Chapter Nine

4 0 0
                                    

*Warning*

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang tema at lenggwahe na hindi angkop sa edad labintatlo pababa. Patnubay ng magulang ay kaylangan. Lol!

Agapitotoyski's POV

Nagising ako nang dahil sa ingay sa labas. Pakiramdam ko ang sarap sarap ng tulog ko kagabi. Ang lambot kasi ng kama. Para akong nasa waterbed. Tapos ang lakas pa ng aircon. Buti nalang may kumot ako--- HUWAAT?! NAKA AIRCON AKO KAGABI?! WHERE EM AY?!

Agad kong sinilip ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Please! Sana hindi nila pinagsamantalahan ang katawan ko!

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakita kong kumpleto pa ang suot ko. Wala din naman akong nararamdamang masakit sa bandang baba.

Hindi nila pinagsamantalahan ang kainosentehan ko. *sighs*

Dali dali akong lumabas ng kwarto at tumambad sakin sina Carmeng, Jovhicang at Minira na nag aagawan sa chocolate syrup.

Agad akong lumapit sa kanila. At infairness. Mga bagong ligo ang mga gaga. Mga bago na din ang suot nilang damit.

"Guys nasaan tayo?" Tanong ko sa kanila. Ang naalala ko lang naman kasi, nasa bahay kami ni Caliber FortyFive--- omayghaad! Paano ko nakalimutan ang isang papable na si Caliber?!

"Hi Agashito!" Imbis na sagutin yung tanong ko, binati lang ako ng walang kwentang si Carmengina.

"Nasan pala si---"

"Good morning Agago!" Sabi naman ni Jovhicangina. Aba? Pinagtitripan ba nila ang pangalan ko?! Hindi makatarungaan!

"Good morning Aga---"

"Isa pang panggagago sa pangalan ko, masasampal ko na kayo." Mariin na banta ko bago pa ako lapastanganin ni Minirangina.

"'To naman! Napaka pikunin. Yung totoo? Sabihin mo nga Agago Pumatongina, second day ba ngayon ng regla mo?" Natatawang sabi ni Jovhicang. At ayun, halos mautas na silang lahat sa katatawa.

Azaar. Tss

"Nasan nga kasi si Caliber?" Tanong ko at umupo sa bakanteng silya. Ngayon lang ako nakaranas ng breakfast na may pancake at chocolate syrup. Poorkid nga kase.

"Nasa labas fo. May hinahanap." Nakangiting sabi ni Carmeng at himala lang. Ipinaglagay pa talaga ako ng pancake sa plato. So bait naman dis gurl.

"HA?! Diba maraming zombies sa labas?" Nagugulat na tanong ko. Jusko. Paano nya nakakayang magpaligaw ligaw sa daan?

Napatingin ako sa paligid ng bahay ni Caliber. Safe naman siguro kami dito. Puro bakal eh.

"Gulat na gulaat? Tsaka hayaan mo na. Strong naman yang si Caliber." Sabi naman ni Jovhicang.

"Ilang taon na daw ba si Caliber?" Tanong ko ulit.

Well, yung mukha kasi ni Caliber e mukhang kasing edad lang namin sya. At yung muscles nya? Para syang nagigym na ewan. Shet yang muscles na yan. Uhm!

The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon