Carmie na may kamukha's POV
"Oy. Okay ka lang?" Nag aalalang tanong sakin ni Jovhicang.
Ngumiti lang ako ng tipid at napabuntong hininga nanaman. Bakit kasi ganon? Bakit napapanaginipan ko nanaman yon?
Nanaginip nanaman ako, na nasa isang berde at malawak na lupain daw ako, at nandoon ang isang lalaki -- na walang mukha.
Lagi ko syang nakikita sa panaginip ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko kapag nakikita ko sya-parang ang saya saya ng puso ko. Pero hindi ko maintindihan, bakit?
'Yan ang tanong sa isip ko. Sino ba yong lalaking yon sa buhay ko? Anong papel nya o plastik sa buhay ko? Sya ba ang future ko o ang past ko?
Shet. Magulo diz.
Hindi ko maintindihan pero parang pamilyar yung nasa panaginip ko. Sa isang kisapmata, nasa tapat kami ng simbahan tapos sinabi nya sakin na break na daw kami. Huwaaat?!
Damang dama ko yung sakit sa totoo lang. Yung kahit na hindi pa ako nagkakaboypren, parang dama ko na agad kung paano makipagbreak. Masakit ah. Pero ang totoo sampu na talaga ex ko. Mga nasa Korea nga lang.
Pero nakakaiyak talaga.
Nagising na lang ako ng may muta at luha na ang mga mata ko.
Ano bang nangyayari sakin?
*****
Agapito na medyo tuliro's POV
"Bakit ba mga wala kayo sa katinuan ha?!" Inis na bulyaw ni Jovhicang samin ni Carmeng.
Ngayon ko lang napansin na lutang din pala si Carmeng? Hindi naman kasi talaga lulutang yan. Mahigit 40 kilos yan eh. Tsk. Pero yun nga. Hindi na mawala wala sa isip ko 'yung nakita kong piktyur sa year book. Yung nasa pikyur--si Carmeng ba yon?
Pero 2017 pa yun! 3002 na kaya! Tapos naalala ko na kung sino yung nasa isang piktyur, si Theyang Pumatong? Feeling ko kamukha nya yong kaklase ko nung grade five eh. DI KO GETS!
"Umalis na kaya tayo dito no? Baka kasi naengkanto lang yang si Agapito tsaka si Carmeng. San ka ba kasi umihi ha Agapito?" Nakapamewang na sabi sakin ni Miniracquel.
"Ayan! Para kasing aso. Kung saan saan naihi!" Pumapalatak naman na sabi ni Jovhicang.
At ako nanaman ang nakita nila ano? Tsk!
"San tayo pupunta?" Maya maya'y sabi ni Carmeng. Bumalik na pala sya sa katinuan. Wuhooo.
"Yes naman gising na sya! Aalis na tayo dito at baka abutan tayo dito ng zombies! Oh Jovs tara na! Iwan na natin dito si Agapitoooo!" Eksayted na sabi ni Minira. Sa naalala ko, wala namang Milo ni James Blue dito ah? Bakit ganyan sya ka hyper? Psh.
Napakasama nya! Tsh.
"Sasama na ako!" Malakas na sigaw ko.
"Wala na, di na masaya. May epal na." Mataray na sabi ni Jovhicang.
Inirapan ko lang si Jovhicang at sinamaan ng tingin. Napakasama nyo sakin. Hmp!
"Hays. Nakakagutom din pala." Sabi ni Carmeng habang inaayos ang buhok nya.
Hindi kami nakakain ng ayos. Tubig nga lang ang laman ng tyan namin kagabi. Yun lang kasi ang meron dito sa office na to eh. Tsk.
"Ako din." Pagsang ayon naman ni Miniracquel.
"Tara kaya sa labas no?" Prisinta ko.
Hindi ko na yata kayang magtagal dito sa office na to. Baka mamaya makakita pa ako ng kamukha ko sa yearbook. Hindi ko kakayanin!
*****
"Sunog nako sa init. Wala pa rin tayong nakikitang pagkain. Psssh!" Maarteng singhal ni Miniracquel.
Pawis na pawis na kami dahil sobrang init talaga. Para kaming nasa disyerto. Walang katao tao, walang kaingay ingay. Medyo nakakatakot. Baka mamaya bigla na lang may zombie na sumugod samin. Wala kaming lakas.
"Agapito ikaw na lang kaya kainin namin?" Sabi ni Jovhicang at pinagbabato ako ng dahon na pinitas nya sa mga dinadaanan namin.
"Malapit na tayo sa 9/13. Sigurado merong pagkain don." Seryosong sabi ni Carmeng at bumuntong hininga. Altwali, hindi ako sanay na seryoso yan. Yan ata ang dala ng gutom. Tsk.
"Wow. Alam mo ba dati, sabi ng nanay ko, 7/11 pa lang yung tambayan ng tropa lola ng lola ng lola ng lola--" Hindi na naituloy ni Minira ang sasabihin dahil pinutol na ni Jovhicang.
"Oo na. Basta matanda. Psh!" Inis nyang sambit.
"Sana naabutan ko din yung 7/11. Nung pinanganak daw kasi ako, 9/13 na ang uso." Pagpapatuloy ni Miniracquel.
Maya maya pa, natanaw na namin ang convinience store na sinasabi ni Carmeng.
Nagkatinginan kami at....
1
2
3
Nagsipagtakbuhan kaming lahat papunta don.
Halos tumulo ang laway ko pagdating ko dun. MADAMING FOOODSSS!
Nagkanya kanya kami ng pwesto pagkarating don. Agad akong pumunta sa ref at kumuha ng milo. (Yung milo na may straw? Basta ganon!) At saka pumunta sa may mga tinapay. Nakita ko dun si Carmeng na tahimik na nanguya.
Si Jovhicang naman, nasa stall ng mga chocolates. Si Miniracquel, nasa ref at pumunta sa mga chips.
Kung wala lang zombies, ako na yata pinakaswerte.
Kumain kami ng kumain hanggang sa makakaya namin. Heaven.
"Ugh. Ang bigat ng tyan ko." Himas himas na ni Carmeng ang tyan nya. Ganon din naman sina Jovhicang at Miniracquel. Wala pang 30 minutes ng mabusog kami.
"Sana wala na lang zombies. Tapos wala na ding tao. Para masaya." Sabi naman ni Minira.
🎶🎼"Help beat energy, energy gap
Beat energy gap
Drink milo every day
Help beat energy, energy gap
Beat energy gap
Drink milo every day
Milo every day." 🎼🎵Nagulat kaming lahat ng biglang tumunog yumg radio ng pagka lakas lakas. Agad kaming napatayo.
🎼🎶"Get winning energy
Ready for school and play
Be a champ everyday" 🎵🎼"Anong nangyayari?"
-----
A/N
Walang kwentang chapter :/ Huehue!
BINABASA MO ANG
The Misadventures Of The Pacanton Squad
Novela JuvenilMamamatay ka na nga lang, sari-saring adventures pa ang pagdadaanan mo. Written by: chbbychksss Dedicated sa #CantonSquad!😻 O N G O I N G