Chapter 19
Justine POV
"Sa susunod nalang pong linggo ako uuwi Mama" tugon ko sa aking ina sa linya ng telepono. Mahigit 4 na buwan narin kasi akong hindi nakakauwi sa amin.
Ng matapos na kaming mag-usap ni Mama ay pinatay ko na ang telepono at bumalik sa pag-aayos ng aking mga gamit sa loob ng kwarto.
Dahil sa masyado na akong nagiging busy sa mga nakaraang araw hindi ko natuloy nabigyang pansin ang kwarto.
"Knock knock!" Bulabog sa ni Jane sa likod ko.
"Bukas po ang pinto! Atsaka huwag ka ngang mag knock knock! Hindi na iyan uso!" Tugon ko sa kanya at hindi nililingon.
Niyugyog ako nito ng mahina at nadala pang tumawa sa akin.
"Teka! Nabalitaan ko ang nangyaring sa iyo!" Usisa niya. Huminto na rin ako sa aking pag-aayos at tumayo mula sa pagkakapa sa ilalim ng desk ko.
Tinungo ko ang kama at napaupo nalang. Hinarap ko si Jane sa kanyang kinatatayuan.
"Oh bakit hindi ka makapagsalita diyan?!"
"Bakit. May kinalaman ka ba tungkol doon?!" Tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang napataas ng kanyang dalawang kamay sabay pailing-iling ng kanyang ulo.
"Uii. Hindi ko kaya iyon magagawa sa iyo ! Ataka narinig ko lang ang balita sa mga fantards ni Ace" sambit niya at umupo malapit sa aking kinaroroonan.
I knew it! Alam na alam kong sila talaga ang may pakana noon. Mabuti nalang at...
"Mabuti nalang andoon si Ace!" Dugtong agad ni Jane sa kanyang mga sinabi kanina.
Teka nababasa niya ba ang iniisip ko. May pagka psychic ba itong bestfriend ko.
"Kahit wala naman siya doon eh kaya ko naman!" Sabay tayo at itinungo ang mga nakafile na libro sa ibabaw ng mesa ko. Dinampot ko ang mga ito at inilagay sa isang maliit na box.
"Hmmm. Really? Teka, paano siya napapunta doon. Baka sinusundan ka!" Pang usisa niya naman ulit sa akin.
"Bakit naman niya ako susundan." Pagtatanggol ko sa aking sarili.
Teka bakit ba ako nagiging defensive kapag siya ang pinaguusapan! Naprapraning na siguro ako.
"Oh?! You sounds very defensive. Baka may nililihim ka na tungkol kay...." putol niyang tugon ng hinarap ko siya sa kanyang pwesto.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Lihim? Tungkol sa anong lihim?. Lihim na pagtingin? Jusko! Kabahan ka nga Jane" barado ko sa aking kaibigan.
Nabigla naman siya sa kanyang narinig mula sa akin. Baka nagtataka na itong kaibigan ko sa akin. Ngumiti naman siya ng nakakaloka at nakibit-balikat nalang sa akin.
"Ows.. sabi mo yan huh. Walang bawi-an. Paano kung si Ace pala ang magkakagusto sa iyo. Anu naman ang gagawin mo?" Tanong niya sa akin.
Napahinto tuloy ako sa aking ginagawa at parang natamaan ako sa kanyang sinabi. Malabo namang magkakagusto iyong kapre sa akin eg kabaliktaran kaming dalawa!
Mas mabuti pa siguro kung si Cross o di kaya si Kris.
"Hoy! Ok ka lang?" Pukaw sa akin ni Jane dahil sa natulala nalang ako sa aking kinatatayuan.
Agad naman akong bumalik sa aking kinatatayuan at hindi nalang sinagot ang kanyang mga katanungan.
Halos isang oras akong natapos sa aking pagliligpit dahil panay ang tsismisan namin ni Jane. Maya maya ay tumayo na ito sa kanyang pagkakahiga.
"Naku! Malapit na palang maghapun." Kausap niya sa kanyang sarili.
"Oo! At kanina ka pa diyan nakahiga sa kama ko!" Tugon ko naman sa kanya.
Tumawa lang siya ng mahina "Mauna na ako sa iyo Justine. May bibilhin pa pala ako sa department store. Ikaw?" Tugon niya sa akin.
Umiling ako sa kanya tsaka ngumiti. "Mamaya na ako lalabas. Tatapusin ko nalang itong isa. Mauna ka nalang tutal malayo-layo pa iyong boarding house mo dito sa amin" sagot ko sa kanya.
Tumango nalang siya at nagpa-alam sa akin na uuwi na.
Naiwan na muna akong mag-isa dito sa loob ng aking kwarto. Ng maya maya ay nakaramdam ako ng kunting pagod kaya napag-isipan kong magpahinga muna ng saglit.
Agad akong na-alimpungatan ng tumunog ang orasan. Nahulog pala ito sa sahig dahil sa natamaan ng aking kamay. Nakalimutan ko kasing ibalik sa lalagyan at naipatong ko lang sa kama.
Dinampot ko sa sahig ang orasan at tiningnan ang oras. Hala mag 5pm na. Tumayo ako sa aking pagkakahiga at nakiki strectching narin.
Mas mabuti siguro kong lalabas muna ako at magpapahangin bago bibili ng aking panghapunan.
Nagbihis ako ng aking damit at itinungo ang pintuan ng kwarto. Nilock ko ito at lumabas na sa boarding house.
Napalakad-lakad ako sa gilid ng kalsada. Hay ang sarap sa pakiramdam, eh dahil siguro sa nakatulog ako kanina kaya napawi ang aking pagod at it sounds worth it naman.
Tumawid ako sa kalsada at tinungo ang isang park na kung saan maraming nga taong nakatambay dito. May nag jojogging may nag dedate at may pagala-gala lang na katulad ko.
Ng makarating ako sa park ay tinungo ko muna ang mga bench upang maka-upo muna kahit saglit lang dahil sa nakaramdam narin ng pagod ang mga paa ko.
"Justine?" Tawag sa akin ng isang lalaki.
Napalingon naman ako kung saan galing ito. Nagulat nalang ako ng makita ko si Kris mag-isa. "Anung ginagawa mo rito? Mag-isa ka lang ba?" Sunod sunod niyang mga katanungan sa akin.
Sasabihin ko bang napagod ako para buhatin niya ako uli at dagdag ko naring mag-isa ako at walang kasama.
"Ah. Kasi napag-isipan kong gumala-gala muna. Dahil sa napagod rin ako kaka-ayos ng kwarto kanina." Sagot ko.
Agad naman siyang ngumiti sa harapan ko at sa kadahilanang napatulala naman akong muli sa harap niya.
"Wala rin akong kasama ngayon at tulad mo eh gumala-gala rin. Sabay nalang tayo" anyaya ya sa akin.
Walang pakundangan eh automatikong kumilos ang aking mga paa at tumayo ito.
"Tara!" Tugon ko sa kanya.
Napahawak siya tuloy sa aking buhok sabay tawa ng mahina. "Ang cute mo talagang tingnan. Tara" sabay hawak niya sa aking mga kamay.
Gush! Ito na iyong sinasabi kong lihim din na pagtingin. Naku naguguluhan tuloy ako sa aking nararamdaman. May gusto rin ba sa akin si Kris! Wag kang mag assume Justine. Dahil malabo itong iniisip mo.
"Teka, matagal tagal din tayong hindi nagkitang dalawa. Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin.
"Ok lang ako.." pautal utal kong pagkakasabi dahil hanggang ngayon eg hindi niya parin binibitawan ang pagkakahawak sa aking kamay.
Bigla naman siyang huminto sa kanyang paglalakad. "Bakit ang layo ng distansya mo sa akin. Lumapit ka ng kaunti sa akin." Tugon niya namang nakangiti.
Wait gaanu ba ka close ang gusto niya. Iyon bang masaydong close na close na walang ka space space?! Ay jusko, please hindi ako naglalandi.
"Huh?. Hindi naman ah. Ok na siguro ito" pautal utal ko paring tugon sa kanya. Naramdaman ko nalang binitawan niya ang pagkakahawak sa akin at inabot ang kanyang arms at umakbay ng tuluyan.
"Mas mabuti na ito" sambit niya kahit hindi nakatingin sa akin.
Lalakad na sana kami ng may biglang nabunggo sa likuran ko. Napalingon tuloy ako dito at nakita ko ang batang babaeng natumba sa kanyang pwesto. Dali dali naman akong kumilos sa aking kinatatayuan at inakayan ang batang babae na tumayo. Tinulungan ko siyang pagpagin ang mga dumi sa kanyang damit.
Ng itinuon ko ang aking paningin sa kanya eh pamilyar ang batang ito.
"Kuya Justine?" Pagtatakang sambit niya sa akin.
"Kuya Justine ikaw nga!" Masayang tugon nito samantalang ako eh lutang parin sa aking posisyon.
Siya nga itong batang babae na tinulungan ko ng nakaraang araw.
"Dahan dahan karin kapag naglalakad. Teka saan ka ba nanggaling at mukhang nagmamadali ka?" Usisa ko sa kanya.
Nagpout naman siya, at may napansin ako bigla sa kanyang mga mata at labi. Dahil kamukha nito si...
"Christine!" Tawag ni Ace sa kanya.
Hindi nga ako nagkakamali sa aking hinala.
"Kuya! Dito" tawag niya rin.
Teka, kung ganoon magkapatid silang dalawa. Pero huh!magkasalungat nga naman!
"Oh pare!" Tawag ni Kris ng makita niya ng malapitan si Ace.
Lumapit sa kanya si Christine at tumungo ulit sa aming kinaroroonan.
"Kuya si Kuya Justine pala. Siya iyong tinutukoy ko sa iyong nag save sa akin sa school" sabay turo niya sa akin.
Tumingin ako kay Ace at nakita kong kumunot ang noo nito.
"Ahh. Ok!" Iyon lang ang kanyang sinabi.
Teka. May ginawa ba akong mali at mukhang ang bitter niya. Eh hindi rin nga kami nagkita mga ilang araw.
"Justine! Tara na. Pasyal na tayo. Pare mauna na kami!" Sabay tingin niya kay Ace na ngayoy nakapamulsa na.
Aalis na sana kami ng hinawakan ako sa kamay ng kapatid ni Ace.
"Kuya sama ka nalang sa amin. Dahil sa tinulungan mo ako ng nakaraang araw eh treat kita" pag-anyaya naman sa akin ni Christine.
"Ah, eh anu kasi Christine may kasama akong..." putol ko ng nilingon ko si Kris na may kausap sa phone.
"Ah opo coah. Sorry po. Sige sige po.babalik na ako. Justine, naku pasensya na may problema kasi. Kailangan ko munang asikasuhin ito. Sa uulitin nalang. Bye" sabay kindat niya sa akin.
Naku paano ang dream date ko. Naudlot na naman. Tinuon ko ulit ang aking paningin kay Ace na ngayoy nakatapik ang kanyang kamay sa kanyang bibig na mukhang natatawa pa.
"What?!" Galit niyang tugon sa akin.
"Huwag mong sabihing may kinalaman ka doon?" Tugon ko sa kanya.
Napasmirk lang siya sa akin at tinalikuran siya. Hinawakan akong muli ni Christine.
"Sabi kasi ni Kuya sa akin dapat daw kitang aanyayahin. Kesa daw doon ka sumama sa lalaking iyon" tugon niya.
Agad ko namang inilingon si Ace at ngumiti lang ito. Arghh! Leche kang Ace ka. Balak pa atang gawin akong baby sitter.
"Oh! Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin. Huwag mong sabihing..." putol niya ng sumigaw ako.
"No and never....." at napalingon ako sa paligid ng tiningnan ako ng mga tao.
"Naku! Pag pasensyahan niyo po itong Girlfriend ko, nagpapalambing lang kasi" tugon niya sa kanila at lumapit sa aking kinaroroonan.
"Huwag kang kikilos! Baka isipin ng mga tao eh ang playboy ko. Hali ka na. Kailangan mo pang magbantay ng bata" tugon niya sa akin sabay hila.
Wow ang sweet naman!
Gusto ko ng mag quit. Tulungan niyo naman ako.
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
Aktuelle LiteraturAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...