Chapter Thirteen

5 0 0
                                    

Third Person's POV

Bakas ang gulat sa mukha ng mga kaklase nina Agapito nang makita sila ng mga ito.

Tumikhim si Luk at agad na hinila papasok sa kanilang basement si Little Red Riding Hood/ Theang Sumuot.

"Sandali lang ah." Sabi ni Luk at agad na sinarado ang pinto.

Naguluhan ang tatlo sa inasta ni Luk. Ramdam nila na parang hindi nito gusto ang kanilang presensya.

"Anyare?"

Nagkibit balikat nalang silang tatlo at nag intay sa labas ng basement. Nagmukha tuloy silang habilin sa labas.

Maya-maya pa, nagulat na lang sila nang lumabas na si Alesine mula sa basement. Si Alesine Catapangan, ang president ng section nila.

"Hindi na ako magpapaligo ligoy pa." Sa boses nya pa lang, dama mo na na hindi maganda ang sasabihin nya.

"Hindi namin alam kung anong pinagdaanan nyo, at wala na kaming pake don.. Ang amin lang naman.." Bumuntong hininga pa talaga muna ang ate mo Alesine, "Threaten kasi talaga kaming lahat dito sa existence nyo."

Agad nawala ang ngiti sa labi ng tatlo. Hindi pa nila masyadong naabsorb ang mga sinabi ni Alesine. Bale loading palang.

"WHAT??!!" Inis na sigaw ni Jovhicang nang makarecover sya, "Paano naman kami naging isang 'threat' sa inyo?!" Inis na sigaw nya sa pagmumukha ni Alesine.

"Look Jovhicang! Hindi namin alam kung saan kayo galing! Baka mamaya, nakagat na pala kayo ng zombies. Baka mamaya, bigla na lang kayong magtransform na zombies at kainin kami. Natatakot lang kami sa maaring mangyari!" Tumaas na din ang boses ni Alesine dahil nakulo na din daw ang dugo nya sa inis.

Napatawa nalang ng sarcastic si Minira.

"Your ideas are absurd.  Kami? Infected?! Ha! Whattahell?! Bat ganyan na kakitid ang utak nyo? First honor ka ba talaga ha?!" Pasigaw nyang sabi sa pagmumukha ni Alesine. Napalingon sa kanila ang mga kaklase nila na nasa loob ng basement.  Nanunuod sa mga eksenang ginagawa nila. Tanga tangahan lang. Psh.

"Makitid na kung makitid. Nag iingat lang kami." Malamig nitong sabi sabay sulyap sa mga kaklase nilang mukhang mga tanga. "We shouldn't trust anyone. Iyon ang ikapapahamak namin." Malumanay ngunit pairap na sabi pa nito.

"Shutanginerns! Napakasama nyo! How could you not trust us?!" Inis na sigaw naman ni Agapito. Truth to be told, napapa english talaga sya kapag naiinis na.

"Hindi lang ako ang nagdecide non. Pati mga kaklase natin." Sabi ni Alesine. Tiningnan ng tatlo ang mga kaklase nila. Nagsi iwas lang naman ito ng tingin.

Bigla namang sumingit si Little red riding hood/ Theang Sumuot sa usapan nila.

"Alesine? Bat di mo pa sila pinapapasok dito?" Inosente nitong tanong.

"Selfish kasi sila." Masungit na sabi ni Jovhicang at tiningnan ng masama si Alesine. Ngumisi lang naman ito.

"Nagiingat--"

"Shut the hell up Alesine. Hindi ko inexpect na ganto pala kasama ang ugali mo. Ang akala ko masama lang eh, mas lalo pa palang--"

"Shut up Jovhicang! Bitter kapa rin ba at hindi ikaw ang nanalo bilang class president ng room natin? Try harder bes. Bawi ka nalang--"

"Bat ako mabibitter? Diba sinulot mo nga si Ramon?"

Natahimik silang lahat nang dahil sa sinabi ni Jovhicang. Hindi nila inaasahan na lalabas ang mga salitang yon mula sa bibig nya. Kasasabi palang nya na hindi naman sya bitter eh. Tsk!

"Omg. Sinulot ko?! Ha." Tumawa pa talaga ng pagak si Alesine.  "Hindi ka naman talaga minahak ni Ramon eh. Sadyang matapang ka lang kaya ginamit ka non! Duwag kasi si Ramon!" Sigaw ni Alesine kay Jovhicang.

"Edi ipinagsigawan mo na nga na duwag yang shota mo?"

Ngumiti lang ng nang aasar si Jovhicang kay Alesine. Effective naman dahil hindi na maipinta ang itsura ni Alesine. Ngayon nya lang din ata narealize na sinabi nyang duwag ang syota nya.

"Shutanginames!" Agad na sumugod si Alesine para sabunutan si Jovhicang. Buti na lang mabilis na nakailag si Jovhicang. Tumulong din naman si Minira at Agapito para itulak SANA si Alesine. Hashtag sqaudgoals.

"OUCH!" Nagulat sila ng bigla na lang tumumba sa lupa si Alesine. Sasabunutan pa lang sana nila,nadapa na agad. So lampa naman this girl.

"Ramon help! Inaaway nila ako!" Napatigil silang tatlo dahil sa isinigaw ni Alesine. Napataas ang kilay ni Jovhicang.

"Hindi pa kita inaano dyan tapos inaaway na agad? Pucha! Bagay nga kayo nyang ni Ramon! Pareho kayong duwaaaag!"

Bigla namang dumating ang aanga angang si Ramon na may kagat kagat pa na kamote.

"Wag mo syang pagsalitaan ng ganyan! Pwede ba Jovhicang? Tapos na tayo! Umalis na kayo! Hindi ko na kayang nakikita yang mukha mo! Nasusura ako!" Sabi ni Ramon na hindi naman makatingin sa mata ni Jovhicang. Bale habang nagsasalita sya, nakatingin sya sa baba. Muntanga lang ampt.

"Sinabi ko bang tayo padin ha?! Bobo! Mga puta kayoo!" Hindi na nakapagpigil pa si Jovhicang at agad na dumampot ng putik galing sa imburnal. Itinapon nya ito sa mukha ni Ramon. Kadiri.

"I hate you! I hate youu sagaaad!! Magsama kayo nyang ni Alesine! Mga shuta kayoo! Pakyu!"

"She! Sheshe! She! Inshe!"

Napatigil sa page emote si Jovhicang nang dahil sa tunog na nangingibabaw.

"Sherawarawarahoho.. Sheshe!"

Nanindig ang balahibo ni Alesine. Alam nya ang tunog na iyon. Tunog ng paparating na mga zombies.

Agad syang tumayo at sinara ang pintuan sa basement nila. Naiwan tuloy ang duwag na si Ramon sa labas kasama ang tatlong itlog.

Kinabahan silang lahat dahil may bunches of zombie na paparating. Mabibilis ang mga ito, at lahat nakanta ng "Sheshe!"

"Omayghad." Yan lang ang nasabi ni Agapito nang papalapit na sa kanila ang mga zombies.

--
A/N:
Natatandaan nyo pa po yong sheshe? Hahaha. Search nyo nalang sa fb or sa youtube sa mga di nakakaalam. ❤

The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon