Chapter 14

41 2 0
                                    

Chapter 14

Justine POV

"Magkakilala ba kayong dalawa?" Tanong ni Cross sa aming dalawa ni Ace na ngayoy nagkakatinginan sa isat isa.

"Hindi!" Sagot ko

"Oo" Sagot naman niya.

"Teka teka lang! Anu ba ang totoo? Magkakilala kayo?" Tanong ulit ni Cross dahil sa naguguluhan siya.

Nag crossed arm lang ako sa harapan nilang dalawa. Habang si Ace naman ay nakapamulsa.

"Oo magkakilala kaming dalawa ng Kapreng iyan" sagot ko sa mga katanungan ni Cross upang hindi na ito magtaka pa.

"Paano naman kayo nagkakilala?" Tanong nito ulit sa akin.

Sasagot na sana ako ng Si Ace na ang kumambya sa kanya. "Mahabang istorya, teka! Kayo?" Tugon niya sa kay Cross na nakataas ang isang kilay.

Mas lumapit pa sa position ko si Cross at inakabyan pa ako ulit nakita ko namang mas nabigla si Ace sa kanyang nakita ng ngumiti pa sa kinalalagyan ko si Cross.

"Nasilayan ko kasi siya noong nasa library! Kaya wala akong sinayang na pagkakataon upang magkakilala. Kasi, ang gaan gaan ng pakiramdam ko kay Justine" nakangiting sagot nito sa kanyang pinsan.

Napasinghal lamang si Ace ng marinig iyon kay Cross.

"Nakakagaan ng pakiramdam? Sus! Baka inaantok ka lang sa mga oras na iyon pinsan!" Tugon nito sa kanyang pinsan. "Atsaka tanggalin mo nga ang pagkaka-akbay sa kanya, ang pangit tingnan!" Dugtong pa nito.

Agad namang napatawa ng mahina si Cross, kaya ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya sa balikat ko.

"Oh! Hayan na! Para hindi mo,naman ulit isiping naglalandi ako!" Diin kong tugon kay Ace sa harap ko.

"Walang akong sinabi!" Pagdedepensa niya,

Whatever Ace, kahit hindi mo naman sasabihin eh alam na alam ko naman ang iniisip mo! Manigas ka nga.

"Teka! Bakit mo pala ako tinawag pinsan?" Pagtataka ni Cross.

"Napadaan kasi kanina si Tita sa bahay namin, at pinasabi niya na mamayang hapon eh kailangan mong dumaan doon sa opisina niya" tugon nito sa pinsan niya na walang gana. "Ikaw! Bakit naman kayo nagsama nitong dwende?"

Grabe na siya! Pinahihiya niya ba ako sa pinsan niya. Baliw na! Ayaw ko pa naman mawalan ng lovelife. May araw ka rin sa akin Ace, dahil kapag nagkataon ibabaon nakita sa lupa para bumalik ka na sa mundo mo. Kapreng ito.

"Ah iyon ba! Nagkita kasi kami kanina sa library. Kaya ang sabi ko sa kanya eh, magsama nalang kami papalabas ng school." Sagot nito sa kay Ace.

Napangiti ng malawak si Ace at parang nang-aasar pa ito sa akin. Huh! Alam ko na ang iniisip ng loko lokong ito.

"Kaso niyaya ko narin siyang ihatid pauwi sa kanila, total andito naman kaming dalawa sa labas" dugtong pa ni Cross sabay bitiw ng ngiti niya sa akin.

Nag-iba tuloy ang expression sa mukha ni Ace. Hinding hindi ko na alam kong anu na ang nangyari sa kanya ngayon.

"Siya?! Ihahatid mo?! Huwag ka ngang magpatawa pinsan. Kayang kaya na ng dwende ang umuwi sa kanila. Kaya kung ako sa iyo puntahan mo na si Tita" panguutos nito kay Cross na siya namang pinagtataka ng isa.

Kung titingnan mo silang dalawa! Mukhang hindi mag pinsan dahil sa ugali nila. Ito kasing si Cross eh mabait, sweet, at gentleman! Ngunit sa isang ito! Naku, no comment.

"Bakit naman?" Takang tanong ni Cross sa pinsan niya.

"Ah gusto mong malaman kung bakit?. Ganito kasi... aray!" Huling sambit ni Ace eh napa-aray na siya dahil kinurot ko ito sa kanyang tagiliran, kaya napangiwi ang kanyang mukha.

"Pinsan ok ka lang ba?" Biglang tanong ni Cross sa kanya.

Agad kong hinila ang kamay ni Ace. "Ah! Cross, mas mabuti pang punatahan mo nalang si Tita. Magpapasama nalang ako kay Ace. Pero maraning salamat sa pagsabay akin kanina" tugon ko sa kay Cross na nakangiti.

Napakamot nalang ng ulo ito at sumang-ayon naman sa sinabi ko sa kanya.

"So... mauna na kaming nitong napakabait mong pinsan. Kitakits nalang tayo sa campus" huling tugon ko sa kanya at dahan dahan na kaming umalis ni Ace, ngunit hila hila ko siya sa aming position.

"Aray! Teka nga." Pagrereklamo niya habang ganun parin ang position naming dalawa.

Hinding hindi ko muna bibitawan ang isang ito hanggat natatanaw pa kami ng Pinsan niya. Pagkaliko namin sa isang kanto eh, doon ko na siya binitawan sa pagakakahawak sa kamay niya.

Napahimas naman siya rito sa kanyang tagiliran at sa kamay niya. " masakit na iyon!" Pagrereklamk niya pa sa akin. "Atsaka! Hinila hila mo pa ako. Sayang naman may pupuntahan pa sana akk!" Dugtong naman niya.

Napabuntong hininga tuloy ako ng mahina. At huminga ng malalim bago nagsalita.

"Ang dami mo kasi satsat kanina!" Tugon ko sa kanya at tinalikuran ko na.

"Bakit! Anu naman ba ang iniiwasan mong sasabihin ko sa pinsan ko." Singhal niya sa akin.

"Lahat! Lahat lahat ng sasabihin mo. Kaya gets mo?" Tugon ko sa kanya.

Ayaw ko lang naman malaman ni Cross about sa kasunduan natin. Baka ma turnoff pa siya.

"Bakit! Type mo ba iyon?" Sambit niya sa akin habang.

Hinarap ko nalang siya sa pagkakataong ito at napapansin ko parin na ganoon ang position niya kanina pa.

"Paano kung sasabihin kong Oo." Diin kong pagkakasalita.

"Bakit sa kanya pa!"

"Bakit?! Dapat kanino pala?" Balik tugon ko sa kanya.

"Kay ano. Basta! Huwag sa kanya!" Tugon naman nito sa akin.

"Sa iyo?! Ganun ba...." Panguuna ko.

"Kasi kung titingnan mo, mas gwapo pa ako doon, mas cute, mas matangkad".

"At mas masama. Tigil tigilan mo nga ako diyan sa mga keme keme mo Ace!" Agad kong dugtong.

"Grabe naman. Hindi naman ako mas masama. Kunti lang." Sumbat niya sa akin.

"Ows! Di nga... teka, bakit ba ako nagaaksaya ng oras diyo. Mabuti pa at uuwi nalang ako!" Tugon ko sa kanya.

Agad namab itong umayos sa pagkakatayo niya. "Hoy! Dapat ako ang magsasabi niyan." Hirit niya sa akin.

Tinalikuran ko nalang siya at nagsimula na akong maglakad paalis sa kintatayuan namin.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin habang sinusundan parin ako.

"Uuwi na ako, kaya umuwi ka na rin sa iyo" sagot ko sa kanya.

"Galing, hila hila mo ako dito tapos iiwan mo lang pala. Astig rin nuh?" Tugon nito sa akin kaya napahintl na ako sa aking paglalakad.

Lumapit ulit ako sa kinanaroonan niya.

"Bakit, anu na naman ba ang gusto mo?"

"Simple lang naman. Ihatid mo ako sa bahay. Atsaka pakibitbit narin ng gamit ko"! Tugon nito at binigay sa akin ang bag niya.

"Bwisit ka talaga Ace" sigaw ko sa kanya ngunit patuloy parin siya sa kanyang paglalakad habang tumatawa.

Arghhh! Bakit ba ganito! Reklamo ko habang sinusundan siya pauwi sa kanila, sana tumakbo nalang ako kanina. Kaasar

Itutuloy.


The Unexpected You (boyxboy) *on going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon