Chapter Twelve

8 0 0
                                    

Agapito Pumatong's POV

"Nung una si Ace at Ricardo. Tapos ngayon si Carmeng. Sino nang susunod ngayon? Si Agapito?!" Punong puno ng paghihinagpis na sabi ni Jovhicang. Napataas ang kilay ko.

"Bat ako ang susunod?" Naiiyak na sabi ko.

Medyo nakalayo na kami sa bahay ni Caliber. Hindi na nga namin namalayan na inumaga na kami. Pero eto kaming tatlo, hindi alam kung saan pa kami pupunta ngayon. Tapos baka mamaya pa, may zombie na kaming makasalubong.

"Lahat tayo mamamatay, walang makakasurvive dito." Seryosong sabi ni Minira. Halos wala na syang emosyon.

"Ano bang nangyari? Diba nag aaral lang naman tayo ng tahimik? Tapos isang araw, may zombie na aatake satin? Tapos may halimaw pa na tulad ni Caliber? What the hell is happening?!" Pasigaw na sabi ni Jovhicang. Paupo na sana sya sa kalsadang nilalakaran namin, buti na lang napigilan ko sya.


"Wait Jovhicang, may tae." Kaya hinila ko sya at ipinwesto sa malinis na parte ng kalsada.


"Yan. Go, drama na."

So ayun nga. Nag iyakan kaming tatlo sa daan. Lahat kami, hindi alam kung saan kami mapapadpad. Tatlo na lang kaming nakasurvive. Wala kaming makitang tao. Bukod sa halimaw na dating papable na si Caliber, wala na. Baka nga mamaya, mangkukulam na ang makasalubong namin. Shutanginerns.


"Nakakainis. Dapat kasi magkakasama tayong lahat ngayon. Squad tayo diba? Sana nandito pa sina Ace, Ricardo at Carmeng." Pahagulhol na sabi ni Miniracquel.


Nilakasan ko din ang paghagulhol. Hindi naman kasi pwedeng masapawan nila ako sa pag iyak.


"Dapat kasi si Agapito na lang eh." Sabi naman ni Jovhicang. Nagyakapan silang dalawa ni Minira, kaya ako nakikapit sa laylayan ng manggas ng damit ni Jovhicang. Nilakasan ko din yung hagulhol ko. Yung mas malakas pa sa kanila.


"HUHUHUHUHU!"

Hindi kami tumigil sa pagiyak. Talagang sobrang umaapaw lang ang emosyon namin ngayon.


🎵"'Wag ka ng umiyak
Sa mundong pabago bago
Pag-ibig ko ay totoo."🎵


Napatigil kaming lahat sa pagkanta. Napatingin kami sa direksyon kung saan namin narinig na may nakanta.


🎵"Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin,
Kumapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan."🎵


Nagulat na lang kami ng biglang may isang lalaking naka-tuxedo na puti ang lumapit samin. May hawak syang mic na kulay gold at isang bond paper. Lyrics ata.


"S-sino ka?" Nauutal kong tanong nang lumapit sya sa amin. At hindi pa talaga sya nakuntento, kinanta nya ang chorus samin.


Ano nanaman ba 'tong makakasagupa naming to ha? Isa naman ba tong Drug Lord?


🎵"Kung wala ka nang maintindihan---"

The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon