"Bat walang tao?"
Napaupo na lang kami sa damuhan. Nakakapanibago. Sobrang bilis ng pangyayari. Kanina lang, kasama pa namin sina Ace at Ricardo. Pero ngayon... Apat na lang kami.
Sabi nung tyanak safe daw dito ah? Bat parang wala namang tao? Ibig sabihin, kapag ba inatake kami dito ng mga zombie, walang tutulong samin? Ganon?
Katabi lang naman ng Baog National High School ang Baog Elementary School. Kaya pagbaba namin kanina mula sa kisame, dito na kami bumagsak.
Ima so frustrated.
"Nagugutom nako." Maya maya'y sabi ni Carmeng. Napatingin kami sa kanya na may awa sa mga mata.
"Sana naging zombie na lang din ako. Nakakainis!" Hinila hila ni Jovhicang ang mga damo na inuupuan namin. Halatang paiyak na sya. Siguro dahil sa pagkawala nin Ace.
"Wag mong sabihin yan Jovs. Kaylangan nating makaalis dito. Hihingi tayo ng tulong. Maliligtas natin si Ricardo at Ace." Mahinahon na sabi ni Minira (short for miniracquel) pilit pinapakalma si Jovhicang.
"Imposible. H-hindi na sila tao Racquel. Zombies na sila." Nawawalan ng pagasang sabi ni Carmengg.
"Hindi to pwede. Kaylangang may gawin tayo." Napapapikit na sabi ni Jovhicang. Tumayo sya kaya nagsisunudan din kami.
"Wala na tayong magagawa Jovs! Kalat na ang zombies." Mahinang sabi ni Carmengg.
"Wala akong pake." Malamig na sabi ni Jovhicang at nagtuloy na sa paglalakad. Sumunod na ako.
*****
Third Person's POV
Samantala sa kabilang dako..
"Sherewara wara ho. Sheshe inshe." (I'm hungry) Sabi ng zombie na mukhang kokey sa mga kaibigan nya. Kasalukuyan silang nasa starbucks. Pachill chill lang.
"Bara bara wo. Boom boom pow." (It's been a while since I ate a brain. I wonder, where did the humans go?) Sabi naman ng zombie na nangangayayat. Halata nga sa katawan nyang hindi na sya nakakakain ng ayos.
"Hih chan humbarawara? Hoho humbarawara?" (Why don't we go outside?) Suhestyon ng isang babaeng zombie na katabi nung mukhang kokey.
"She! Sheshe! Sheshe!" (Let's get something to eat!) Sabi naman ng zombie na may abs. Grr! Lol!
Sa kabilang dako ulit...
Isang dyosa na kayang kumontrol ng mga zombies. Isang diwata ng mga taong iniwan at sinaktan. Isang ubod ng gandang dyosa.
Si Dyosa Crystal. (Magbigay galang!)
"Mga alipin, magsitigil." Sa kanyang simpleng salita, dun mo mararamdaman ang otoridad sa boses nya. Sa isang iglap, nagsipagtigil sa ginagawa ang mga zombie sa iba't ibang panig ng mundo. Maging ang mga zombie na nanggugulo sa train to busan.
Mariin nyang tiningnan mula sa isang portal ang mga zombie na naguusap kanina lamang.
"Where the hell are you going?" Kalmado ngunit mariin nyang tanong. Malumanay ang boses nya, pero deep inside nagagalit na yan. Ganon naman sya eh. Ang hilig nyang magtago ng nararamdaman.
"Garabom." Sabay sabay na sabi ng mga ito. (In the land where we can find foods)
"FIND. THEM." Imbyerna nyang sabi. Mga zombies na nga, kalandian pa rin ang alam. Maglalandi lang kasi yung mga yon. Tsk.
Alam na alam na ng dyosa ang kalandiang tinatago ng mga ito. Sya paba?
"Yeah yeah yeah." Natatarantang sagot ng mga zombies.
-----
BINABASA MO ANG
The Misadventures Of The Pacanton Squad
Ficção AdolescenteMamamatay ka na nga lang, sari-saring adventures pa ang pagdadaanan mo. Written by: chbbychksss Dedicated sa #CantonSquad!😻 O N G O I N G