Chapter Eleven

4 0 0
                                    


Third Person's POV

"C-caliber?" Nauutal na sabi ni Jovhicang sa biglang pagbabagong anyo ni Caliber. Nakangisi na ito ng nakakikilabot. Bagay na lalong nagpakaba sa apat na itlog.

"Hmmmm?" Malambing ngunit nakakikilabot na sagot ni Caliber. Isa na itong halimaw ngayon. Malaking katawan at naglalaway na bibig, napunit din ang ilan sa damit nito ng dahil sa paglaki ng katawan nya.

Isa isa nyang tiningnan ang apat.

"C-Caliber natatakot na k-kami." Seryosong sabi ni Minira  na bahagyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Ganon din ang ginawa ng mga huli.

"Let's play a game." Ngumisi nanaman ng makanindig balahibo si Caliber. Halos maihi na nga ang apat dahil sa kaba. Hindi nila maintindihan kung bakit biglang nag iba ng anyo si Caliber.

"A-anong laro? Taguan ng feelings? O landian? Unang mafall talo? Ganon?"

Tiningnan nila ng masama si Agapito. Wala naman kasi talaga sa hulog ang mga sinabi nya. Mema lang.

"Stupid." At lalo lang silang kinabahan dahil sa paraan ng pagtingin ni Caliber kay Agpito. Parang kakainin nya na kasi ang titig nya dito. "Well, you should've atleast one volunteer." Ibang iba ang kahulugan ng mga salita ni Caliber. Sadyang maiihi ka na talaga sa short kapag narinig mo syang magsalita.

"She will sacrifice her life, and the rest will be safe and sound. Feel free to leave my house."

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Mga hindi makapag salita at makagalaw. Isang volunteer? Sacrifice? Buhay? Shit.

Ayaw nila itong mangyari. Alam nila na sa larong ito, sila at sila pa rin ang talo. Hindi nila kakayanin na kaylangang may isang magsakripisyo para lamang makaligtas sila.



Napaisip si Agapito. She daw ang magvo-volunteer, ibig sabihin di ako kasali?

Anyways..



"So.. who's the lucky volunteer?" Tanong ulit ng lecheng si Caliber.



"Anong... anong gagawin mo sa magvo volunteer?" Nanginginig na tanong ni Carmeng. Napatingin sa kanya ang tatlo. Lahat sila, hindi maganda ang nararamdaman dito. Lalo silang kinabahan. Para kay Carmeng.


Nginisian ni Caliber si Carmeng.


"Good question babe. I will.. I will just make fun of her. After that, her friends will leave my house. Safe and sound."



Kinilabutan silang lahat ng dahil sa sinabi ni Caliber. They all hate this idea. Idea na bakit pa nga ba sila napadpad sa lugar ng isang baril---sa lugar ng pumuputok na si Caliber.



"Paano naman kapag walang nagvolunteer?" Tanong naman ni Jovhicang. Napabuntong hininga na lang si Agapito. Pwede naman palang kausapin si Caliber ng tagalog eh! Nagpapakahirap lang sila. Tsk!



"Then all of you will die." Walang emosyon na sabi ni Caliber. Inisa isa nitong tingnan ang magkakaibigan at sinadya pang ilabas ang kanyang kutsilyo. Kutsilyo na pwede mo nang gawing salamin dahil sa kintab.



"Ako. Ako nalang."



Nagulat silang lahat sa pagpiprinsinta ni Carmeng. They never imagined this shit to happen. One of them will sacrifice to keep the latter safe.



"No Carmeng! Ano ka ba?!" Inis na sigaw ni Jovhicang. Patuloy nang lumabas ang luha mula sa mata nya.



"Carmeng please.." Naluluha na rin si Minira. Nanatili lang na nakatayo si Agapito. Hindi pa kasi masyadong naabsorb ng utak nya.



"So I have a volunteer then. The three of you should go. You don't wanna see her in pain right?" Nang aasar na sabi ni Caliber.


Napatiim ang bagang ni Agapito. Sa wakas, bumalik na sya sa katinuan.



"Shutanginerns! Ano bang ginawa namin sayo Caliber ha? Ano kaba talaga?!" Buong lakas na sigaw ni Agapito.


"Agapito stop! Umalis na kayo dito please!" Sigaw din ni Carmeng sa tono na nagmamakaawa.



"What? Tapos kapalit ang buhay mo? This is crap! Ano na nabang nangyayari?!" Inis na sigaw din ni Jovhicang.


Pero laking gulat nila nang hablutin bigla ni Caliber si Carmeng at sinaksak sa may tagiliran. Namayani ang malakas na palahaw ni Carmeng na namimilipit na sa sakit.



"Shut up! I said leave NOW! BAKA GUSTO NYONG PATAYIN KO TO?!"



Biglang napaatras ang tatlo sa nangyari. Awang awa sila sa kalagayan ni Carmeng. Halos mawalan na ito ng malay nang dahil sa sobrang sakit.



"Carmeng.."


Tiningnan nila ang mata ni Carmeng na may namumuo ng luha. Pati ang tagiliran nito na panay na ang dugong umaagos. Bumuka ang bibig ni Carmeng, pero walang namutawing salita.


"I said leave!!" Malakas na sigaw ni Caliber. Napapitlag ang tatlo. Muli nya nanaman sanang sasaksakin si Carmeng kaya napatili na si Agapito.



"AALIS NA KAMI!" Malakas na sigaw ni Agapito at hinila na si Jovhicang at Minira na halos humagulhol na.


"No! Paano si Carmeng don?!" Pagmamatigas ni Minira.


"Mas mapapahamak sya don kung magmamatigas pa tayo!" For the first time in forever, biglang sumeryoso si Agapito.



"Hindi natin sya pwedeng iwan dito! Nung una, si Ricardo at Ace. Tapos ngayon si Carmeng? Hindi na. Hindi nako makakapayag non!" Pilit na pumipiglas si Jovhivang sa pagkakahawak ni Agapito. Pupunta na sana ulit sya sa kinaroroonan ni Carmeng ngunit pinigilan na sya ni Agapito.



"Kaylangan nating gawin to.." malumanay ngunit may bahid ng lungkot na sabi ni Agapito.



Dali-dali ng hinila ni Agapito si Minira at Jovhicang papalabas ng pinto. Bago pa man sila lumabas, tinanaw muna nila si Carmeng. Sa huling pagkakataon.


Ngumiti sa kanila si Carmeng ng magtagpo ang kanilang mga mata. Ngiti na parang nagsasabing "okay lang ako"



Malungkot na ngiti lang din ang iginanti ng tatlo kay Carmeng atsaka tuluyang lumabas ng bahay ng halimaw na si Caliber. Lumabas sila ng bahay na 'yon ng may sama ng loob.

---
A/N:

Ang sakit ng part na 'to. Hahaha!




The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon