Chapter 6
Justine POV
Nandito kami ngayon ni Janine sa loob ng library at nakaupo sa gilid. "Teka. Totoo? May bf ka doon?" Mahina kong tugon sa kanya. Nag hand signal naman ito sa akin "Ok. Sige sige gets ko na." Tugon ko sa kanya at tumayo sa aking kinauupuan. "Babalik lang ako, at may kukunin lang na libro doon sa kabilang section" sambit ko nito sa kanya at iniwan na siya doong nakaupo.
Iniisa isa ko ang lahat ng section at hinahanap hanap ang kinakailangan kong libro. "Teka, hindi naman ito dito ang librong ito huh" pagtataka ko ng may nakita akong isang librong kakaiba sa lahat. Kukunin ko na sana ng may narinig akong boses.
"Huwag. Akin iyan!" Tugon nito sa akin. Kaya napagilan ko ang aking kamay sa pagkuha nito. "Naku pasensya, nagtataka lang kasi ako kung bakit andito iyan. Pero wala naman talaga akong intensyon na...." Putol ko ng lumapit ito sa akin at inabot iyong libro. "Im Cross." At nagsalita ito.
Teka, anu raw! Pagtataka ko sa aking narinig. "Anu? Huh..." Tugon ko na walang direksyon. Napangiti ito sa akin at hinaplos iyong ulo ko gamit ang kamay niya sabay sabing "Ang cute mo naman. See you around Justine" at umalis na sa pwesto ko.
Hala! Kilala ako ng lalaking iyon. Lumingon pa ito ng huling beses sa kinaroroonan ko at nag palabas ng manamis namis na ngiti. No! I really caught myself turnig to red. Pero ang gwapo naman noong nilalang na iyon. Mukhang kapre siya pero naiiba.
"Excuse me..." Putol sa akin ng estudyanteng dadaaan. "Ah sorry, sorry" tugon ko at umusog na doon sa pwesto..
Dalidali akong pumunta sa kinauupan namin ni Janine. Inilapag ko ng mahina ng librong kanina ko pa hinahanap at napaupo. "Friend hindi ka maniwala!" Panimula sa akin ni Janine. Na imbis ako iyong magbabalita sa kanya tungkol sa nangyari sa akin kanina. "Huh! Tungkol saan friend?". Umayos siya ng pagkakaupo at hinawakan ang kamay ko. "Nag text sa akin si Bryan, na magkikita daw tayu sa kanila mamaya. May sasabihin siya." Masayang tugon nito sa akin, kaya napaluwag ang damdamin ko. "Salamat naman kung ganun." Tugon ko sa kanya na napangiti narin.
"Teka, may sasabihin ka ba sa akin?" Tanong niya ka agad matapos nitong sabihin ang sa kanya. "Huh? Sasabihin tungkol sa?".Tanong ko din na wala sa sarili, dahil siguro sa matinding excitement at sa mga nangyari kanina.
"Nevermind nalang, teka. Natapos mo na bang hanapin ang mga librong kakailanganin mo?". Napapalingon nman ang ulo ko na hudyat nito ay nakita ko na ang bagay na hinanap ko.
Kaya nagsimula na kaming magsulat dalawa ni Janine. Napapangiti parin ako sa aking pwesto. Sana magkikita parin kami kahit isang beses nalang. Diin ko sa aking sarili sabay sambit "Ang swerte ko..." Ngunit mahina na ako lang ang nakakatinig.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
General FictionAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...