Chapter 8

52 4 0
                                    

Chapter 8

Justine POV

"It should be submitted before the christmas break Mr. Provido" tugon sa akin ng professor na ngayon ay nakaupo sa kanyang upuan. "Maraming salamat po Sir for this another chance" bilang pasasalamat ko sa kanya.

Matapos akong makausap ng aking professor ay dumiretso na ako palabas ng faculty room. Pinagpasyahan ko munang magpahinga sa isang bench malapit lang sa kinaroroonan ko.

"Kailangan ko ba talagang gawin ito? Ayaw ko namang bumagsak sa unang termino. Gragraduate narin kasi ako" muni muni ko sa aking sarili at tila hindi mapakali. Agad akong tumayo at dumiretso lumakad papunta sa kabilang building.

Napapalingon ako sa buong paligid ng kanilang building at campuses malapit sa kanila. Kung tutuusin ang daming mga gwapong nilalang dito. Kaya pala kung mapapadaanan kami dito ni Janine minsan eh madaming tumatambay na mga babae at bakla kaya masasabi kong ibang klaseng ang departamentong ito.

Tuloy tuloy na akong lumakad papasok sa kanilang building, para agad ko ng mahanap ang pakay ko.

Dahil sa nahihirapan akong tuntunin ang kapreng iyon, eh nagpa isipan ko nalang magtanong sa lalaking nakatayo sa labas ng classroom nila. Agad ko naman itong nilapitan.

"Teka, pwede ho bang magtanong?" Pakikiusap ko sa lalaking nakatalikod sa aking ngayon. Humarap naman ito sa akin "Oh anu iyon?" Tanong niya.

Napapakamot pa nga ako sa aking ulo at parang nahihiya "Saan ko ba mahahanap si ace?...

May sasabihin pa sana ako ng nagsalita ito. "Oh! Ibang klase talaga itong si Ace. Halos araw2 hindi nauubusan" pagkakasabi nito ay nagkunot bigla ang aking noo.

Napatingin ito sa akin at ngumiti "Si Ace ba? Kung ganitong oras nandoon yan sa gym namin. Nagbabasketball ang lalaking iyon. Teka bakit mo pala hinahanap?" Pagtatanong nito sa akin.

Sasabihin ko ba sa kanya ang pakay ko o huwag nalang. Anu ba ang mabuting sasabihin dito. Ngunit na bigla nalang ako ng humawak ito sa buhok ko "Hehehe. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin, alam ko naman. Siya nga pala Im Kris" sabay abot sa akin ng kanyang mga kamay upang makipagshake hands sa akin. Inabot ko naman ito nagpasalamat sa kanya at pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad.

"Ang weird naman ng lalaking iyon. Pero salamat sa kanya dahil makikita ko na iyong pakay ko" muni muni ko. Ng umikot na sa isang kanto, ay alam ko ng malapit na ako sa gym dahil rinig na rinig ko ang mga cheers na mga tao sa loob. Teka, anu bang meron dito ngayon.

"Excuse me!" Rinig ko sa isang boses na mukhang nagmamadali. Jusko malapit na akong mabunggo ng babaeng iyon. Anu naman kaya minamadali noon.

Ng malapit ko ng marating ang entrance ng gym, eh nahagilap ka agad ng mga mata ko ang mga nag kokompuni na mga tao sa gitna, dahan dahan akong lumapit para tuklasin kung anung meron. Tinataas ko na ang aking ulo pati iyong mga paa ko upang makita kung anung nangyayari.

Dahil sa pursigido kung makita eh, hindi ko namalayang nabunggo pala ako ng isang tao kaya napatumba ako at nahulog ang mga bitbit kung gamit sa sahig. "Hindi man lang marunong mag excuse ang taong iyon. Alam naman naming dalawa na gusto naming makita kung anung nangyayari. Hindi man lang humarap at mag sabi ng. Im sorry. Kakairita" singhal ko habang isa isang pinupulot ang mga gamit na nahulog.

"Hindi ka lang nakaka irita, napakalaking tanga pa!" Sambit ng boses na narinig ko.

Teka! Ako ba pinariringgan nito. Nariring kong lumalapit ito sa kinaroroonan ko. Nahagip ng mga mata ko ang mga paang papunta sa pwesto ko, unti unti kong itinaas ang aking paningin at nahagilap ng pansin ko ang lalaking nakatayo sa harapan.

"Bakit ka nandito! What do you want?" Galit na may halong irita ang tuno ng boses niya. Agad naman akong napatayo sa aking pwesto habang nakalimutang kong pulutin ang mga na iwang papel sa sahig.

"Ah ace.. anu kasi,. Ganito kasi iyon" anu ba ito hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakataas ang kilay nito habang hinihintay ang mga sasabihin ko.

"Hey you! Dont waste my time here kung wala ka namang pakay sa pagpunta mo. You just can leave!" Sambit nito at dumaan ito sa aking harapan papa-alis.

"Teka lang....." sigaw ko kaya napahinto siya at napalingon lahat ng mga tao sa amin at sa kanya...

Huminga ako ng malalim, malalim na malalim. I just need this far...

Flashback.

"Teka lang Janine. Why him?" Tanong ko sa aking kaibigan, pero ang tingin ko ay diretsa sa lalaking nakapamulsa.

"Tin. Wala na kasing available. Kaya siya lang, gusto kitang tulungan" sagot nito sa akin.

Nakikita ko pang napapangiti ito sa harapan ko. Bakit ba kumukulo ang ulo ko sa lalaking ito? Bahala na wala akong project, hinding hindi ako magpapatulong dito.

"Sorry! PeroI dont need that guy." Diin kong sambit sa kanila. Tumingin naman ng diretso sa akin ang lalaki ito nag bigay ng nakakalokong ngiti

"Well mr. Duwende! If you dont! then fine!" Kambya na lalaking kapre at tumalikod sa amin at dirediretso ng umalis sa kinaroonan.

End of flashback.

Humarap ito sa akin na nakapamulsa ang isang kamay niya habang ang isang kamay ay hawak hawak ang gamit niya. Yumuko ako ng bahagya. Kailangan ko kainin ang pride ko para lang dito.

"Payag na ako.." sambit ko sa kanya. Narinig ko namang tumawa ito ng mahina. Pero huh! Nangiinis ba ang isang ito.

"Akala ko ba you dont need my help!" Sagot nito sa akin na nakataas ang isang kilay ngunit nakangiti pero iyong nangiinis. "Kung ganun. Sabihin mo dito sa lahat ng tao na You really need me. Because you are really devoted to do so" dagdagpa niya.

Matagal ako bago nakapagsalita, kailangan ko ba talagang gawin ito. Wala na bang ibang choice or suggestion dito.

"Ok! Madali namang kausap!" Sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"I really really need you! Beause I am devoted to do so" Sigaw ko ng malakas sa kanya. Agad naman akong yumuko dahil sa hiya. Anu na kaya isipin ng mga tao sa akin ngayon.

Maya maya ay may nag abot sa akin ng bag. Pagtingin ko kung kay kanino eh sa kanya pala. "Dont worry! There are things na kailangan mo pang gagawin" sabi nito at hinulog sa akin ang bag niya.

Anak ng tortang talong! Jusko ang bigat ng bag ng kapre nato. Anung tingin niya sa akin!

"Hoy! Halika na!Ang Bagal mo...." sigaw niya sa akin at dali dali kong dinampot ang mga gamit ko sa sahig at sumunod na sa kanya.

Itutuloy.

The Unexpected You (boyxboy) *on going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon