Chapter 9

44 4 0
                                    

Chapter 9

Justine POV

"Teka nga muna!" Tawag ko sa kanya habang akay akay ko ang kanyang bag. Bakit ko ba bitbit itong bag ng kapreng ito.

"Hoy!" Ngunit hindi parin ako nito pinapansin at patuloy parin siya sa kanyang paglalakad.

Bingi ba ang isang itong. Hindi niya ba ako naririnig, hindi niya ba alam na may kasama siya at sumusunod pa. Huminga ako ng malalim at sinubukang tawagin siyang muli.

"Hoy kapre! Harapin mo nga ako! Hindi mo ba ako naririnig..." sigaw ko ng malakas, nabigla nalang ako ng huminto ito sa paglalakad at lumingon sa aking kinaroroonan sa likod niya.

Humarap ito sa akin na tila na iinis o nagagalit na. Kitang kita ko sa kanyang mga mukha ang inip na parang gusto na yata ako nitong suntukin kaya napa-atras ako ng kaunti.

"Bakit ganyan ka makatingin!" Tugon ko sa kanya. Tumingin lang ito sa akin ng diretso at napasinghal. Hindi ako ulit sinagot at tumalikod sa akin, nagsimula na naman siyang maglakad.

Wow! Ibang klase din ang isang ito ah. Anu ba nasimhot nito at bakit ganito kung maka-asta. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kapreng ito. Binuksan ko ang aking bag at kumuha ng isang scratch paper, kinumoskumos ko ito hanggang maging hugis bola.

Naghintay ako ng pagkakataon at tinansya ko ang aking direksyon at sa hindi katagalan ay hinagis ko ang crampled paper sa kanya. At tinamaan ito sa kanyang ulo kaya napahinto ulit siya sa kanyang paglalakad.

"Buti nga sa iyo!" Tugon ko sa kanya.

"Anu ba ang problema mo!" Sigaw niya sa akin ngunit nakatalikod. Kaya nabigla ako agad agad.

"Ba-ba-bakit ko ba. Bitbit itong bag mo... huh!" Pautal utal ko.

Mayat maya ay humarap ito sa akin at lumapit. "Diba kailangan mo ang tulong ko?. At sa tingin mo ba gagawin ko ito ng libre, baka nagkakamali ka may kasalan ka pa sa akin at hindi lang isang beses!" Diin ng pagkakasalita niya.

Hindi ako nakapagsalita agad agad sa kanyang mga pinagsasabi sa akin, na pepe ako ka agad at parang napako ang mga paa ko sa lupa.

"Pero kung ayaw mo ng tulong ko! Hindi kita pipilitin. Dahil sa kahuli hulihan hindi naman ako ang talo! Kaya kung ako sa iyo, huwag na huwag kang magrereklamo!" Dagdag naman nito.

Teka, anu ba itong pinasok kong gulo. Hindi naman ganito ang gusto kong mangyari eh, akala ko mapapadali itong gagawin ko pero mukhang kalbaryo naman pala ang pinasukan ko.

"Anung sabi mo?" Iyong lang ang aking nahayag sa kanya. Umayos siya ng pagkakatayo at pinasok ulit sa bulsa niya ang kanyang kamay.

"At higit sa lahat ayaw ko ng inuulit ulit ang mga sinasabi ko" tugon nito at tumalikod ulit sa akin at nagsimulang maglakad.

Naiwan pa tuloy akong nakatayo sa aking pwesto. Napaisip ako ng malalim sa aking kinatatayuan. Total pinasukan ko naman ito, ang kaya ko nalang gawin ay tapusin ang trabahong ito. Magseset ako ng goal, kapag accomplished na lahat (sabay bitaw ng bag niya)

"Huwag na huwag mo balaking itapon ang mga gamit ko duwende!" Sigaw nito sa akin.

Ay anak ng tortang talong, ang lakas naman pala ng pandinig ng isang iyon. Agad kong dinampot ang kanyang bag.

"Alam kong kaya ko ito, No! Kaya ko nga dahil naiiba ka sa lahat Justine! You can do this.!" Pageencourage ko sa aking sarili at nagsimula ng maglakad.

Kinabukasan........

Ace POV

"Ang ganda ng araw natin ngayon ah. Teka anung meron?" Tanong sa akin ni Bryan habang nakaupo.

Binigyan ko siya ng parang satisfied na mga ngiti. "Hindi mo naman siguro kailangan pang magtanong kung bakit diba? Dahil sa pagkaka-alam ko alam mo naman ang rason." Tugon sa kanya habang nakadungaw sa may bintana at pinagmamasdan ang kalangitan .

Narinig kong umayos ng pagkakaupo si Bryan. "So anu naman ang balak mo ngayon?" Tugon nito.

Inalis ko ang aking panigin sa mga kalangitan at humarap sa kanya at ngumiti ulit pero sa nakakalokong paraan.

"I already handle everything. And this gonna be fun." At umayos na ng pagkakaupo dahil pumasok na ang aming professor.

Matapos halos ang 3 oras nag pag lelecture ng aming professor eh sunod nito ay ang aming break. Habang busy ako sa pagkain at pag nguya ng mani eh, maya maya ay lumapit sa akin.

"Ace! Napagsabihan pala ako ni Sir na kunin mo daw sa stockroon ang mga projects natin at ihatid doon sa kanyang office" tugon sa akin ng kaklase kong babae.

Bakit ba sa lahat ng estudyante dito eh ako dapat ang maghahatid! Nakakapagod namang trabahong ito!

Tumayo ako sa aking kinauupuan, napatingin sa direksyon ko si Bryan na parang nagtataka "Teka, saan ka pupunta pare?!" Tanong nito sa akin.

Hindi ko nalang siya sinagot at tinungo na ang pintuan palabas ng classroom.

Justine POV

"Hindi ka ata nakatulog ng maayos! Wala namang bilin sa atin na mga paperworks." Sambit ng kaibigan kong naglalagay ng pulbo sa kanyang mukha.

"Naku! Wala nga, pero sa akin meron! Hindi pa nga natatapos eh napakahirap na. Ang sarap mag bigti!" Tugon ko nito sa kanya at binalik ang aking pansin sa papel na nakapatong sa desk ko.

Wala naman akong maisip na kung anung isulat, literal talagang blanko ang utak ko ngayon. Ayaw na ata mag function ng aking hypothalamus. Baka na drain at stress na sa mga mangyayari.

Naramdaman ko namang siniko ako ni Jane sa aking tagiliran kaya napalingon ako sa kanya. "Teka, kamusta na iyong project mong gagawin?" Tanong nito.

Ito na nga ang sinasabi ko, madami ng interview na magaganap. Magsasalita na sana ako ng may narinig kaming mga tili sa labas ng classroom. Napaka ingay ng lahat ng mga babae at pati mga bakla.

Anu naman bang meron sa oras na ito, naiinip kong tugon. Tumayo kaming dalawa ni Jane at tinungo ang pintuan ng classroom lumabas kaming dalawa.

Dahil sa dami ng estudyante ay nahihirapan kaming makita kung anu ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante ng may narinig akong may nagsalita "Saan ko ba mahahanap si Justine? JustineProvido?" Tugon ng boses na pamilyar sa akin.

Agad akong tumalikod upang hindi ako mapansin ng mga nakapaligid sa akin. Dahan dahan akong lumakad pa alis sa aking pwesto ng...

"Teka! Saan ka pupunta?!" Rinig kong sambit niya at hawak na ang isa kong kamay. "Huwag mong isipang umalis, diba you need me!" Diin nito sa akin.

At napansin kong nakatingin ang lahat ng tao sa akin. At paglingon ko at nahagip ng pansin ko ang lalaking nakangiti ng nakakaloko at wala iba kundi si Ace!.

Itutuloy....


The Unexpected You (boyxboy) *on going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon