Chapter 25
Justine POV
"So tuloy ang lakad ninyo ni Cross?" Tanong sa akin ni Jane habang nakaupo sa silya at ngumunguya ng bubble gum.
Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang aking pag-aayos ng mga gamit. Tinawagan kasi ako ni Cross kagab.e na sasamahan ko raw siya pupunta ng probinsiya upang kumuha ng magagandang litrato para sa kanilang proyekto dahil siya daw ang na-atasan gumawa sa grupo nila.
"Mga ilang araw ba kayo doon?" Tanong ni Jane ulit sa akin.
"Isang araw at isang gabi" sagot ko sa kanya.
Narinig ko namang tumitili na kahit mahina itong kaibigan ko. Oo alam ko na ang nasa isipan nito, at ayaw kong mag judge kung saka-sakali. Ng matapos ko ng ayusin ang lahat ng mga kinakailangan ko eh dumiretso na ako sa kama at napa-upo para makapagpahinga ng kaunti bago maligo.
"Ang sweet naman ng ganyan. Hays! Alam mo best! Nakakainggit! May boyfriend naman ako kaso hindi ako dinala sa mga magagandang lugar noong nililigawan niya pa ako" tugon niya sa akin at tumayo sa kanyang kinauupuan at dumiretso sa aking kinalalagyan sabay kirot ng mahina sa aking balikat.
"Aray! Para saan naman iyon!" Sumbat ko sa kanya at napatawa nalang siya.
"Sus! Pabebe ka na naman. Teka, anu itong nababalitaan ko na nililigawan ka rin ni Kriss. Ikaw na!" Tugon nito sa akin sabay humiga sa kama.
Alam ko namang malambot itong kama ko! Pero huh! Cge na nga hahayaan ko nalang siya.
"Ay wow! Kanino mo nalaman?" Pagtataka ko sa kanya.
Agad naman ako nitong binatukan ng mahina sa aking ulo.
"Ikaw at ikaw lang naman. Remember noong isang araw na nakipag usap ka sa akin sa tawag. Sus!" Sagot niya sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako habang napapailing sa aking ulo. Nakalimutan ko palang ako na mismo ang bumalita sa kanya. Ay jusko naman!
"Ayh. Sige sorry! Oo na. Liligawan niya raw ako. Ewan ko nga sa mga lalaking ito na kung anu ang nakita sa akin...." putol ko sa aking pagsasalita ng umupo si Jane mula sa pagkakahiga at napatingin sa akin ng diretso.
"Bakit?" Pagkakabigla ko sa kanyang kinikilos.
"Hmmmm. Parang may nakalimutan ata ako. Si Ace pala?" Tugon nito sa akin.
Agad naman akong napahinto ng saglit at bumilis ang pintig ng aking puso ng marinig ko ang pangalan niya.
Erase erase erase! Huwag mo siyang isipin Justine dahil isa siyang malaking tinik sa iyong lalamunan. Tama! Tama....
"Paki-alam ko naman sa isang iyon. Neknek niya nuh!" Sumbat ko sa kay Jane.
Napalayo kaunti si Jane sa akin at ngumiti ng nakakaloka.
"Wee! Huwag mong sabihin may gusto ka sa kanya?" Pang aalaska nito sa akin.
May lahing maligno din ba itong kaibigan ko na kung anu ano nalang ang pinagsasabi! Kailangan ko na nga kumuha ng esperitista.
"Wow! Big wow! Ako? Magkakagusto sa lalaking iyon. No way!" Diin kong pagkakasabi.
"Hmm. Sounds defensive. Pero cge, sabi mo eh. Kung ako sa iyo kay Papa Cross na ako. Boto ako sa kanya eh!" Pangtutulak ni Jane sa akin.
Ewan ko ba sa babaeng ito! Kaibigan nga naman talaga. Kung boto siya lay Cross eh di siya ang sumagot. Hihihi! Pero feel na feel ko naman si Cross. Argh!
Tumayo na ako sa pagkakaupo sa aking kama at kinuha ang tuwalyang nakasampay.
"Maliligo na ako! Malapit na kasi ang oras na pinagusapan namin ni Cross na magkikita kami." Sambit ko kay Jane at tumango nalang ito.
"Sige sige! Balitaan mo nalang ako kung nangyari na huh. Atsaka!" Sabay dampot ng isa pang bubble gum sa mesa ko. "Ill take this bago aalis. See you on Monday!" Huling dugtong niya sa kanyang sasabihin bago lumabas ng kwarto.
"Ge! Bye!" Sumbat ko sa kanya ngunit wala na ito.
Tuluyan na akong pumasok sa aking banyo at naligo. Ginawa ko na lahat lahat ng ritwal at nakapag-ayos na rin ako ng aking sarili.
Teka, hindi ba masyadong malaki itong bagahi ko. Eh isang araw at isang gabi lang naman kaming dalawa ni Cross. Jusko! Anu ba ang iniisip ko na mag iisang taon kami. Argh. Aayusin ko pa sana kaso wala ng oras at baka maghihintay pa sa akin ang isa.
Binaliwala ko nalang ang aking malaking bagahi at dali daling hinila palabas ng dorm.
Ng makarating na ako sa lugar na pinagusapan namin eh kanina pa ako dito nakatayo at lumilingon at walang Cross man lang ang aking natatanaw.
Wait! Baka na late lang ng kaunti. Cge lang! Maghihintay parin ako. Ng maya maya ay may sasakyang huminto sa aking harapan. Ay! Ready na ako dahil dito na si ..
"Ace!" Gulat kong tugon ng lumabas sa loob ng sasakyan si Kapre.
Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. Ay wow huh! Ang lakas makabobo. Teka anu ba ang ginagawa ng isang ito dito. Baka siya ang naghatid kay Cross.
"Hoy! Anu pa ba ang tinatayo-tayo mo diyan!" Tawag niya sa akin habang nakasandal sa pintuan ng sasakyan na nakatayo.
"Huh?! Ako ba?. Sorry Kapre pero wala akong oras makipag biruan sa iyo dahil may hinihintay akong importanteng....." putol ko ng bigla bigla nalang ako nitong hinawakan sa kamay at pinapasok sa loob ng sasakyan.
"Hoy! Ilabas mo nga ako rito!" Sumbat ko sa kanya.
"Ang ingay ingay mo talagang duwende ka! Umayos ka na nga diyan para matapos na itong pinakausap sa akin ng pinsan ko!" Tugon niya sa akin.
Teka anu bang ibig sabihin niyang....
"Hoy! Wala namang sinabi sa akin so Cross na ikaw ang sasama sa akin at hindi siya!" Sumbat ko nalang.
Napapailing nalang ito sa kanyang ulo at tumingin sa akin ng diretso.
"Bakit ka ganyan makatingin?!" Pautal utal kong tugon sa kanya ngunit parang hindi ako nito narinig at patuloy parin siyang nakatingin sa akin.
Napahawak tuloy ako sa aking dibdib dahil unti unting lumalapit ang mukha ni Ace sa akin. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata! Ito na ba? Magkakaroon na ba ako ng....
"Hoy! Anung pinipikit pikit ng mga mata mo diyan?!" Pukaw niya sa akin at dinilat ko ang aking mga mata at nakita siyang nakangiti ng nakakaloko.
"Huh?! Ah eh...." jusko! Anu ba itong iniisip mo Justine.
"Akala mo siguro hahalikan kita? Sus. Hindi naman ako nagmamadali dapat kasi may timing." Pang-aalaska naman nito sa akin.
"Heh! Halikan mo mag-isa ang sarili mo!" Tugon ko nalang at itinuon ang aking tingin sa side mirror ng sasakyan.
"May pulbo ka pa kasi sa mukha kaya tiningnan ko ng mabuti! Ganoon ka pala ka preparado sa gala niyo ng pinsan ko. Hanep huh!" Diin niyang pagkakasabi bago tumawa.
Shit! Kaya pala nakatingin siya sa akin ng malapitan dahil hindi pala pantay ang pagkakalagay ko ng pulbo! Inayos ko ang aking sarili sa salamin.
Maya maya ay umandar na ang sasakyan at umalis na kami ni Ace. Nakatanggap narin ako ng text mula kay Cross na hindi siya makakapunta ngayon dahil may ina-asikaso siyang importanteng bagay kaya ipinahabilan niya nalang kay Ace para matulungan ako.
Di bale nalang! Gagawin ko ang aking makakaya para kay Cross at para naman maganda ang kalalabasan ng kanyang kinuhang litrato.
Teka! Masyado atang tahimik. Paano kaya kung paandarin ko nalang ang radio ng sasakyan.
"Bawal!" Hudyat ni Ace sa akin na aaktong paandarin ko palang.
Huh! Kaya ba itong ti-isin. Pwes ako hinding hindi.
"Hays! Masarap siguro kapag makalanghap ka ng sariwang hangin!" Tugon ko sa aking sarili at binuksan ang window ng sasakyan sa right side ko.
"Bawal! Masyadong mausok sa labas!" At isinara niya ulit.
"Hoy kapre! Anu ba.... anu bang....." putol ko sa aking sasabihin ng naramdaman ng sikmura ko ang gutom.
"Bakit?! Tumahimik ka nalang dahil nagmamaneho ako!" Sumbat niya sa akin.
Shit! Bakit ngayon pa. Kung saan kailangan ko ng kaginhawa-an sa aking sarili.
"Hoy Kapre...." tawag ko sa kanya at hindi parin ako nito pinapansin.
"Hoy kapre.... kapre...." paulit ulit kong tawag sa kanya. Ngunit ganoon parin ang sitwasyon dahil hindi ako nito pinapansin.
Mamatay na siguro ako nito sa gutom.
"Ace!" Sigaw ko na.
At napalingon na ito sa akin at nakita kong napahinto siya sa pagmamaneho at napatingin sa akin ng diretso.
"Teka! Anu nga ulit ang sinabi mo?" Tugon nito sa akin.
"Ace! Gutom na ako. Pwede bang kumain muna tayo.." tugon ko sa kanya na parang nanghihina.
Ngumiti ito sa akin. Ngiting napaka unusual. Napatapik ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ang aking buhok.
May kinuha siya sa kanyang bag na pagkain at ibinigay sa akin.
"Oh. Ito..... sana sinabi mo sa akin kanina pa..." tugon niya.
Duh! Like kanina ko pa siya tinatawag. Hindi naman ako pinapansin. Kinuha ko ito sa kanyang kamay at sinimulang kinain.
"May nakalimutan ka ata!" Sumbat niya sa akin.
"Nakalimutan ang alin?" Pagtataka ko.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan.
Teka. Pinapahawakan niya ba sa akin ang kamay niya. Shit! Bakit parang bumibilis ang pintig ng puso ko. Dahan dahn kong hinawakan ang kanyang kamay.
"Hoy! Anu iyang ginagawa mo?" Tanong nito sa akin.
"Huh akala ko ba...." putol kong sambit.
"Ang sabi ko nakalimutan mo atang magbayad sa akin." Tugon nito sa akin.
Agad ko namang binaba ang aking kamay.
"Ibabalik ko nalang ito sa iyo ng buong buo!" Pangaalaska ko na rin sa kanya ng kinuha nito ulit ang aking kamay at siya ng humawak.
"Ok na rin itong pangbayad. Mas worth it kasi ito" tugon niya habang mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Ng bigla biglang tumunog ang alarm ng phone ko.
"Im falling for you.. finally my heart gave in and I falling inlove. I finally know how it feels. So this is..." dali dali ko namang pinatay ang alarm tone at agad agad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Ace sa kamay ko.
Napaduko ako habang pinakikinggan ang tibok ng puso ko.
Pahamak na alarm tone. Pahamak ka Toni....
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (boyxboy) *on going*
Ficción GeneralAn original work posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiously without any i...