Agapitotoyski's POV
🎼🎵"Get winning energy
Ready for school and play
Be a champ everyday." 🎵🎼NAWINDANG ang mundo ko nung biglang tumunog yung kantang 'yun. Yung energy gap na nakakapagpasigla sa lahat. Yung energy gap ng milo. Yung beat energy gap.
"Anong nangyayari?" Naguguluhang sabi ni Jovhicang.
Kinabahan ako. Dahil walang tao dito sa 9/13. Walang tao so ibig sabihin walang makakapagpatugtog ng energy gap na yan.
Umugong ang malakas na tunog. Feeling ko tuloy buong klase namin ang mage-exercise kahit tanghaling tapat na.
Mas lumakas yung sounds at ramdam kong kinakabahan na din ang mga kasama ko. Kakaiba kasi talaga ang feels. Pakiramdam ko may iba pa kaming kasama dito. At baka hindi tao yon.
"Guys, tara na. Alis na tayo." Kinakabahan na sabi ni Carmeng. Nagkatinginan kaming apat at tahimik na tumayo.
Dahan dahan kaming naglakad hanggang sa nakarating kami ng kalsada.
Dinig pa din namin hanggang dito yung tugtug ng energy gap. At totoo nga, palakas ng palakas yon.
"Shet. Anong nangyari don?" Habol ang hiningang sabi ni Minira. Oo, hinahabol ang hininga.
"Diba yun yung wellness dance natin?" Sabi naman ni Jovhicang.
Medyo nakalayo layo na kami sa lugar na yon kaya ang lakad namin, wala ng destinasyon.
"Nakakaloka. Bat bigla na lang tumugtog yon? Tayo lang naman tao dun diba? Tayo lang?" Naghihisteryong sabi ni Carmeng. Sapo nya ang noo at nakakunot na ang noo.
"Ang mahalaga, wala na tayo don. Aba, muntik na ngang mapasayaw si Agapito no! Buti na lang napigilan ko." Napalingon agad ako kay Jovhicang nung sabihin nya yon.
"Eh ikaw nga, maghe headbang na eh. Buti talaga napigilan din kita." Sagot ko naman kay Jovhicang.
"Help beat energy energy gaap! Beat energy gap!" Kinanta pa talaga yun ni Minira at kunyari pang naglalakad sa buwan. Eww
"Drink milo everydaaay!" Dugtung naman ni Jovhicang sa kanta.
Syempre, magpapahuli ba naman ako?
"MILO EVERYDAAAY!" Malakas na kanta ko.
Nagtinginan sakin yung tatlo at sinamaan lang ako ng tingin.
"Ano na naman?" Nakapamewang kong tanong.
"Wala na may epal naaa.." Malditang sabi ni Minira.
"Epaaaal.." sabi naman ni Carmeng.
"Wala na. May epal naaa--"
"RUN! RUN! RUN!"
Napatigil silang lahat sa pagsasalita dahil sa sigaw na yon ng isang lalaki. Napalingon kaming lahat sa likod at nagulat nalang kami na may ohsohot-nagwapo-atpapable na lalaking natakbo papunta sa direksyon namin!
At ang mas nakakagimbal, SOBRANG DAMING ZOMBIES ANG NAHABOL SA KANYAAA! OHEMGI!
"I SAID RUN!" Malakas nya pang sigaw kaya nagtakbuhan na din kami papalayo sa mga zombies ba yon. Eto nanaman yung kaba! Knowing na ganon kadaming zombie ang nahabol ang pwedeng kumain samin!
Nakahabol yong lalaki samin at laking gulat ko nung hatakin nya ang kamay ko dahilan para mas mapabilis ang pagtakbo namin.
Feeling ko madadapa na ako sa sobrang bilis ng pagtakbo namin.
Pero may kakaiba akong nararamdaman. Feeling ko nagslow mo yung paligid at tanging sya lang ang nakikita ko. Ano ba to?! Bat ang lakas lakas ng tibok ng puso ko? Patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Napansin ko na hindi nakakahabol samin yung tatlo. Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko ang kamay ni Jovhicang. Hinawakan naman nya ang kamay ni Carmeng at hinawakan ni Carmeng ang kamay ni Minira. In short, naghawakan kami ng kamay para walang maiwan sa pagtakbo.
Bigla kaming lumiko sa isang kalsada sa kanan at dumeretso sa isang abandonadong bahay. Kinabahan ako ng todo kasi nakita kong nakasara yung pinto at dire diretso kami. Sasalpok kami neto!
"Omaygassh! Babangga tayo!" Malakas na sigaw ni Carmeng.
Pero laking gulat naming lahat nang buong lakas na tinulak lamang ito ng lalaking kasama namin gamit ang naglalakihan nyang braso. Wow. Ang strong naman nito.
Sa isang iglap, naisara nya agad ang pinto at parang may kung anong pinindot don. Pagkapindot nya, biglang bumaba ang mga metal dahilan para masarhan ang mga pinto at bintana nya. Parang yung sa mga tindahan lang, yung maingay? Basta yon! Lahat kami namangha ng dahil don. May ganon pala dito sa pilipinas?
Lumingon sya samin at ngumiti. Lahat kaming apat, di pa rin maabsorb ang mga nangyayari.
"Hey, are you guys hurt?" Tanong nya samin. Umiling-iling lang kami at hindi pa rin makapagsalita.
"I guess you're still in the state of shock. Anyway, I'm Caliber. Caliber FortyFive."
Yung accent nya, alam mo talagang may lahi eh. Pati yung mukha nya. Mukha syang-- uh? Ano nga ba yon? Britanya o Bripish? Basta may B!
Pero.. magaling kayang pumutok si Caliber? 45 daw eh!
----
BINABASA MO ANG
The Misadventures Of The Pacanton Squad
Teen FictionMamamatay ka na nga lang, sari-saring adventures pa ang pagdadaanan mo. Written by: chbbychksss Dedicated sa #CantonSquad!😻 O N G O I N G