III

18 1 0
                                    

Javvy's POV:

Ilang linggo ko nang hindi nakikita ang tianak na 'yon. Exams niya na kasi. Nagpaalam naman siya sa akin. Ewan ko ba pero, parang kulang ang araw ko kapag hindi ko nakikita 'yong lamang-lupa na 'yon. Nasanay na din siguro ako sa presence niya. Pati sa kakulitan niya. Halos ilang buwan na din namin siyang nakakasama sa mga games at practice. Kaya siguro nakakapanibago ngayong wala siya.

"Hey, dude! Are you alright?" Nilapitan ako ni Grey habang nagkacrunches ako.

"Oo." Nagleg raise naman ako. Pampadagdag abs.

"Something wrong? Missing someone?" Singit naman ni Louie at sinabayan  akong magcrunches.

"Oy! Hindi ko namimiss 'yong tianak na 'yon!" Bumangon ako at nagjumping jack.

"I didn't mention any name. Dude, nahuhuli talaga ang isda sa sariling bibig." Napatigil ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya. Wala nga siyang binanggit na pangalan.

"Ewan ko sa 'yo, Louie." Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko para malihis ang usapan.

"Huwag ka masyado magdeny. Baka maunahan ka pa. Mukhang may isa pang tinamaan sa PA mong pasaway."

Napatingin kami pareho kay Elijah na pangiti ngiti habang nakatingin sa phone niya. Batuhin ko nga ng towel. Napatingin tuloy sa amin.

"Bakit?" Pacute pa ang baliw. Minsan naiisip ko, bading 'tong si Elijah eh. Pagkatapos, boyfriend niya si Grey.

"Mukha kang ewan. Tumatawa kang mag-isa."

Tumayo siya at lumapit sa amin. "Eenah texted me. She's asking me if 'higanteng payatot's' looking for her. I guess, she's talking about you, Javvy."

Napangiwi ako. Akalain mong may endearment kaming dalawa para sa isa't-isa kahit hindi naman kami. "Baliw talagang tianak." Kinuha ko din ang phone ko. "Give me her number. Lagot sa akin 'yang tianak na 'yan. Makik--"

"Para-paraan.." Tumayo na si Louie at pasipul-sipol na bumalik na sa court at nakipag-agawan ng bola sa iba. Baliw din ang isang 'yon. Napailing-iling na lang ako.

(A/N: sabaw na naman.. -_-"v)

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon