IV

22 0 0
                                    

Alee's POV:

Break namin kaya nandito kami ng classmate ko sa cafeteria. Three hours ang break namin. Nakakainip sigurado. Kakagat na lang ako't lahat sa binili kong burger nang tumunog ang phone ko.

0917XXXXXXX calling..

Ikinancel ko ang tawag. Hindi ko kasi ugaling sumagot ng tawag sa hindi nakasave sa phonebook ko. Puera na lang kung magtetext muna 'yong tumatawag. Tumunog ulit ang phone ko pero kinancel ko ulit. Ang kulit naman ng kung sino mang poncio pilato ito! Nakakaasar! Sa inis ko ay isinilent ko na lang ang phone ko. After an hour ay tiningnan ko.

O_O

26 missed calls.

Sino kaya ang caller na 'to?

Mukhang nagsawa na siya. Itatago ko na sana ang phone ko pero bigla 'yong nagblink.

0917XXXXXXX calling..

Inis na inis na ako. Makakatikim talaga siya sa akin ng malutong lutong na...wala.. Bawal magmura ng malutong. Makunat lang daw ang puede.

'Hello!' Pasinghal kong sagot. 'Sino ka ba? Don't ev--'

--Tianak!

Nailayo ko ang phone ko at tinitigan 'yon.

Si Javvy?

May tuwa at kilig akong naramdaman nang malaman kong siya pala ang caller ko. Nang makabawi ako ay inilapit ko uli ang phone sa tenga ko at kinausap si payatot.

'Bakit ka tumatawag?'

--wala. Masama?

'Saan mo nakuha ang number ko?'

--kay Elij.

'Bakit mo kinuha?'

--wala. Gusto ko lang mang-inis ng tianak.

'Tigilan mo akong higanteng payatot ka!'

--tianak!

'Ibababa ko 'to.'

Nagtaka pa nga ako nang tumahimik pa siya. Paghinga lang niya 'yong nadidinig ko. Dapat kanina ko pa ibinaba pero ewan ko ba. Ayoko yatang ibaba. Gusto ko pa siyang kausapin. Ilang linggo na din kasi simula noong huli kaming magkita. Graduating kasi ako kaya kailangang maipasa ko ang exams ko. Hindi naman sa lagi akong bagsak dati. Ayoko lang talaga na bumaba ang grades ko. Kaya nagpaalam ako sa kanila. Pumayag naman sila. Pati si payatot.

'Payatot! Bakit ka ba humihingal diyan? Ang sagwa kaya pak--'

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon