Chapter 12
Ace POV
"Seryoso? Ganito kadaming dadalhin ko papuntang Gym niyo. Para lang sa mga platapormang gamit?!. Kaya mo namang buhatin niyan lahat!" Pangrereklamong tugon nito sa akin na nakapamewang pa.
"Hindi ko naman problema yan! Bakit hindi ka pa ba tapos kakalandi?" Sumbat ko sa kanya.
Humarap naman ito sa akin dahil sa nakatalikod siya sa akin. Nagkasalubong na ang dalawang kilay niya at naka korteng kamao naman ang isang kamay.
"Gusto mo atang matamaan sa akin!. For your information, hindi ako naglalandi" sagot niya sa akin na ngayoy nakahanda na sa kanyang gagawin.
Napapatingin nalang ako sa kanya sabay iling ng mga ulo ko. "Para kang nakakatawa sa mga kinikilos mo dahil daig mo pa ang clown kung magpatawa!" Pangbibiro ko sa kanya at nadagdagan pa ata ang inis nito sa akin.
"Whatever Ace!" Tugon nito at tumalikod na.
"Kung manglalandi ka, hahanap ka pa ng iba! Andito naman ako, dami mong arte!" Mahina kong sumbat na ako lang ang nakakarinig.
"Teka, may naririnig ba ako mula sa iyo. Paki ulit nga ng sinabi mo. Dinig na dinig ko eh" Alerto niyang siil, kaya nabigla ako ng narinig niya pala.
"Ang alin?! Hoy.. wala akong sinasabi dito." Pangdedepensa ko naman sa aking mga sinasabi.
Lumapit ito sa kinatatayuan ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Kitang kita ko ngayon at maliwanag pa sa araw ang ma-amo niyang mukha na kahit nagkasalubong ang mga kilay nito ay ma aliwalas paring tingnan.
"Hoy! Huwag ka ngang lumapit ng masyado sa akin. Baka may makakita sa atin, sabihin pa nilang jowa kita. Tabi ka nga!" Pangtataboy ko sa kanya at napa-atras naman ito.
"Ikaw Ace huh! Huwag na huwag mo akong ginagawang lokoloko dito. Dahil feel ko may narinig talaga ako sa iyo kanina" pangbabata niya pa sa akin.
Tinaas ko ang aking dalawa kamay kaya nagpataas ito ng kilay niya. "Oo na! May sinabi na ako. So ok ka na?" Pagtatanong ko para maging ok na.
"Hindi ako kumbinsido. Gusto ko marinig ulit kung anu iyon!" Singhal niya sa akin na naka crossed arm.
"Dami mong arte, daig mo pa ang Gf ko! Sabi ko, huwag kang lumandi dahil may tatapusin ka pang trabaho. Oh anu ok na po ba?" Pagsisinungaling ko. Hinihintay ko naman kung anu ang magiging reaksyon niya sa mga sinasabi ko.
Agad naman itong nagpakawala ng kanyang buntong hininga at tinuro ako gamit ang daliri niya.
"Inuulit ko hindi ako naglalandi dahil hindi ako katulad ng mga fantards mong nakakapalibot dito sa school" at nagawa niya pang ngumiti ng nakakaloko sa akin.
"Ganun ba? Bakit kasalan ko ba maging ganito ka gwapo. Teka, huwag mong sabihing type mo rin ako?!. Sus! Pakunwari pa." Tugon ko sa kanya at nagcrossed arms rin sa harapan niya.
"Ako? Magiging type kita?. Sabi pa nga ni Sarah. As if magiging type kita! Kaya kung ako sa iyo. Excuse me!" Alerto niyang talikod,at may balak pa atang siyang umalis.
"Hoy!" Tawag ko dito at napalingon naman siya "May nakalimutan ka atang balikan. Malay mo Maybe this Time. Huwag mo nga ako takasan." Sabay turo ko sa kanya sa mga gamit na naka file sa labas ng gate.
Agad naman siyang napakamot sa kanyang buhok habang papunta roon sa mga tinuturo ko. Pinagmamasdan ko siya habang iniisa isa niyang kinukuha ang mga iyon habang ako naman ay nakatayo parin sa aking pwesto na nakapamulsa pa.
Justine POV
Wala na akong masabi sa lalaking kasama ko ngayon. Lintik na buhay naman ito. Unang nangyari kanina ay ang mga bwisit na mga Fantards at ngayon siya na naman. At siya na naman ulit!
Alam ko lang na matatapos na ito kapag natapos ko na rin ang mga kinakailangan kong gawin. Kaya dapat titiisin ko muna lahat.
"Ako parin pag magbubuhat nito papunta doon sa gym niyo?" Galit na tanong ko sa kanya.
Napa oo nalang siya gamit ang kanyang ulo habang tinuro sa akin ang daan papunta roon, na ibig sabihin pina pa una niya na akong maglakad.
"Whatever" huling sambit ko at nauna ng maglakad.
Kakapagod naman. Bakit ba kasi ang dami dami nito at may mga bola pa akong hinila hila sa kabilang kamay.
"Hoy kapre!" Pauna kong salita.
"Bakit?!" Naiinis niyang sagot sa akin,
"Wala pa nga ako sinasabi naiinis ka na ka agad!" Sumbat ko sa kanya.
"Simple lang! Huwag kang magsalita para hindi ako mainip" tugon nito sa akin.
Blah blah blah naiinip! Irita kong tugon sa aking sarili. Malayo pa ba?! Naman oh, malayo pa nga talaga. At itong kasama ko eh napakaginhawa naman niya.
Huminto ako sa paglalakad at binitawan ang mga hawak ko.
"Bakit ka huminto?" Pagtataka tanong nito.
"Napapagod ako nuh, dahil mula roon papunta rito eh ako lang naman ang nagdadala at nagbubuhat ng mga nito. Kaya kitang kita naman na pagod na pagod na ako! Duh" tugon ko sa kanya, na habol habol ko pa ang aking mga hininga.
"Nakaka aksaya ka lang ng oras. Bilisan mo na para matapos" panunumbat nito sa akin, kaya lumapit na ako sa kanya at sinuntok sa siya tiyan ng mahina.
"Aray!" Sigaw niya. Oh! Napaka O.a mahina nga lang iyong suntok ko parang ang lalim naman sa kanya.
"Hoy mahina lang iyon ginawa ko. Grabe naman ito kung maka react" panunumbat ko sa kanya na kinatahimik niya.
"Nakakatatlo ka na sa akin!" Pangrereklamo niya sa akin habang hawak hawak niya parin ang kanyang tiyan.
Hala baka napalakas ko ata iyong pagkakasuntok ko sa kanya at sa tiyan pa kasi niya. Baka nga masakit.
Dahil sa hindi ako makatiis eh nilapitan ko nalang.
"Sorry na! Sorry sorry!" Paghihingi ko ng tawad sa kanya ngunit hindi ako nito sinagot dahil patuloy parin siya sa pagkakahawak sa tiyan niya.
"Masakit ba?. Sorry talaga" segunda ko naman at napatingin siya sa akin.
"Oo masakit. Ang sakit." Pangrereklamo niya. Naku! Ayaw ko pa namang ma guidance office.
"Saan?"
"Dito oh?!" Sabay kuha niya ng kamay ko at nilipag niya doon sa parte ng tiyan kung saan ko sinuntok.
"Dito ba?" Dahan dahan kong paghimas sa bandang doon dahil sa totoo kinakabahan ako.
"Oo diyan. Tsaka dito pa, at dito" turo niya ng turo.
"Aray ko!" Pagrereklamo niya naman ng hinampas ko siya sa kanyang balikat. Umayos na akong ng pagkakatayo at binuhat na iyong mga gamit.
"Hoy! Para saan naman iyon!" Pagrereklamo niya naman ulit.
"Gino-good time mo ba ako?. Huwag mo nga akong lukuhin dahil sa iisang direksyon lang iyong suntok ko pero ang mga tinuturo mong masakit eh out of boundary na!" Tugon ko at nauna ng maglakad sa kanya.
"Teka nga hintay! Pero aminin gusto mo rin, may abs kaya ako doon" pang-aalaska na naman niya.
"Hahaha! Haha asa! Asang asa ka na naman kapre. Ang labo mo ng kasama" sagot ko sa kanya at patuloy paring kaming naglakad papunta sa gym.
Makalaunan eh nakarating na rin kami. "Oh hayan na! Ikaw na magdala niyan doon sa loob at baka akalain pa nilang ulila mo ako!" Pagrereklamo ko sa kanya at tumalikod na ako.
Aalis na sana ako ng magsalita siya sa akin. "May nakalimutan ka naman siguro!" Sigaw na naman sa akin.
Nilingon ko siya at hinarap. "Ang anu na naman?" Galit kong tugon.
"Itong anu. Itong goodbye kiss" may panguso nguso pa siya ng nalaman at iniripan ko nalang.
"Kiskis mo sa pader!" Sumbat ko sa kanya at nilisan ang gym.
Baliw ka nga Ace! Ace kapre..
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
General FictionAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...