Chapter One

19 0 0
                                    

Baog National High School. Ito 'yung paaralan na tatlong taon ko ng pinagtitiisan. Mabaho, masikip at higit sa lahat napakadaming panget. 'Yung tipong mapatingin ka pa lang, alam mo ng wala na silang kinabukasan. Mga mukha laging sabog e.

Napatulala na lang ako. Haaay. 3rd year pa lang ako. Gusto ko ng grumadweyt. Gusto ko ng umalis sa kahindik hindik na paaralan na 'to.

"Agapito Pumatong."

Panandaliang katahimikan.
Bigyan ng respeto ang pangalan ko. Parang awa na.

Isa pa 'yan sa mga dahilan kung bakit gusto ko na talagang umalis dito. May kutonglupa kasi akong katabi. Ang kutonglupa na nagngangalang...

"Tekla naman. Aga nga kase!" Inis na sabi ko at sinamaan sya ng tingin. Kaylangan ba talagang buong pangalan ko ang sabihin nya? Kabanas ha.

Agapito Pumatong. Aist!

"Aga? Yaks naman kase e! Hindi bagay sayo. Pumatong nalang pala! Hi Mr. Pumatong!" Nang aasar na sabi pa ni Tekla.

At kung hindi nyo naitatanong, may gusto yata sakin 'yang si Tekla. Tsk. Gwapo problems iz real. (Yak ha. Sa totoo lang diring diri ako sa kanya habang tinatype ko to. Hahahaha!)

"Don't talk to meh." Inirapan ko na lang sya at ibinaling sa iba ang paningin. Naani talaga ko kay Tekla.

"Waaa! Agapito may sasabihi  ako!" Sinamaan ko ng tingin si Tekla. Nadali nanaman e.

"Ano 'yon?" Iritable kong sagot.

"Ayeeee! He talk wants me!" Napairap na lang talaga ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Tekla. Parang gusto ko na syang ibalik sa grade 1. Kaloka.

"Yuck." Inis kong sabi.

"Wow ha! Kung maka yuck ka dyan kala mo naman kagwapo gwapo mo! Ultimong magtitinda ng ng isda sa palengke niligawan mo, tas binasted ka pa? Ouch mah freeend!" Sinamaan ko ng tingin si Tekla. Kaylangan pa bang ipaalala sakin yon? Tsk. Di na ko manliligaw ulit. Wala namang sumasagot sakin. Panay mura lang. Aist!

"De eto na talaga!" Pilit nya akong ipinaharap sa kanya kaya humarap na nga ako. Nagdidiscuss ngayon si Sir pero nasa likod kami. Leche nga si Sir e. Nagdidiscuss tungkol sa DNA. Hindi ko na nga maintindihan, ginugulo pa ko ni Tekla dito.

At talagang napamura na lang ako sa isip ko. Napakapangit talagang magpakyut ni Tekla. Bading na bading!

"Agapito, alam mo bang ang pagibig ay parang ngongo lang?"

Tiningnan ko lang sya.

"Oh tapos?"

"Eh Agapito sabihin mo bakit!"

"Tsk. Bakit?"

"Kase... In ni moh ma in inan."

Tawang tawa na sya sa sinabi nyang 'yong.

Putek. Malala na si Tekla.

****

"Bakit nga ba mahalaga ang Math?" Tanong sa amin ni Ms. Miranda na syang teacher namin sa Math. Nagpalakad lakad sya sa harapan at tiningnan kami isa isa. Talagang kinabahan ako.

Kapag sakin sya tumingin, patay na talaga.

Pansin ko ang pag iwas ng tingin ng mga kaklase ko. Kaya ako, nakitungo na lang din.

Math mahalaga? Tsk. Kalokohan! Eh lagi nga 'yong problema ng isang guwaaaapong estudyante na tulad ko e. Hindi naman kasi ako matalino. Slight lang.

The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon