VIII

12 0 0
                                    

Nakabusangot ang mukha ni Javvy nang dumating ako sa gym.

"Ang panget mo! Mukha kang tae." Mas lalo pang nagusot ang mukha niya. "Problema mo?"

Sa halip na sumagot ay may iniabot siya sa akin.

"Ano 'to?" Nakabalot pa kasi 'yon saka inilagay sa paper bag.

"Galing kay Griel." Ang tulis ng nguso niya. Parang malapit ng sumayad sa pader.

"Wow!" Dali dali kong binuksan. Warmer naman ang ibinigay niya. "Ang saya naman!"

"Kung puede ka daw ligawan.."

"Eh 'di ba.." ..niliigawan mo na ako?

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. "Hindi ako. Si Griel."

"Anong sinabi mo?" Nakakagulat naman ito! Type din ako ni Griel. "Ang lakas ng charm ko sa mga higante 'no?"

"Sabi ko, ikaw ang tanungin."

"Bakit hindi ka tumanggi?"

"Baka magalit ka. Crush mo din 'yon eh. Ang dami-dami mong crush! Masyado akong madaming karibal. Hin--"

"Ikaw naman ang mahal ko eh.." Mahina kong sabi.

Javvy's POV:

"Ikaw naman ang mahal ko eh.." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko.

"A-ano 'yon?" Baka nabingi lang ako.

"Wala. Bawal ulitin. Piso na lang ang load ko." Ngumiti ako at niyakap ko siya pero lumayo siya. Tumuntong siya sa bench kaya nagtaka ako. "Hug mo na ako, Javier Avery 'PAYATOT'!"

"Does it mean..."

"Yes."

Nagets ko kaagad siya kaya niyakap ko siya at binuhat at inikot ikot.

Alee's POV:

Sobrang saya ko. As in!

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa may dibdib ko. Pero hindi ko 'yon inintindi. Yumakap na lang ako ng mas mahigpit kay Javvy.

Alam kong magiging masaya ako sa piling niya..

Masayang-masaya..

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon