Chapter 29
Ace POV
Hindi ko maalis ang aking mga tingin kay Justine na nakatyo sa aking harapan. Hindi ko na rin kaya pang itago ang nararamdaman ng aking puso.
Dahil sa simula ko palang siya nakita sa eskwelahan ay may nararamdaman na akong kakaiba sa kanya. Iyong nararamdamang kilalang kilala mo na siya matagal ng panahon.
Ang mga mata niya ang hurma ng kanyang labi at ang kakaibang aura na nanggagaling sa kanya. May napapa-alala siya sa akin na isang taong matagal tagal ko ng gustong makita.
Flashback.......
"Hoy Ace! Anu na? Malapit na tayong gragraduate ng highschool! Dalawang taon nalang ang kinakailangan eh matatapos na ang lahat ng paghihirap" Tugon sa akin ng aking barkadang lalaki habang papauwi kami.
"Oo nga eh! Akalain mo iyon, at take note! Dalawang buwan nalang ang kukulangin eh matatapos na ang isang school year. Hindi bat napakasayang isipin ang bagay bagay na na ganito!"
Habang naguusap kaming naglalakad ng aking kaibigan ay bigla nalang siya itong napatingin sa kanyang cellphone. Napalingon na ako sa kanyang pinanggagawang pagtatype sa cellphone niya.
"Naku tol! Pasensya na. Mauna nalang ako, bali hindi ako makakatambay ngayon sa susunod nalang. May kailangan lang kasi akong asikasuhin sa Gf" pagpapahinto niya sa aming paglalakad.
Tumango nalang ako bilang sagot at bumalik naman siya sa kanyang paglalakad pero sa ibang daanan.
Anu naman kayang imporanteng gagawin niya sa GF niya. Naku huwag niya lang sabihing nabuntis. Dahil kapag ganun ang nangyari. Tigok kang bata ka.
Hindi ko nalang pinansin ang mga bagay bagay na bumabalot sa aking utak at pinagpatuloy ko parin ang aking paglalakad. Habang palakad lakad ako sa aking kinaroroonan ay napahinto nalang ako ng may bigla ako nakitang batang lalaki na kanina pa tumatalon na parang may ina-abot sa puno.
Dahil sa nagtataka ako eh nilapitan ko nalang siya sa kanyang pwesto.
"Hoy! Anu ba iyang inaabot-abot mo?" Tanong ko sa kanya. Napalingon naman ito sa akin. Bigla bigla nalang ako natulala ng makita ang ma-among muka ng batang lalaki, namumula pa ang kanyang mata dahil ata sa kakatapos nitong umiyak.
Bigla bigla nalang siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang akap. Isang yakap na para bang natatakot siya. Hindi ko naman ma ipaliwanag ang nararamdaman ng aking puso.
Muli ako tumingin sa kanya at pinagmasdang mabuti ang kanyang mga mukha. Ang mukhang nagbibigay sa akin ng kakaibang damdamin.
At iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nasa isipan at puso ko parin ang taong iyon at sa tingin ko nandito lang sa harap ko ang lalaking iyon.
End of flashback..
Ngumiti naman ako sa harapan ni Justine habang siya naman ay natutulala parin. Oo justine! Mahal kita at sana nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko noong una pa nating pagkikita.
Justine POV
Agad kong binawi ang pagkakatitig ko kay Ace. Teka, anu ba itong nararamdaman ko dahil sa naguguluhan na ako. Totoo na ba talagang may gusto na ako sa kanya. Bakit sa mga mata ng taong ito eh parang nakita at nakikilala ko na siya noon.
Tatalikod na sana ako ng biglang hawakan ni Ace ang aking mga kamay na hudyat namang bumilis pa ang pintig ng aking mga puso.
"Justine...." mahina niyang tugon sa akin na nagbibigay ng magandang musika sa aking mga tenga. Ang pasimple siyang pagtawag sa aking pangalan at sa pang-aasar niya sa akin ay naghahatid ito ng kakaibang saya.
"Ba...ba..bakit?" Pautal utal kong tanong sa kanya.
May sasabihin pa siyang importante sa akin at parang napaparanoid nalang ang aking katawan pati na ang puso ko. Jusko naman.... grabe siya oh!
"Justine... gusto ko lang malaman mo na...." putol niya sa kanyang mga sasabihin ng biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Justine...." tawag sa akin ni Cross sa di kalayuan. Teka, kelan lang siya pumunta rito? Wala lang naman akong may natanggal na tawag o di kaya text sa kanya.
Binalik ko ang aking atensyon kay Ace upang marinig mula sa kanya ang gusto niyang sabihin sa akin.
"Wala! Gusto kong malaman mo na na-aaksaya ang oras ko!" Diin niyang pagkakasabi sa akin at binitawan nalang ang pagkakahawak sa aking mga kamay.
Teka! Anu ba ang ineexpect kong sasabihin niya sa akin? Na gusto niya rin ako, na mahal niya rin ako. Dahil kung ganoon. Ako mismo! Oo na oo.
Napapalibutan nalang kaming dalawa ng katahimikan hanggat sa nakarating sa aming kinatatayuan si Cross. Umakbay naman siya sa aking balikat at nakita ko ang pagiiba ng emosyon at ekspresyon ng mukha ni Ace dahil sa biglaan nalang ito napatalikod sa amin.
"Justine.... Na miss tuloy kita. Pasensya ka na hindi kita nasamahan. Pero huwag kang mag-alala eh sa nandito na ako" tugon niya sa akin na ikinangiti ko naman. Pero hindi parin mawala sa isipan ko si Ace.
Nakaramdam nalang ako ng osang yakap mula sa kanya na ikinasimula namng paglakad ni Ace papalayo sa amin. Hoy kapre! Bakit ka ganyang kung kumilos na weweirduhan na talaga ako sa iyo, lumingon ka nga muna muli sa akin.
Kumalas naman mula sa pagkakayakap sa akin si Cross at tinawag nito ang kanyang pinsan kaya napahinto siya sa kanyang paglalakad.
"Pinsan. Maraming salamat talaga huh sa tulong mo." Pagsasalamat niya nito at nagbigay lang naman ng thumbs up sa kanya at nagpatuloy na ito sa kanyang paglalakad.
Teka saan ba pupunta ang lalaking iyon. Muling napahawak sa mga balikat ko si Cross habang nakangiti sa harapan ko. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya. Gwapo ka naman Cross, pero bakit ganoon. Bakut parang ang layo layo at ibang iba ang nararamdaman ko kapag kasama kita kaysa kay Ace.
"Tara na! May gusto akong ipapakita sa iyo na ikakatuwa mo" pang iimbinta nito sa akin kaya tumango nalang ako.
Nagsimula na kaming lumakad na dalawa ni Cross habang pasulyap sulyap parin ako sa aming likod at nakita kong napahinto sa paglalakad si Ace at napalingon sa aming kinaroroonan.
Hoy kapre! Anu bang nangyayari sa iyo.
"Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Cross.
"Ah oo. Teka, bakit hindi ka naman nagsabi na pupunta ka pala ngayon?"
"Eh sa gusto kitang surpresahin eh. Na supresa ba kita?" Tanong nito sa akin.
"Oo nasupresa mo ako!" Sagot ni Ace na ikinabigla namin ni Cross. Teka paano nakapunta dito ng napakabilis ng lalaking ito.
"Saan ka ba pupunta kapre?" Tanong ko sa kanya.
Lumingon natin ito sa akin at kumunot ang kanyang noo.
"Sa lugar na ikakasaya ko na sana ngunit na agaw pa!" Diin nito at sinabayan kami sa paglalakad.
"Naku pinsan? Sino ba iyan?" Tanong ni Cross sa kanya.
"Siya lang naman ang taong kinikilig at tinitibok ng puso ko" tugon nito habang mga tingin niya ay sa akin.
Teka! Mukhang naabsorb ko na. Ako ba ang tinutukoy ni Ace? Ako ba talaga?.
Bigla bigla nalang na eexcite ang nga hormones sa katawan ko na hindi ko alam kung bakit.
"Ah siya nga pala Justine!" Saad niya pa sa akin.
"Oh?" Pagtataka ko kung bakit.
"Sa akin ka nalang mamaya tumabi matulog dahil baka babalikan ka ng multo. Matatakutin pa namang iyang pinsan ko!" Tugon niya at patuloy na sa paglalakad.
Huh teka, anung ibig sabihin ng kapreng iyon. Napahinto naman kami sa paglalakad ni Cross at tumingin ito sa akin. Dont tell me....
"Magkatabi kayong natulog na dalawa?" Tanong nito sa akin.
Ahmm! Excuse me meoron pa bang ibang options.
"Oo! Magkatabi kaming dalawa pinsan. Grabe nga maka-akap sa akin eh!" Sagot ni Ace sa kanya.
Isa pang sagot kapre at mananagot ka na talaga sa akin.
"Talaga Justine.,totoo ba itong...." putol naman ni Cross ng sinagot naman siyang muli ni Ace.
"Oo nga!" Sagot niya.
Ok iyon na ang cue. Bigla nalang ako napasiko kay sa kanyang tiyan at napahawak ito at tumakbo.
"Hoy! Kapre bumalik ka nga rito. Bumalik ka!" Tawag ko sa kanya at hinabol siya.
Hindi ko na napansin sa aking tabi si Cross dahil patuloy parin ako sa paghahabol sa kanya.
Teka! Magpapahinga muna ako, nakakapagod eh. Ang hirap makahing ng maayos. Habang nagpapahinga ako eh may naramdaman nalang ako kamay sa aking balikat tumingin akl rito at nakita kong nakangiti sa akin si Ace at kumindat pa bago nagpatuloy sa pag-alis habang tumatakbo.
May-araw ka rin sa akin. Pero! Bigla bumalik sa akin ang nga kindat at ngiti niya na ikinamula ko.
Pag-ibig na kaya! Pareho ang nadarama ito na ba ang simula. Anu ba kasi ang meron sa iyong kapre ka!
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
قصص عامةAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...