Chapter 18
Justine POV
"Ok class, thats for today" huling sambit ng aming professor. Pero bago pa naman siyang tuluyang maglaho sa loob ng classroom ay kinausap niya muna ako.
Matapos ang aming heart to heart talk ng professor ay bumalik ako sa aking silya para ayusin ang gamit na nakapatong sa ibabaw nito.
Ng napansin kong mahimbing na natutulog si Jane ay hindi ko nalang ito ginising sapagkat nag-iwan ako ng munting sulat sa kanya na pina-ipit ko lang ng notebook na aalis at mauuna na lang ako.Mahirap na baka mag beastmode!
"Room 300 sa fourth floor, at hanapin ko raw si Mark at tanungin siya for the records" paulit-ulit kong bulyaw sa aking sarili para hindi ko ulit makalimutan ang pakiusap sa akin.
Teka, mukha ba akong utusan? atsaka anu namang pumapasok sa utak ko itong at pumapayag-payag ako sa mga ganitong requests nila.
Ng naglalakad ako patungong Room 300 ay may bigla nalang akong nakitang grupo ng mg kababaihan sa aking harapan na parang may pinag discussionan. Ng tiningnan ko ng malapitan ay isang napaka cute na babae na may mahabang buhok, mapupulang labi at magagandang mga mata in short ang ganda niya.
"Ah excuse me po! Bakit niyo ginugulo ang batang ito?" mahinhin at malumanay kong tanong sa kanila.
Agad namang humarap ang mga grupo ng babae sa akin "Paki-alam mo sa amin. Were just doing what supposed to do!" Balikong sagot sa akin.
Aba! 1st year college pa nga kung maka asta akala mo kung sino. "What is your section?!" Matinding sagot ko para kahaban sila.
Biglang tumahimik ang paligid at may naririnig akong kunting bulungan. Sa pagiisip ko eh,baka ang sinasabi nila ay isa ako sa mga officer. Pero ang totoo eh hindi naman.
Keme ko lang para matakot sila at pabayaan na nila itong kawawang batang babae. "I need your names. And we will seeing all of you at the office!" Tugon ko.
Yumuko naman ang kanilang mga ulo at nagtuturuan na sila kung sino anv may sala. "Ok! For now eh palalampasin muna na natin, But! If I see you doing this again. Im sorry nalang! Understood?!" Sabay taas ng isa kong kilay.
Tumango naman sila bilang sagot at isa-isa ng umalis papalayo at pabalik sa kanilang mga klase.
Binalik ko ang aking paningin sa batang babaeng nag-aayos ng kanyang sarili dahil kakatapos lang siguro niyang umiyak.
"Ok ka lang?" Concern kong tanong sa kanya, pero malamang hindi siya ok dahil umiyak pero kailangan ko lang kasing makasiguro.
Tumingin siya sa akin at nagbigay ng isang ngiti, pero kitang kita parin sa kanyang mga mata ang mga pinanggawa ng mga brat sa kanya
Hindi ko na talaga maiintindihan ang takbo ng mundo sa mga katabaan sa ganitong panahon.
"Teka, anu ba pangalan mo?"
"Ah ako nga pala Christine" sambit niya sa akin.
"At ito pala si Mariz" sabay turo niya sa kakarating lang na kasama niyang babae.
Aba! Saan nanggaling itong kasama niya! Kani kanina eh kami lang dalawa tapos ngayon ay naging tatlo na! Hindi kaya namamaligno na ako?!
"Maraming salamat pala sa pagtulong sa akin kanina. Kung hindi sa iyo eh hindi titigil iyong mga iyon" pagsasalamat niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. May maya ay hila hila na siya ng kanyang kasama. Baka siguro kailangan na nilang pumasok. Nagpa-alam naman siya sa akin at ako ay nagpatuloy na sa paglalakad.
Ng kadahilanang may bigla nalang umakbay sa aking balikat at napalingon naman ako mula rito. Ng napansin ko eh lalaki pala ito!
Bigla tuloy akong napa-atras at nakita kong nagtataka siya sa aking ginawa kaya lumapit pa ito sa akin. "Huwag kang lalapit! Kundi eh malilintikan ka sa akin!" Sabay arm defense ko sa kanya.
Napatawa naman ito sa akin at napabuntong hininga "Ikaw talaga Justine, kahit kelan hindi ka parin nagbabago," tugon nito sa akin.
Huh!? Bakit ba ang dami kong stalker sa mga panahong ito. "Hoy! Huwag mo nga akong matawag tawag sa pangalan ko, dahil hindi tayo magkakilala" tugon ko sa kanya.
Bigla namang nag kunot ang kanyang mukha na parang nagtataka. Eh sa hindi ko naman talaga siya nakikilala. "Nakalimutan mo na ata ang classmate mo noong highschool!" Sambit niya sa akin.
Pinagmasdan ko siyang mabuti pero hindi talaga ma absorb sa sarili ko kung sino ang taong ito. Dahil wala naman akong close na lalaki noong highschool!
"Tigilan mo nga ako Mr. Dahil kong kaklase kita eh dapat napansin na kita kaagad dito sa school!"
"Kakatransfer ko lang dito mga 2 months ago. Nabigla nga ako ng makita kita dito. Sige pa-alala ko nalang sa iyo kung sino ako!" Tugon nito at lumapit sa aking kinaroroonan.
Bigla naman akong kinabahan at napapa-atras ako sa aking pwesto, dahil hindi ko nga kilala ang lalaking ito. At kung saan kailangan ko ng tulong eh wala masyadong dumadaan na mga estudyante! Nandito pa naman ako sa gilid ng crossway na kung saan minsan lang ang may dumadaan.
"Hoy! Hanggang jan ka lang! Huwag kang magkakamaling lumapit sa akin" sambit ko sa kanya ngunit hindi ito nakikinig sa akin.
Ngumiti lang ito ng nakakatakot. Iba-iba na ang pumasok sa utak ko baka patayin ako o di kaya bugbugin o ang mas malala eh marerape ako! Jusko huwag naman sana dahil ayaw ko pa.
Ng akma niya na akong hahawakan ay may bigla nalang nagsalitang lalaki malapit sa aming kinaroroonan.
"Huwag mong balaking hawakan ang taong iyan!" Tugon nito sa nagagalit na tuno. Napatingin ako kung sino ang taong iyon.
Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi ako nagkakamali sa aking nakita.
Humarap sa kanya ang lalaki " bakit! Anu naman ang gagawin mo?" Tanong nito sa kanya.
Lumapit siya sa kinaroroonan namin habang nakapamulsa at nakataas ang isang kilay at ngumiti. Aba tanga naman!
"Kapag sinabi kong huwag mong hawakan dapat huwag" singhal niya habang hinahawakan sa kwelyo ang lalaki.
Nakita ko namang natakot bigla ang lalaki at dali-dali itong tumakbo papalayo sa kinaroroonan namin.
Dahil sa kaba hindi ko nakayanang maiyak! Parang maiihi tuloy ako sa aking pwesto. Ng may maradaman nalang akong paghila ng mga kamay ko papalapit sa kanya at niyakap ako nito.
"Ang laking tanga mo naman!" Sigaw ni Ace sa akin habang yakap parin ako.
Hindi ko parin maiwasang maiyak at humagulhol. "Atsaka tama na iyang pag-iyak mo. Dahil hindi ka babae" tugon nito at kumawala na sa pag-akap sa akin.
Sinubukan kong patigilin ang pagpatak ng aking mga luha at tumingin sa kanya at bakas sa kanyang pagmumukha ang pagiging galit.
"Sino ba iyon?!" Tanong niya.
"Bakit mo naman ako pinapagalitan. Ako na nga itong biktima. Hindi ko iyon kilala!" Sagot ko sa kanya.
Bigla tuloy siyang napakamot sa kanyang ulo. "Mabuti at na-isipan kong dito dumaan dahil kung hindi, ewan ko nalang sa iyo"! Singhal niya naman sa akin.
"Salamat!" Diretsong tugon ko nalang sa kanya. Bigla naman siya nag-alis ng tingin sa akin. "Wala iyon. Atsaka walang ibig sabihin iyong pagyakap ko sa iyo kanina" ma-utal utal niyang pagsasalita.
"Bakit?! May tinanong ba ako tungkol doon?!. Atsaka anu namang ginagawa mo dito!" Tanong ko sa kanya.
"May ibinigay lang sa kapatid ko" sagot niya naman sa akin. "Teka, saan ka pala pupunta at dito mo binalak dumaan?" Pang usisa niya sa akin.
"May kailangan kasi akong puntahan at ewan ko ba kung bakit dito pa ako dumaan" sagot ko naman.
Nauna na siyang maglakad sa akin na walang pasabi sabi. Ipinagtanggol nga naman ako iiwan din naman pala.
"Hoy! Halika na! Ang bagal mo. Anu naman ba hinihintay mo diyan?" Tanong sa akin ni Ace sa unahan.
Ay mali pala ako, sa katunayan malapit ko ng maintindihan ang kapreng ito. Kunting kunti nalang.
Umalis na ako sa aking kinalalagyan at sasamahan nalang daw niya muna ako dahil bored siya.
Aba matindi.
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
General FictionAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...