Chapter Eight

7 0 0
                                    

Third Person's POV

"Ang bobo ng mga zombies ko SHET." Stressed at frustrated na sabi ng dyosa habang nakatingin sa isang timbang tubig. Dito nya nakikita ang ginagawa ng mga tangang zombies nya.

"Tsk. Tsk. Tsk. Sa dinami dami ba naman kasi ng pwedeng buhayin mo friend, ba't yung nasa sementeryo pa? Ba't mga patay pa? Edi mga wala ngang kwenta yon?" Pumapalatak naman na sabi ng isang kuba sa gilid nya. Paepal. Psh!

"Ha! Close ba tayo?" Pairap na sabi ng Dyosa sa kuba. Ngumiti lang naman ito ng alanganin.

"Pero para naman masagot na yang tanong mo.." huminto saglit ang dyosa at sumulyap sa kuba. "Alangan namang mga kutonglupa hindi ba? Alam mo naman na kay Semantha na ang mga yon? Sya nga ang dahilan kaya hindi ko nakasundo ang mga aswang. Dahil nilandi nya. Tss." Naiinis na sabi ng dyosa. Humalikipkip sya at tumingin sa malayo. Mainit talaga ang dugo nya sa malalandi. Lalo na kay Semantha.

"Pero.. dyosa Crystal? Hindi pa po ba---" Hindi na natapos pa ng kuba ang sasabihin dahil sa pahangos na pagharap sa kanya ni Dyosa Crystal.

"Ano nanaman ba?!"

"Hindi pa po ba kayo nakakamove on?"

Nag init ang tenga ng Dyosa dahil sa narinig. Sinamaan nya ng tingin ang kuba. Ang kuba na halos maihi na ng dahil sa takot.

"PASHNEA! Anong karapatan mong tanungin ako ng ganyan?" Nakapamewang na sabi ng dyosa. Napaatras naman ang kuba.

Nang walang sabi sabi'y bigla nya na lang itong kiname-hame-wave at ang resulta?

Naging pangit na pusa ang kuba. Sinasabi ko kasi sainyo,

Don't mess with a Dyosa. Remember that.

"Pakialamerang kuba. Tss!" Inis nya pa uling sinulyapan ang kuba at umupo na sa kanyang mamahaling trona.

May pagka ampalaya kasi ang dyosa. Oh-wag na kayong umangal! Gusto nyong maging kabayo?

As I was saying, ayun nga. HINDI PA KASI NAKAKAMOVE ON ANG DYOSANG ITU!

Tumingin ulit sya sa kumukulong tubig (well kumukulo na sya ngayon) na may dahon ng lagundi na masarap itapon sa mukha ng malandi. Naks narhyming!

Tiningnan nya ang mga tanga't bobong zombies na nanggugulo sa iba't ibang parte ng mundo.

"Nasaan na ang mga kampon mo Semantha? Tss. Mahahanap din naman kita."  Ngumisi ang dyosa na para bang may masamang binabalak.

Muli nyang sinulyapan ang litrato ng engeng nyang ex at ni Semantha.

"Anong akala nyo? Magiging masaya kayo forever? Walang ganon uy!" Pumapalatak na sabi ng dyosa.

----

A/N: Iba po talaga maghiganti ang mga taong iniwan at ipinagpalit sa iba! Lol


The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon