Chapter 7

44 4 0
                                    

Chapter 7

Ace POV

"Anu pare, ayus ba sa iyo itong balita ko?" Tugon sa akin ni Bryan na ngayon ay nakaupo sa bench. "Naman, sobrang maayos. Kahit hindi ko na nainterview iyong babae kanina. Eh mas maswerte pa ako dito." Balik tugon ko naman. Humanda talaga sa akin iyong dwende na iyon. Akalain mo, tadhana na iyong nagpapalapit sa amin. Tingnan lang natin kung hanggang saan, mas makaka tulog na ako ng maayos kung makakabaw ako sa kanya.

"Hello bhe." Sagot ni Bryan sa tawag. Pwe! Langya, bhe pa iyong ginamit na endearment, ang sarap tumawa tuloy. "Oo andito kami ngayon sa bech malapit lang sa building namin. Teka saan na ba kayo?" Tanong nito sa kanyang Gf sa cellphone. Napatayo na rin ako dahil napapagod na sa kakaupo. "Anu ang sabi pare?" Pang uusisa ko. Nagpataas lang kilay sa akin si Bryan at ngumisi ng malapad. Kahit minsan naisipan ko ring may sayad ata sa ulo. Nabigla nalang ako ng tumayo si Bryan sa kanyang kinauupuan. "Bakit?!" Pagkabigla ko sa kanya. "Hoy! Bkit?" Tanong ko ulit, ngunit hindi ako nito sinagot bagkus may narinig nalang akong mga apak na mg paa papunta sa kinaroroonan namin lumingon ako nito.

Justine POV

"Sigurado ka ba dito? Sana naman papayag iyang BF na matulungan ako?" Pangungusisa ko kay Janine, habang papalakad kami sa kinaroroonan nila. "Teka akala ko ba, BF mo lang. Bakit hindi ko alam na may kasama pala siya" pagtatanong ko ulit sa kay Janine. "Halika na nga! Maya na yang ka echusan mo. Dali" at hinila na ako nito papunta sa kanila.

"Hello bhe" bati kaagad ni Janine ng makalapit na kami sa kanila. "Yes bhe!" Pag reresponse naman nito. "Ah teka, siya nga pala. Si Justine or tin for short. Ito iyong sinasabi ko sa iyong humihingi ng tulong bhe" mahabang paliwanag ng kaibigan ko.

Hala! Sino naman itong damuhong nakatalikod sa amin. "Ay uu nga pala!" Putol ni Bryan sa pagiisip ko pati na rin kay Janine "May problema kasi, hindi ako makakatulong kay Tin dahil pre occupied narin ako. Pati ibang year level. Pero..." Pagpuputol niya. "Pero?" Naghihintay namang sagot ni Janine at ako.

Bigla nitong tinapik ang balikat ng kasama niya at napaharap na sa amin. "Si Ace lang iyong magaan ang Sched na pwedeng makatulong sa kanya" dugtong nito sa kanyang sinabi.

Napamasid tuloy ako sa lalaking ito, mukha kasing pamilyar sa akin itong pagmumukha na to. Parang kahapon o kanina lang. Dahan dahan kobg inaangat ang aking mata papunta sa mukha niya na ngayoy nakangisi ng malapad.

Nanlaku bigla ang mga mata ko sa aking nakita. Hindi maari, hindi ibig sabihin..... "Ikaw!" Sigaw ko na may halong pagkabigla. Kaya napalingon tuloy si Janine sa akin na nagtataka "Magkakilala ba kayong dalawa?" Tanong niya.

Ipinasok noong lalaki ang kamay niya sa kanyang bulsa, at napatitig sa akin ng diretso "Nice to meet you, Again!" Diin nitong pagkakasabi at ngumiti ng malapad.

Iba ang nararamdaman ko dito. Teka baka pwede pang mag back out.

May choice pa ba ako?

Itutuloy...


The Unexpected You (boyxboy) *on going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon