Author's POV
"She! Sheshe! Sheshe! She!"
Parang naestatwa sa kinatatayuan ang tatlo dala marahil ng matinding takot. At ayun na nga, paparating na ang mga zombies.
"Katapusan na natin." Mangiyak ngiyak na sabi ni Agapito na bahagya pang napakapit sa manggas ng damit ni Minira.
Pero si Jovhicang, malakas pa ang loob. Nagpalinya linga sya upang humanap ng matataguan. At sa kabutihang palad, nakakita sya ng isang CR.
"Guys sa CR!" Sabi nya sa dalawang kaibigan na sina Minira at Agapito. Pero bago pa man sila makapunta doon, nakita nila si Ramon na agad nagtatakbo sa CR. Papalapit na ng papalapit ang mga zombies, kaya nagtakbuhan sila papunta dito.
Pero laking dismaya nila nang mapagtantong nilock ng aanga-angang si Ramon ang pinto ng CR.
"Walanghiya kang Ramon ka! Napakaduwag mo! Buksan mo 'to!" Punong puno ng galit ang boses ni Jovhicang habang pinaghahampas ang pinto ng CR. Nanatili lang sa loob si Ramon na halos mapaihi na sa pantalon dahil sa takot.
"She! She! Sheshe! She!"
"Malapit na silaaa!" Napapatili na sabi ni Agapito. Naiiyak na din si Racquel dahil sa takot. Nanatili lang naman ang matapang na mukha ni Jovhicang na inihaharap nya sa mga kaibigan nya. Pero sa loob loob nya, pinanghihinaan na sya ng loob.
"G-ganto.. Napanood nyo na ba yung warm bodies?" Tanong nya sa mangiyak ngiyak nang si Agapito at Minira. Napangiwi lang naman ang mga ito.
"At nakuha mo pa talagang itanong yon?!" Naghi histeryo na sabi ni Agapito. Papalapit na talaga ng papalapit ang mga zombies at ayun sila, pinag uusapan ang warm bodies.
"Gago mo naman Agapito eh! Eto na lang ang nakikita kong paraan para makaligtas tayo." Huminga muna si Jovhicang. Inhale, exhale. "Magpapanggap din tayo bilang zombie. Gayahin natin yung kilos nila. Napanood nyo na ba yung warm bodies? Diba ganito din yung ginawa nong babae para di sya kainin ng zombies?" Paliwanag ni Jovhicang sa mga kasama nya.
"Natatakot ako! Hindi natin sure kung maloloko natin sila! Maghanap na lang kasi tayo ng tataguan!" Umiiyak na sabi ni Minira. Napahawak naman sa kanya si Agapito. Ganon din si Jovhicang.
"Wala ng ibang paraan. Wala na tayong matataguan." Malumanay na sabi ni Jovhicang. Unti-unti ng sumisilay sa kanyang mukha ang takot.
Wala ng nagawa sina Agapito at Minira. Ginawa nilang tatlo ang suhestyon ni Jovhicang. Nang nasa tapat na nila ang mga zombies, ginaya na nila ang mga tayo nito. Ang halos kubang katawan, ang kamay na nakalagay sa batok at ang pasuray suray na paglalakad. Ginaya nila ang kilos ng isang zombie. Nagsimula na din silang kumanta ng "she! Sheshe! She!" na lagi nilang naririnig sa mga zombies.
Hindi sila makapaniwala sa nangyari. Hindi nga sila pinansin ng mga zombies. Mga tanga talaga.
Kahit na anong mangyari, hindi sila nagpaanod sa mga dumadaan na zombies sa kanila. Kahit na halos makaladkad na sila ng mga ito, hindi sila umalis sa kanya-kanyang pwesto. Nakatayo lang sila don at nakilos na parang zombie.
BINABASA MO ANG
The Misadventures Of The Pacanton Squad
Teen FictionMamamatay ka na nga lang, sari-saring adventures pa ang pagdadaanan mo. Written by: chbbychksss Dedicated sa #CantonSquad!😻 O N G O I N G