Chapter 10
Ace POV
"Teka nga! Pwede bang bitawan mo muna ako Ace" pagpupumiglas ni Justine habang hila hila ko siya palabas ng kanilang building.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ko parin ang paglalakad kasama siya hanggat sa marating namin ang field sa labas ng building at doon ko nalang siya binitawan.
"Here" bigay ko sa kanya ng isang papel na naglalaman ng mga sulat. Inabot niya naman ito sa kamay ko at tiningnan ang mga nakasulat dito.
"Anu? Haler! Nahihibang ka na ba. Mula dito papuntang 4rth floor ng old faculty room niyo at ibabalik ko sa iyo doon sa katabing building nito!" Pagtataka niya bigla pagkatapos basahin ang mga nakasulat sa hawak hawak niyang papel.
Binigyan ko nalang siya ng isang nakakalokong ngiti habang nakataas ang isang kilay ko at nakapamulsa pa ang dalawang kamay. "Bakit may reklamo ka? Kung ayaw mong gawin eh kung ganoon tapusin narin natin ang kasunduan. Alam mo naman madali lang akong kausap. So?" Sumbat ko sa kanya at hinihintay ang kanyang pagsagot.
Naramdaman ko namang huminga ito ng malalim at humakbang palapit sa aking pwesto, at dahil nakaduko ako sa kanya ay nagkataong nagkalapit ang aming mga mukha.
Naamoy ko ang kanyang pabango na nahahalu-an ng kanyang hininga. Ibang iba amoy ang nalalanghap ng mga ilong ko na nagmumula sa kanya. Parang ibang sensasyon ang hinahatid nito sa akin. At hindi ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya.
"Hoy! Anu ba yang ginagawa mo! Umusog ka nga!" Pagsusumbat ko naman sa kanya at napa-ayos ako ng pagkakatayo, agad akong napatingin sa itaas. "Hoy kapre! Magpasalamat ka dahil may utang ako sa iyo at kailangan ko ng tulong mo!" Sagot nito sa akin at nagsimula ng maglakad paalis sa pwesto ko.
Hinarap ko ka agad ang kinaroroonan niya at sumigaw pa "Bilisan mo! Ayaw ko ng pinaghihintay ako!" Sumbat ko pa at nagpakawala ng malalim na paghinga habang hawak hawak ko ang aking dibdib.
Bakit ganun! Bakit iba ang nararamdaman ko sa mga pagkakataon na lalapit siya sa akin. Gumising ka nga Ace! Baka dala lang to ng mga galit mo sa kanya.
Umalis ako sa aking pwesto at itinungo ang aking sarili sa kabilang building malapit sa amin kung saan ko siya hihintayin.
Justine POV
"Nahihibang na talaga ang lalaking iyon! Akalain mo namang ako ang kukuha sa mga gamit nila na nakalagay pa sa napakataas na building! Tapos babalik ako ulit sa baba at papunta naman sa kabilang faculty room, kapag nagkataon mag bibigti na ako!" Inis na inis kong hina-ing habang tinatahak ko ang building nila.
Hindi kalaunan eh narating ko na ang aking destinasyon. Teka dito ata sa room na ito ang old faculty room nila. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang mga ilang gamit na nakapatong sa ibabaw ng mga mesa. Iniisa isa ko ang lahat ng table para lang mahanap ang mga kinakailangan kong dalhin sa baba.
"Saan ba dito! Napakahirap naman ng trabahong ito ang sarap mag quit! Kung wala lang talaga akong kailangan sa kanya, Im sure hinding hindi ko ito gagawin ever" maiinis inis ko namang reklamo sa aking sarili.
Halos mag iisang oras na ako kakahanap sa mga nakasulat doon sa papel eh hindi ko parin mahanap hanap ang mga linteng gamit na iyon. Habang busy ako kakaikot kakaukay lahat na ng kaka, eh wala parin akong nakita kahit isa kaya napag desisyunan ko munang umupo at magpahinga sa isang bakanteng upuan na walang mga papel na nakapatong.
"Gagabihin ata ako kakahanap wala naman pala akong mahagilap sa lumang room! Ang sarap sigurong magwala rito!" Kausap ko sa aking sarili habang tinitingnan na ang mga nakakalat na papel sa sahig.
Ng napasarap ako sa pagkakaupo eh bigla nalang bumukas ang pintuan. Dahil sa bigla at kaba ay napatayo ako sa aking pagkakaupo at bigla bigla naman akong natumba!
"Aray ko naman!" Pagrereklamo ko. Inakayan ko ang aking sarili upang makatayo, at ng nakatayo na ako ay nahagilap ko ka agad ang lalaking nakatayo na sa harapan ko.
"May balak ka bang mag audition sa drama? Kanina ka pa ata dito! At sa tingin ko pahinga lang ang ginagawa mo!" Salita nito ka agad sa akin kaya umayos na ako mula sa pagkakatumba at tumayo.
"Hoy! Kung hindi mo alam, kanina ko pa hinahanap iyang walang kwentang bagay na yan huh. Magpasalamat ka at...." paputol ko ka agad sa aking mga sinabi.
"Tumahimik ka na nga ang ingay ingay mo. Naiinip narin kasi ako kakahintay doon sa iyo sa faculty room. At tinatanong na ako ng kaklase ko kung na ipasa ko na ba! Umalis ka na nga diyan dahil ako nalang ang hahanap!" Reklamo niya sa akin kaya umusog na ako sa aking kinatatayuan at pinabayaan ko nalang na siya ang maghanap, kasi mas mabuti na iyon dahil alam nito kung nasaan.
"Kung hindi ka lang tanga. Diyan lang pala sa likod mo!" Sumbat nito sa akin habang tinuturo turo niya ang mga nakafile na mga folders. Tinitingnan ko pa ang mga ito ng magsalita siya "Oh anu pa ang hinhintay hintay mo diyan. Kunin mo na!" Utos nito sa akin.
"Ok po Sir!" Tugon ko sa kanya at inakay na ang mga folder, teka ang bigat naman ng mga folder! anu bang laman nito? Mga bato. "Hoy! Pwede bang hati tayo, hindi ko kasi kaya oh. Nahihirapan na ako. Tsaka ang bigat pa!" Pakikiusap ko sa kanya ngunit ngumiti lang ito sa akin at nauna ng lumabas.
Napasinghal nalang ako sa walang oras habang akay akay ang mga folder palabas ng room. Tinahak ko na ang mataas na building pababa sa ground floor. "Oh anu?! Tutunganga ka pa ba diyan. Bilisan mo na oh. Hindi pa ako nakapag food break dahil sa iyo!" Reklamo niya ulit sa akin.
"Hoy kapre! Hindi lang ikaw ang hindi nakapag food break dito. Pati rin ako. Kung gusto mong mapadali tayong dalawa eh di tulungan mo ako" sumbat ko naman sa kanya. Pero matigas talaga itong kapreng ito at hindi ako tinulungan.
Halos 20minutes kong tinatahak pababa ang building at sa wakas na abot ko narin ang ground floor. Napangiti pa ako ng nakalabas na sa building nila pero hawak hawak parin ang mga folder.
"Hoy! Hindi mo pa time para magpahinga dahil dadalhin pa natin iyan doon" sabay turo niya sa akin ang katabing building kung nasaan ang bagong faculty room ng prof nila.
Parang maiiyak na ako sa aking kalagayan dahil sa nangagalay na itong mga kamay ko, gusto na nilang magpahinga.
Ace POV
Tinitingnan ko lang siya habang akay akay niya ang mga folder. Ang sarap niyang pagmasadan dahil para nga siyang bata sa mga kinikilos niya. At hindi ko namalayang nakangiti na pala ako, kaya agad ko itong binura.
"Ang sarap!" Tugon habang nakangiti ng naiinis sa kanya. Iniripan lang ako nito at pinagpatuloy niya parin ang paglalakad.
Good timing talaga ang lahat, makaka score naman ako mamayang gabi sa nakilala ko lng kanikanina. Dahil sa hindi ako pagod maganda ang aasahan ko mamayang gabi. Habang busy ako kakaisip sa mga nangyayari eh bigla nalang ako napahinto ng mapansin kung may kinakausap na tao sa unahan si dwende. Agad napakunot ang noo ko dahil kitang kita ko kung paano ito ngumiti sa kanya at paano rin siya ngumiti rito.
Hindi ko alam kong anung nararamdaman ko, ngunit mabilis kumilos ang mga paa ko patungo doon sa kanila.
"Ui! Pareng Ace ikaw pala!" Bati ng lalaki sa akin, tinitigan ko ito. Pamilyar siya sa akin dahil sa unipormeng suot nito. Ibinalik ko ang aking tingin kay Justine. " Halika na!" Tugon ko habang kinuha sa kamay niya ang mga bitbit nitong mga folder at patuloy ng lumakad. "Hoy! Halika na!" Tawag ko ulit sa kanya, at nagmamadali naman itong sumunod sa akin.
Justine POV
Anu bang problema ng kapreng itong, kanina eh nasa mood naman pero ngayon bigla na atang nag beastmode! Ang labo talaga ng lalaking ito, kailangan niya na atang mag pagamot.
"Anu bang problema mo kapre?" Tugon ko sa kanya pagkalabas nito sa faculty room. Napasandal ito sa pader at nakapamulsa. "You can go!" Sambit nito sa naasar na tono.
Ay, wow! Nagmukha nga tuloy akong personal assistant niya. dahil kapag hindi na ako kailangan eh itataboy nalang. "Ewan ko nga sa iyo. Bahala ka!" Tugon ko sa kanya at lumakad pa-alis sa kinaroroonan ko at napansin kong umalis narin siya doon.
Ewan ko ba kung anung nangyayari sa kapreng iyon. Mukhang may dalaw ata. Tugon ko nalang at pumunta na sa building namin.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
Fiction généraleAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...