Chapter 23
Justine POV
Masyado bang hot ang weather ngayon o hot lang talaga ang lalaking naghihintay sa akin sa dulo. Oo! Tama kayo ng hinala, tototoong totoo na talaga ang pangliligaw sa akin ni Cross.
Gush! Hindi ko nga lubos maisip kung paano ba nangyari ang mga ganitong bagay pero ipagpalagay ko nalang na isa itong biyaya na hulog ng langit sa akin.
Papunta na ako sa kanyang kinaroroonan habang nakatayo itong nag wewave ng kamay sa akin. Ngumiti naman ako dito dahil sa kakaibang feeling na nararamdaman! Jusko! Fresh na fresh to! Bakit kasi ngayon pa kung saan gra-graduate ako.
"Hi!" Bati niya sa akin habang nakangiti. Oi! Kahit paniwalang paniwala na akong nililigawan ako ng lalaking ito eh bakit ba parang nahihiya pa ang ibud-iburan ko sa kanya. At sa paningin ko eh katulad parin ng dati na hindi pa niya ako nililigawan.
"Oh. Bakit? May dumi ba ang mukha ko justine?" Pagtataka niya bigla.
Agad ko namang binawi ang aking atensyon at itinuon ito sa bandang kanan. "Ah! Wala naman. May iniisip lang kasi ako" sagot ko sa kanya na ikinatuwa ni Cross ng mahina.
Maya maya ay inakabayan nalang ako nito sa balikat. Jusko! Ilang boltahe ba ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. At ngayon nalalaman ko na may iba din palang source kapag nakukuryente ka, pero take note huh! Ibang iba ang feelings.
"Kumain ka na ba ng lunch?" Pagtatanong ni Cross sa akin habang ina-akbayan parin ako nito sa aking balikat.
"Ah. Ah. Anu. Ahhhh" pagpuputol niya sa aking sasabihin.
"I would take that as a None." Tugon niya at inimbitihan akong kumain. Dahil nga raw nililigawan niya na ako.
Do I need to act as pabebe?. Ay no na! If ever baka isipin ni Cross na napakalayo ng attitude at behavior ko kapag ganun ang aking mga ikikilos.
Ng nakarating na kami sa canteen ng school eh pina-upo niya na ako sa table dahil siya na raw ang kukuha ng order naming dalawa. Aangal pa sana ako kasi nakakahiya naman talaga! Hindi dahil nililigawan ako eh dapat mag a-act ako bilang bossy!
Gusto ko lang kasi ng fair at balance in treating each other. Pero sa kalaunan eh napapayag nalang ako na siya ang oorder dahil sa kinulit ako nito ng kinulit. Kaya cge! Go orderin mo na lahat Cross pati tindera!
Habang hinihintay kong makabalik si Cross sa table ay hindi naiwasan ng aking tenga makinig sa dalawang babaeng nag-uusap malapit lang sa table namin.
"Ui sis! Nabasa mo na ba iyong naka posts sa attention wall ng school?" Pagtatanong nito sa kasama.
"Ah! Oo. So anu? Sasali ka ba?" Sagot at tanong niya naman sa katabi.
Ay wow! Napaka good naman ng magkaibigang ito. Teka! Muntik ko ng malaman na malapit na rin ang scholl intramurals, so baka ang mga pinagsasabi ng dalawang ito eh ang tungkol sa mga events na magaganap.
Tumango nalang ang kasama niya at sabay sabay silang nag appear.
"Ah, ito oh!" Putol ni Cross sa aking attensyon at inilahad niya malapit sa akin ang kanyang inorder na pagkain.
"Wow! Paano mo nalamang favorite ko ang mga ito." Tugon ko.
Ngumiti naman ito sa akin at umupo narin pagkatapos ayusin ang tables na may mga pagkain.
"Ganito talaga ako kapag mangliligaw. Dapat alam ko ang mga ayaw at gusto ng taong nililigawan ko. Tulad mo" sagot naman niya.
Wow! Ibang klase, kaya pala hindi kami nag-aaway o nagsusumbatan nito ni Cross dahil siguro pina N.B.I ako nito o di kaya nagiging secret agent sa mga panahong where-in the both of us are strangers! Jusko naman!
"Hangang hanga na talaga ako sa iyo Cross. Hindi lang sa matalino ka eh napaka observant mo naman. At dahil jan..."
"Sasagutin mo na ako?" Masayang dugtong niya sa sasabihin ko.
Ganun! Agad agad. Grabe naman! Dapat lagyan ko muna ng pa demure demure kaunti. Dahil kung sasagutin ko siya baka isipin niya ka-agad na easy to get akong babae.
Ay hindi pala! Hindi nga pala ako babae. Dahil ito iyong parating nereremind sa akin ng Kapre. Na huwag daw akong ma-arte dahil hindi naman daw talaga akong tunay na babae. .
Aba! Bakut sino ba ang may nagsabing magfefeeling babae ako eh hindi naman talaga. Atsaka bakit kapag iniisip ko ang kaprengito ay gusto ko na siyang batuhin at batukan atsaka asarin na din.
Pero teka! Ang tagal tagal na din naming hindi nagkikita ng kapreng iyon. Baka ibinaon na ako sa limot ng taong iyon. Haluur! Nasa sakanya na iyon, basta ang importante eh malapit ko na talagang matapos ang aking research proposal kay Sir! Dahil kapag natapos ko na! Ohrayt.... bye bye Ace.. like forever!? Ahmm. Forever ba talaga?eh hindi naman nag eexists ang word at description ng forever kung ihahalintulad sa nararamdaman. Hay! Kaasar!
"Tin....." may pawave wave pa siya sa harap ko na ikinabigla ko. "Tin... kain na tayo. Kanina ka pa kac nag spespace out jan" sambit ni Cross na nakatingin sa akin.
Tumango nalang ako sa kanya at sinimulan ko na ring kumain. Balak rin siguro ni Cross na pakainin ako ng marami dahil halos mapuno ang plato ko ng mga ibat-ibang ulam isabay pa natin ang mga dessert.
Jusko! Ganito ba talaga manligaw ang isang ito dahil handang ibigay ang lahat lahat para lang sa taong mahal niya. Kung ganun, maglalagay ako ulit ng big check. As in big na big check.
Ng matapos kaming kumaing dalawa eh sinabihan ko nalang si Cross na pumunta na siya ng klase niya baka kasi magkaroon pa ito ng absent mark sa class record na Professor niya. Ayaw pa nga noon sumunod dahil ang gusto niya eh ihahatid daw muna ako bago siya aalis. Pero no! Mamaya pa kasi ang pasok ko at ayaw ko naman mapag-iwan sa klase ang Crush ko na mangliligaw ko na.
Ng nagpa-alam na sa akin si Cross at magkikita na lang daw kaming dalawa mamaya eh napagisipan ko na ring ililisan ang lugar. Habang naglalakad ako sa kahabaan ng campus eh napag-isipan ko munang sumilip sa annoucement board. Bigla ko kasing na-alala ang mga pinag-usapan ng dalawang babae kanina.
Nakatayo na ako dito sa harap ng malaking bulletin board habang binabasa ko ang mga events! Baka sakaling may pwede na akong salihan sa panahong ito.
Paano kaya kung quiz bowl? Or di kaya talent show?! Ay jusko! Bawal pala sa akin ang talent show. Anu naman kasi e-tatalent ko kapag sasali ako kung nagkataon.
"Lahat ng nakasulat jan ay hindi bagay sayo!" Dinig ko sa lalaking bigla nalang sumulpot sa aking tabi.
Nilingon ko naman ito at nakita ko si Ace na nakatayo malapit lang sa aking tabi.
"So! Paano ka naman nakakasiguro?!" Tanong ko sa kanya.
Narinig ko naman itong tumawa ng mahina atsaka nagsalita. "Kailangan ko pa bang sabihin kung bakit! Tingnan mo nga sarili mo!" Pangu-ngutya niya sa akin.
Aba! Dahil isang linggo lang kaming hindi nagkikita, ganito na siya kung magkamusta sa akin. Diretso bully agad! Bahala siya. Maka-alis na nga dahil wala rin naman akong mapapala dito.
"Hoy! Saan ka pupunta!" Tawag nito sa akin. Ngunit pinagpatuloy ko parin ang aking paglalakad at hindi siya nililingon.
"Hoy! Dwende! Dwende! Saan ka pupunta!" Tawag pansin nito ulit.
Ok Justine! Huminga ka ng malalim. Hindi mo kailangang makipag sagutan sa kapreng ito dahil wala ka naman talagang mapapala sa kanya. Kaya dapat ipagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad pa.
"Aba! Ibang klase, dahil nagkaroon lang ng mangliligaw eh feeling babae na ka-agad. Huwag ka uy!" Sambit naman nito sa akin.
Kaya sa ngayong pagkakataon eh hinarap ko na siya ngunit nabigla nalang akong andito na pala ang kapre sa likod na nakatayo.
"Hoy! Ang bilis mo naman yatang makasunod sa akin. May lahi ka bang maligno huh?!" Pagtataka ko.
Nagpataas nalang siya ng kanyang kilay at nguniti ng nakakaloko. May sayad na nga! May sayad na nga sa ulo ang lalaking ito.
"F.Y.I! Hindi ako nag fefeeling babae! Eh anu naman ngayon kung may mangliligaw ako. Mabuti nga iyon, para magka BF na ako. Ok!" Diin ko sa kanya.
Kaya napatawa nalang ito sa kanyang kinatatayu-an. Aba! Saang banda naman ako nag bibiro sa kanya at tumawa ang kapreng ito.
"So ibig sabihin. Sa buong taon mo dito eh wala pang nangliligaw sa iyo!" Pangungutya niya sa akin.
Eh anu naman kung wala noon! Hindi ko nalang siya sinagot ngunit nag eye-roll nalang akong sa kanya. Bahala siya sa buhay niya! Atsaka anu pa ba ang kailangan naming pag-usapan ng kapreng ito.
"Halika na nga! Dami mo ng arte sa sarili mo!" Utos nito sa akin.
Aba! Kung makapag-utos akala mo naman P.A niya ako! At hoy huh! Hindi ko parin nakakalimutan iyong text niya sa akin.
"Excuse me kapre! Kung aalis ka? Eh dapat mag-isa ka nalang. Huwag mo na akong samahan!" Sumbat ko sa kanya kaya napahinto ito sa paglalakad.
Lumapit ito sa aking kinaroroonan at bigla nalang ako nitong binuhat.
"Hoy kapre! Anu ba iyang ginawa mo! Ibaba mo nga ako!" Pagpupumiglas ko ngunit masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.
"Aw! Bakit? Anung klaseng buhat ang gusto mo?" Pagtatanong nito.
Wala at walang wala. Anu ba ang pinag-iisip ng lalaking ito at bigla bigla nalang ako nitong binuhat.
"Hoy! Teka aminin mo. Kinikilig ka rin! Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin. Malay mo!" Panguuto niya sa akin.
"Hoy kapre! Ang kapal mo nuh. Ang kapal kapal mo para sabihing kinikilig ako sa iyo. For your infornation hindi ako kinikilig!" Pangsusumbat ko sa kanya.
Bigla nalang siyang huminto sa paglalakad at ibinaba ako. Hinawakan ako nito sa aking balikat habang ang isang kamay niya ay humaplos sa aking mukha. Lumapit ang kanyang tingin sa akin. Malapit na malapit.
"Hoy! Anu ba iyang ginagawa mo!" Suway ko sa kanya ngunit hindi ito nakikinig sa akin. Tumitig ito sa aking mga mata at gayun din ako.
Dug! Dug... shit! Dug.. dug.. litsugas! Hindi.. hindi ako kinikilig. .
"Naririnig mo ba iyon!" Tugon nito sa akin.
"Huh! Ang anu?" Jusko. Baka naririnig niya ang tibok ng aking puso. Baka nga totoo ang sinasabi sa akin ng kapreng ito! Pero No!
Umiwas ako sa kanyang pagtitig at narinig ko namang tumawa siya ng mahina.
"Sayang hindi mo narinig ang tibok ng puso ko!" Diin niyang pagkakasabi. ..
"Aba matindi karin! Syempre titibok iyang puso mo dahil buhay ka!" Panunumbat ko naman.
Agad namang umiba ang aura ni Ace sa akin. Kumunot ang noo nito at namulsa ulit.
"Ikaw! Ang labo mo at manhid pa!" Sumbat nito sa akin.
Agad naman akong nagtaka sa kanyang nga sinasabi. Aba! Paano naman ako nagiging isang manhid na tao. Itong kapre ito ang daming pakulo at kalokohan sa buhay. At huh! Dinadamay pa ako.
Hinili nalang ako nito. Hindi iyong kanay ko kundi ang bag ko.
"Bitiwan mo nga bag ko!"
"Paano kung ayaw ko!"
"Eh.. sige... hindi ako susunod..." paputol putol kong sambit sa kanya.
"Gusto mo akayin nalang kita ulit. Cge pumili ka nalang!" Pangongondition niya.
"Ok.! Cge na cge na. Susunod na ako" tugon ko sa kanya.
Bigla nalang ito kinuha ang bag ko at siya na ang nagdala at nagbitbit.
"Saan ba tayu pupunta huh!"
"Saan pa! Kundi ihahatid na kita. Ayaw ko kasing may mag hahatid sa iyong iba" diretsong tugon nito sa akin.
Teka anu raw! Jusko naman. Ikaw na kapre. Hala sige! Pero iyong nararamdaman ko kanina. Totoo ba iyon oh nabigla lang ako.
Hays!!!
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
Narrativa generaleAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...