Chapter Three

5 0 0
                                    

"Nasaan si Ricardo?"


'Yan agad ang ibinungad sakin ni Miniracquel noong nakahabol ako sa kanila sa paggapang sa kisame. Library ang ilalim nito, kaya malawak ang ginagapangan namin.


"Oy? Nasaan si Ricardo?" Tanong naman ni Jovhicang.


Lahat sila napatingin sakin. Shems. Di ako sanay sa ganitong atensyon. Enebe frends!


"Na infect si Ricardo.. Bigla syang natumba kanina." Emosyonal kuno na sabi ko. Inalala ko pa yung pakiramdam na nabasted ako, para medyo maluha ako.


Natigilan silang apat at parang natulala. Bigla silang napatingin sakin ng masama-- WALA AKONG GINAWA!


"Wala na si Ricardo?" Naluluhang sabi ni Acelena. Nahawa na ata sya ng pagiging emosyonal ko.


"Wala na sya.." sabi naman ni Miniracquel.

Basang basa ko sa kanila ngayon ang emosyon. Mahal naman pala sya ng mga kaibigan nya. Palagi kasi 'yong napagtitripan. Mukhang living joke daw kasi. Whahahaha!



"Mamaya na tayo magdrama guys. Kaylangan na nating makaalis dito, sa lalong madaling panahon." Mahinahong sabi ni Carmeng at nilibot ang tingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang dilim pala talaga dito sa taas. Madaming sapot ng gagamba, at may kaunting ingay ng mga daga. Nangangalingasaw din ang amoy ng ihi. Nakakadiri. Tsk!



"Pero wala na si Ricardo.." Malamig pero maiiyak na na sabi ni Jovhicang. Tumigil sila sa paggapang at ninamnam ang pighati. (Pighati amp)



Tahimik na nagiyakan ang apat. Pinapakalma nila ang isa't isa pero maya maya lang ay iiyak na ulit.


Ayst. Bahala kayo dyan.



Tinuloy ko lang ang paggapang ko. Wala kasi talaga akong nakikitang liwanag. Pero napansin ko din, bakit walang zombies? Bakit hindi ko naman naririnig ang mga yon? Ano na bang nangyayari sa baba?



Tsaka.. Kamusta na kaya ang nanay ko? Ang mga kapatid ko? Ang aso namin? Ang pusa? Ang mga butiki sa kisame?



Wala nga pala kaming kisame. Tsk!



Pero bat kasi nawala sa isip ko? Nag aalala na ----



"Away! Shino 'yon?"


Napapitlag ako dahil sa boses na yon. Nagsitindigan ang balahibo ko. Mula ulo hanggang talampakan.



Ano ba yung nabangga ko? Kumurap kurap ako hanggang sa maaninag ko ang isang maliit na pigura na unti unting nabangon.



Omaygash!



"TIYANAK!" Malakas kong sigaw at umatras ng umatras. Madilim dito pero malinaw sakin ang mukha ng isang nilalang na mukhang sumpa na tinubuan ng mukha. Ganon!



"Nasaan ang tyanak?" Tanong ni Miniracquel at lumapit sakin. Natapos na pala ang pagda drama nila! Sa wakas!



"Yung nuno!" Turo ko din sa tyanak-- na mukhang nuno!



"Exchuse meh? Hindi ako twanak!" Sabi nung nuno.



"Tyanak na nga, bulo pa! Letseng to!" Sigaw ko.



"Waaa! Tyanak at aswang!" Naagaw ni Carmeng ang atensyon naming lahat. Napalingon kami sa kanya dahil sa sigaw nya.



"Nasaan?" May takot na tanong ni Ace.



Jusq! Ano bang nangyayari? Kanina zombies tapos ngayon lamang lupa? Yung totoo? Ano bang nangyayari?



"Gags! Tingnan nyo si Agapito mukhang aswang. Tapos tingnan nyo yung tyanak. O pak! Perfect!" Sinamaan ko ng tingin si Carmeng. Nakuha nya pang magbiro eh ano?



"Pakyu." Pairap na sabi ko. Oras talaga na makaalis ako dito...



Edi makakaalis ako.



"Teka nga! Tyanak, saan kaba galing?" Seryosong tanong ni Jovhicang. HA! Nakikityanak na din sila ngayon.



"Hindi ako twanak! Galing ako sa woom sha baba, sha gwade sheven. Taposh ang dami palang dwombish don, kaya nandito ako sha taash." Paliwanag ng tyanak na ulol-- este bulol.



Grade seven na pala yang lagay na yan? Kala ko grade 2 e. -_____-



"Omaygash." Sabi ni Carmeng.



"Paano na tayo nyan?" Tanong naman ni Miniracquel. Nakukuha ko na ang iniisip nya.



Mukhang wala ng safe na lugar. Sa taas palang, mukhang marami ng zombies. Pano pa kaya sa baba?



"Ang alam ko kashe, shafe pa sa labash ng skul. Walang dwombiesh don, taposh---"



Hindi na natapos pa nung tyanak ang sasabihin nya nung biglang may kumalampag mula sa baba. Bale ramdam namin yung radiation nya. (Radiation wtf?!)



"She! Sheshe! She! Sherawarawara!"



"Ano 'yon?" Takot na tanong ni Ace.



Napatahimik kaming lahat at di na gumalaw. Alam na kaya ng mga zombie na nandito kami? Tsh!



"Zombies." Mahinang bulong ni Jovhicang.



Napatigil na lang ako nung nakita ko si Ace na nakatulala. Ano nanamang nangyayari?



"Bat sya natulala?" Mahinang bulong ko kay Jovhicang na tinutukoy si Ace.



"Nag iisip lang yan. Wag mo ngang pakealaman!" Masungit na sabi ni Jovhicang.



Pshhh!



Matinding gulat ang naramadaman ko nung biglang nalaglag sina Ace at tyanak sa mga zombie! Kitang kita ko kung paano nalaglag ang pwet nya kasama ang kisame!



"ACELENAA!"





Dala na rin siguro ng adrenaline rush, agad kaming nagsigapangan sa may sulok kung saan may maliit na butas na parang daanan palabas.



Sa huling pagkakataon, nakita ko ang sitwasyon ni Ace at ng tyanak. Kung paano sila pinagkaguluhan ng mga zombies. Unti unting natabunan si Ace. Pero nakita ko yung tyanak--- hindi pala sya tyanak. Maliit na babae lang. Sumabog ang utak nya. Nagkalat sa sahig.



Nakakasuka.


-----

The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon