Chapter 13

41 2 0
                                    

Chapter 13

Justine POV

"So anu?. Mauuna nalang ako sa iyo aalis kasi magkikita pa kami ni Bryan. At teka nga, huwag mong kalimutan iyong paperworks mo dahil for the next day na ang submission" habilin sa akin ni Jane na nakatayo sa harap ko dala dala ang bag niya.

"Oo na. Nakuha ko na, at hinding hindi ko naman makakalimutan yan!" Tugon ko dito sa kanya.

"So kung ganun. Aalis na ako, bye! See you next week" sambit nito bago nawala sa harapan.

Inayos ko na ang aking mga gamit dahil uuwi narin ako, madami pa akong asikasuhin sa dorm at mga aayusing gamit.

Matapos kong maligpit ang lahat ng gamit sa bag ay lumabas na ako ng classroom at tinungo ang papalabas ng building.

"Teka! Muntik ko ng makalimutan. May hihiramin pa palang akong libro sa library" usisa ko sa aking sarili at dali daling tinungo ang library.

Ng makarating ako rito ay insakto namang pagsarado. "Malas naman! Kailangan ko pa naman ang librong iyon" pagdadabog kong paglalakad paalis sa kinaroroonan.

"Anung libro?" Sambit ng isang boses

Napalingon ako sa nagsalita, natameme agad ako ng ma realize ko na siya pala itong lalaking nakita ko sa library noong isang araw. Kung hindi ko nakakalimutan siya ay si Cross

"Teka, ok ka lang?" Pagtatanong nito at hinawakan ang aking ulo.

Dahil sa hiya at baka mahalata niyang namumula ako ay umatras ako ng bahagya sa aking kinatatayuan.

"Ah. Oo. Ok lang ako. Ok lang, huwag mo na akong problemahin. Sige mauna na ako" tugon ko sa kanya at dali daling lumakad paalis sa kanya.

Naku Tine! Masyado kang nagpapahalata sa mga kilos mo! Atsaka hindi ko naman ata masisi sarili kung ganun ako maka kilos kanina. I mean sino ba ang hindi mahuhumaling sa kanya. Gwapo na, gwapo pa at. Ugh! Wala na, wala na akong mahihiling pa.

"Hey. Hinto!" Sigaw niya sa akin sa malayo.

Hindi ko siya pinansin at patuloy parin ako sa aking paglalakad. Pero sadyang mabilis ang mga nangyari at nahagit niya ang kamay ko papalapit sa kanya. At tamang tama nasubsub ang mukha ko sa dibdin niya. Jusko! Ang bango!

"Tinamaan ka ba?" Pag-alala nito sa akin habang nakasubsub parin ang mukha ko.

Agad naman akong umalis sa aking position kanina.

"Huh! Natamaan ng alin?!" Pagtataka kong tanong.

Tinuro niya sa akin ang bolang natapon doon sa aking kinatatayuan kanina. "Dahil sa pagmamadali mo, hindi mo napansin ang bolang paparating. Malapit ka ng matamaan" at ngumiti siya.

Ang laki laki kong tanga! Pero salamat naman at hinablot ako ni Cross ka-agad. "Salamat! Maraming salamat. At salamat ulit" paulit ulit kung tugon sa kanya kaya napatawa siya ng mahina.

"Mukhang nakalimutan mo ata ako ah." Pagsasalita niya.

Napatingin naman ako sa kanya pero hindi diretso sa kanyang mga mata. Dahil ayaw kong mapansin niyang na na akwardan ako sa tagpong ito.

"Huh! Hindi nuh.. bakit ko naman makalimutan ang tulad mong...."

"Ang tulad kong gwapo? Hahaha. Mabuti naman at na-alala mo pa ako." Tugon niya at napatawa pa ng mahina.
At kitang kita ko ang mapuputing ngipin niya, kay sarap pagmasdan ang mga ito. Oo gwapo siya at hinding hindi ko iyon itatangi. Siya na nga siguro ang masasabi kong light ang shining armor ko.

Hindi ko napansin napatulala na pala ako sa kanya ng hindi niya ako niyugyug ng mahina.

"Ok ka lang? May masakit ba sa iyo?" Pagtatanong nitong muli sa akin.

"Huh! Wala. Wala" pag shoshook ko ng ulo ko. "So salamat nga pala uli, atsaka mauuna na akong lumakad huh" pang aalibi ko dahil hindi ko na kaya ang tensyon.

"Sabay nalang tayo. Total pa-alis rin naman ako. Teka saan ka ba umuuwi?" Pagtatanong nito sa akin.

"Diyan lang sa malapit. Nagdodorm rin naman kasi ako" pagsasagot ko.

"So. Tara na?" Pangyaya nito sa akin at tumango na lamang ako.

Habang sa paglalakad namin eh puro siya tanong at kwento sa kung anu anung mga bagay. Ngunit hindi na aabsorb ng hypothalamus ko ang mga sinasabi niya dahil panay titig ako dito. Baka ma love at first sight ako dito kapag nagkataon sa kanya.

"Nakakatawa diba?" Huling sambit niya kaya napabalik ako sa aking sarili.
"Huh! Ah. Oo oo, hahaha. Nakakatawa nga" pagsisinungaling ko dahil wala talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya kanina.

"Nakikinig ka ba sa akin. Dahil sa kahabaan ng lakad natin, napapansin kita" sambit nito sa akin.

Napaduko ako ng marinig iyon mula sa kanya, baka isipin ng lalaking ito eh naglalandi ako, kung ganun baka tama ang hinala ni Ace sa akin. Naku huwag naman sana!

Naramdaman ko nalang eh umakbay na siya sa akin at paglingon ko sa kanya ay nakatingin rin pala siya sa akin.

"Alam mo! Noong una palang kitang nasilayan sa library, ibang iba iyong nararamdaman ko. Hindi katulad sa ibang taong nakasalamuha ko" tugon nito sa akin, kaya hindi ko kinayang mamula sa kanyang harapan.

"Ah.. eh.. ehh. Ihh.. oh..." jusko lord! Wala talaga akong masabi, hindi narin ata ako marunong magsalita ngayon.

Ngumiti itong muli sa akin,at doon ko lang napagtantong may dimple pala siya na nagpapadagdag sa kanyang kagwapuhan.

"Teka, andito na pala tayo" tugon niya sa akin, ngunit hindi parin nito inaalis ang pag kaka akbay niya.

Napalingon nalang ako, dahil nandito na nga kaming dalawa sa tapat ng gate.
Anu ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Wala namang salitang lalabas sa bunganga ko. Sa tingin ko, crush ko siya. Bakit ngayong taon lang ito nangyari sa akin. Bakit?!

"Saan ka pala umuuwi? Para mahatid na kita" pang anyaya niya sa akin.

Tinatanong niya ako kung saan ako umuuwi baka ito na iyon. Baka magkakalovelife narin ako. Pero dapar pa demure muna.

"Ah., sa bandang....." putol ko sa aking sinabi ng may lalaking tumawag sa pangalan ni Cross.

Sabay kaming dalawa ni Cross na napalingon doon sa tumawag sa kanya.

"Oh! Pinsan, bakit?" Sagot nito sa kanya.

Napatitig akong mabuti sa lalaking papalapit sa aming dalawa. Anak nv tortang talong! Hindi maaring.

"Justine?" Tugon niya ng makita ako.

"Ace?" Pagkakabigla ko ka agad.

Kaya ang kinahahantungan eh nagtataka si Cross sa aming dalawa.

"Teka magkakilala ba kayong dalawa ni pinsan" pagtatanong niya.

Agad naman akong napatingin ng diretso kay Ace na ngayoy nagpapataas ng kilay niya. Alam ko na ang nasa isip ng lalaking ito. Naglalandi na naman ako.

Itutuloy

The Unexpected You (boyxboy) *on going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon