"Hey guys, how r u?"
Nagulat kaming apat nung biglang bumukas ang pinto at ayun na si Caliber na super hot and osum. Lumapit sya samin. Malapit ng maggabi ah. Saan nanaman kaya galing ang pumuputok na calibre na ito?
"We are good." Nakangiting sabi ni Carmeng at binalik ang tingin sa tv.
At oo nga. May TV si Caliber. At tinry naming panuodin ang mga movies nya. At nakakadiri lang ang tatlong to. Wrong Turn kasi ang pinili nila. Yung may anuhan muna sa umpisa. At talagang buhay na buhay ang dugo nila sa part na yon.
"Why are you alone here?" Pinakinggan ko lang ang mga pinagsasabi ni Carmeng. Ang hirap lang pag englishero ang kausap mo.
Ang bilis ng oras no? Akalain nyo yon. Nagdi dinner na kami.
Bumuntong hininga muna si Caliber bago magsalita. "My parents are gone. They had gone the last day. Because of that damn zombies."
Nagulat kaming lahat dahil sa nalaman namin. Ibig sabihin naiwan sya ng parents nya? Ng pamilya nya?
"We're sorry to hear that." Sabi naman ni Minira.
"I haven't seen them. My family. My mom, dad and sisters. But I'm still hoping that one day I'll see them. Alive."
Okay. Wala kasi akong masyadong naintindihan e. Sorry.
"Is that the reason why.." parang putol pa ang sinasabi ni Carmeng.
"Why?" Dugtong ni Caliber. Pansin ko naman ang pag ngiwi ni Carmeng.
"Agaputa, tulong." Nagulat ako nung pinandilatan ako ng mata ni Carmeng. Inirapan ko lang naman sya at sumubo ng kanin. Ain't my business. Tss
"Do you search them outside? That's why you're always there?" Mabilis na tanong ni Jovhicang. Masyadong biglaan.
"Yah. Apparently. I'm trying to find them. I'm trying to get them back. But I'm losing hope now. I don't know where to go. It feels like I'm lost."
Ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Yung nanay ko kaya kamusta na? Bakit kasi ngayon ko lang sya naisip e? Hayst!
"Why ano.. why.. Tsk! Wag na nga lang." Pumapalatak na sabi ni Carmeng.
Etong babaeng to kanina pa gustong magtanong eh. Di lang talaga marunong mag english. Diba mag aapply sya bilang asawa ni Caliber? Nako ngayon palang, bagsak na sya. Di naman sila magkakaintindihan e.
Ako na lang kaya ang mag apply? Char!
"Do you have a girlfriend?" Mabilisang tanong ni Minira. Pambihira lang ang babaeng yan. Ganon ba talaga sya dumamoves? Psh.
Naramdaman ko ang pagsipa ni Jovhicang sa paa ko pero hindi pala para sakin yon. Para pala kay Minira na nasa tapat ko. Nakisipa din si Carmeng kay Jovhicang pero sakin natama. Kaya ang ginawa ko, nakisipa na din ako. Ganito kasi ang pwesto namin:
____Carmeng____Minra
TABLE NA MALAKI AT |Caliber MAHABA
___Jovhicang____AgapitoPero dahil sa likot ng paa namin sa ilalim, nasagi ang kape ni Caliber at natapon yon sa tyan nya. Napatayo pa nga sya ng dahil sa init.
"Omayghad! Caliber sorry!" Gulat na sabi ni Carmeng at tumayo para punasan ang tyan ni Caliber. Psh. Cha chansing lang yan e. -____-
"Shutanginames."
Dinig naming lahat yong pagmumura ni Caliber. Nagulat kami kasi nakakapagtagalog naman pala sya, at isa pa. Mura kasi yun ng mga baklaers. Pero hindi kasi yun yung issue eh, KANINA PA SYA ENGLISH NG ENGLISH marunong naman pala syang magtagalog? Shutanginerns ah! Sabog ba to?
Patuloy na pinupunasan ni Carmeng ang tyan ni Caliber pero lalo kaming nagimbal nang biglang naglakihan ang biceps, triceps at kung ano pa mang pwedeng lumaki at humaba sa kanya. Ehem!
Parang bigla syang naging si Incredible Hulk!
Ngumisi pa sya samin ng nakakikilabot.
To Be Continued..
---
A/N
Yey! Nasa kalahati na tayo! Last Ten Chapies to gooo!
![](https://img.wattpad.com/cover/104977647-288-k533370.jpg)
BINABASA MO ANG
The Misadventures Of The Pacanton Squad
Teen FictionMamamatay ka na nga lang, sari-saring adventures pa ang pagdadaanan mo. Written by: chbbychksss Dedicated sa #CantonSquad!😻 O N G O I N G