N: Sabaw..)