Chapter 4
Justine POV
Bitbit ko parin ang aking folder na nadumihan kaninang umaga dahil na apakan ito ng isang kapre na kakalabas lang ata sa kanyang lungga. "Hey tin!" Tawag sa akin Janine at tumatakbo papunta sa aking pwesto. Ng makarating ito sa akin, ay hinihingal hingal pa ang isang ito.
"Napagod ako doon ah" singhal niya sa akin na hinahabol habol ang kanyang paghinga. "Oh! Teka, magpahinga ka muna. Halika nga dito. Bakit ba kasi napatakbo ka ng mabilis, pwede naman ako nalang ang pupunta sa iyo." Tugon ko sa kanya na ngayoy napaupo kami sa iilang bench dito malapit sa aming department. "Hinahanap kasi kita, papaalis na kasi iyong professor nating bakla. Naku! Hindi mo pa napapasa iyang research proposal mo. Kilala mo naman iyon" tugon sa akin ni Janine, kaya kinabahan ako bigla. Napatayo ko nito. "Teka akin na iyang bag mo." Sambit nito at kinuha sa akin. Mabilisan naman akong pumunta sa faculty room ng Professor namin.
"A deadline, is a deadline Mr. Provido. And yet you are giving me a trash proposal paper. And you think I would accept that?" Patanong nito sa akin.
Napabuntong hininga muna ako ng malalim at nag salita. "Im sorry sir, May nangyari lang kasi kaninang umaga. I should be there on time. But..." Putol kong sambit ng nagsalita naman ito sa akin. "I am not responsible for any of your action. But I will give you another chance. Kapag pinalampas mo pa ito Mr. Provido, it will be a sorry for you." Suhestiyon niya sa akin. "I want you to make a documentation regarding the student at Engineering department. I want something interesting by that then. Can I count on you for this project?" Taas kilay nyang tugon.
Lumabas ako ng office ng ma lungkot sa aking mukha. Napalakad ako ng mahina papunta sa direksyon ng aking susunod na klase.
"Tin. Kamusta? Tinanggap niya ba?" Tanong nito sa akin na nakaupo sa katabi kung upuan. "Badnews at the same time good news. Bad news dahil hindi niya tanggap. Pero ang good news binigyan ako nito ng bagong chance. Kailangan ko raw gumawa ng documentation regarding sa Engineering student." Tugon ko sa kanya.
"Then it would be easy." Masayng tugon nito. Huh! Bingi ba siya. Paano magiging easy iyon, eh wala naman akong kilala sa department na iyon. "Ok ka lng? Paanu magiging easy eh. Wala nga akong kilalang nilalang doon." Tugon ko. Tinapik ako bigla ni Janine sa aking balikat. "Alam mo friend ma swerte ka.". Napakunot naman ang mukha ko ng marinig ko iyon sa kanya. "Huh! Paano naman akong nagiging suwerte dito?" Pagtataka ko sa kanya.
"Basta! Sasabihin ko sa iyo mamaya pagkatapus ng klase natin. Kaya for now, mag isip ka muna ng magandang e topic dyan at tittle." Suhestyon nya at napa-ayos na ng pagkakaupo.
Napabuntong hininga nalang ako at napadungaw sa bintana at na tuon ang pansin ko sa kabilang building. Paano kaya ako makagagawa nito. Bahala na! Bahala na si Batman.
Itutuloy. ...
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
Fiksi UmumAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...