"Ang sikip."
"Usod ka nga do'n."
"Carmeng, isod kang konti."
"Binusangot, alis nga dyan."
"Pumatong, usod ka."
Yan lang ang maririnig dito sa loob ng CR. Puro reklamo. Reklamo ng mga kasama kong as I said earlier, mga parang nakadrugs.
Yes, ang tropa ni Ricardo.
Ang sikip naman nga kasi talaga. Ambaho pa. Ang hirap talaga kapag mahirap ang school. Napakabaho ng CR. Tsk!
"Ang sikip talaga." Reklamo ulit ni Carmeng at ikinembot ng konti ang balakang nya para makaisod sya.
Maliit lang ang CR kung tutuusin. Kasya lang kasi dito ang tatlong tao, pero anim kami ngayon dito. Halos mahalikan ko na ang nakakadiring pader dito, pader na ginawang freedom wall ng mga kulangot. Sari saring sizes at color. Nakakaloka.
Tumingin tingin sa taas si Acelena, parang may naiisip na idea. (NAAAKS!)
"Ano ba 'yong mabaho? Si Agapito o 'yung CR?"
Sinamaan ko ng tingin si Ricardo Binasungot JR. Parang timang! Nakakainsulto na sya ah!
"Gago ka ah?" Naiinis kong sabi kay Ricardo at binigyan sya ng pamatay na tingin.
"Mamaya na kayo mag away dyan. May nakita akong butas, dun tayo sa may kisame dadaan." Kaswal na sabi ni Acelena.
Ginawa nilang tungtungan yung drum na puno ng tubig. Sumuot sila sa may maliit na butas papunta sa kisame. Nauna yung mga tunay na babae. Susunod na sana ako ng----
"Eh Agapitooo! Ako muna!" Pigil sakin ni Ricardo.
"Aba! Ako muna! Ladies first, real men second!" (NAKS! KASABIHAN YAN NI AGAPITO WAG KA!)
"NO! Ako muna! Isa ka lang namang epal na tinubuan ng panget na mukha eh!" Nabahiran pa ng kabaklaan ang tono ng pananalita nya. Peste talaga 'tong baklang 'to!
"Kung pinapauna mo kaya ako noh?" Inis kong sabi sa kanya.
"Hindi nga kase---"
Napatigil sya sa pagsasalita at parang kinilabutan ng konti. Alam mo yung parang kilig na kilig na sya dahil sa ihi nya? Ganon yung itsura nya.
Pinanood ko lang sya hanggang sa mapatigil sya at nahimatay.
Sumubsob sya sa bowl. At kahit awang awa na ako..
Wala na akong oras. Kaylangan ko nang umalis. Ayokong makain ng zombies ang utak ko. Ang utak ko na pinaghirapan pang gawin ng nanay at tatay ko.
I should survive this crisis.
-----
A/N
Goodbye Ricardo :(
BINABASA MO ANG
The Misadventures Of The Pacanton Squad
Teen FictionMamamatay ka na nga lang, sari-saring adventures pa ang pagdadaanan mo. Written by: chbbychksss Dedicated sa #CantonSquad!😻 O N G O I N G